Chapter 12

3.2K 97 0
                                    

Khalil's Point of View

I WAS BUSY looking for baby clothes when my phone rang, i smiled when i saw my future wife's name on the caller i.d. "Yes, love?" malambing ang boses na ani ko, "Love, hanapan mo naman ako ng patatas na maliliit. Iyong baby potatoes, nasa mall ka hindi ba?" napangiti ako, ang simple lang ng cravings niya. Patatas.

"Okay, love. Iyon lang ba?" sagot ko, ". . . tapos gusto ko rin nung burger sa may McDo, tapos coke float na lusaw. Pwede?" napangiti ako, "Of course, my love. Iyon lang ang gusto niyo ni baby? Kamusta lagay mo diyan sa bahay?" sambit ko, "Hmm, we're okay. Nag eenjoy ako kasi smile ng smile iyong anak nila Khairro, nakakatuwa. Feel ko siya ang pinag lilihian ko eh," bahagya akong natawa, "I'll hang up now, love. Ibibilo na kita ng gusto mo,"

"Okay, love you!"

"I love you too, my love. . . love ko kayo ni baby, sobra-sobra. . ."

I sigh when the line ended, napapikit na lamang ako ng ilang segundo. I want to tell her about my other work, but i know she'll be devastated . . . my girlfriend  doesn't deserve a criminal boyfriend like me, i sell drugs i also killed some people.

While she's saving people, that's her work.

Habang tinatahak ang daan pauwi sa bahay ay ang daming pumapasok sa isip ko tulad na lang ng . . .

What if hiwalayan ako ni Astrid kapag alam niyang kriminal ako?

What if magulo ang buhay niya kung ikasal man kami?

What if paglaki ng anak ko galit siya sa akin kasi masama akong tao?


Bumuntong hininga ako atsaka ko ipinarada ang sasakyan ko sa parking lot, lumabas ako ng kotse ng dala-dala ang mga pinamili ko na baby clothes at ang mga pagkain na gusto ng girlfriend ko. Pagkapasok ko ng bahay ay agad na bumungad sa akin ang kapatid ko na ipinag hehele ang anak niya na natutulog at ang asawa niyang tulog sa sofa.



"Ang Ate Astrid mo?" tanong ko sa kaniya, "Nasa kusina, Kuya . . . Napapansin mo ba Kuya ang weird ni Ate ngayon? Kanina lang gustong gusto mag tanim ng patatas," natawa ako ng bahagya atsaka ko tinapik ang balikat niya, tumungo ako sa kusina at doon ko siya nakita na nakaupo sa isang upuan habang nakataas ang kanang paa at nanonood sa iPad niya ng K-Drama.


Hinalikan ko siya sa pisngi dahilan pars lingunin niya ako, "I miss you, love . . ." ani ko, "I miss you too, Khalil. Nabili mo iyong coke float na lusaw tapos burger and chicken and rice?" i nooded, sinimulan kong ayusin ang pagkain niya. Inilagay ko sa plato, "Anong luto ang gagawin ko sa patatas, mahal?" tanong ko sa kaniya.


"Uh, Garlic Browned Buttered Baby Potatoes— wait, what did you buy?" kuryoso niyang tinignan ang paper bag na naglalaman ng damit na pambata, "Para sa baby natin, sinisimulan ko ng mamili ng gamit niya. Para hindi na tayo mahirapan sa susunod," nakangiting sambit ko, ni hindi ko alam kung napapansin niya ba ang pagiging  matamlay ko pero sana hindi.



Ayaw ko siyang ma-stress.





HABANG nakahiga at magkatabi kami sa kama ay pakiramdam ko unti-unting nilalamon na ako ng konsensya ko. Hindi ko maatim na tignan ang sarili ko sa salamin, pakiramdam ko . . .






"Ano kayang mararamdaman ng girlfriend mo kapag nalaman niya kung ilan na ang napatay mo? At kung anong mga ilegal na trabaho ang hawak mo?" tila demonyong tumatawa ang isa sa mga ka so-syo ko sa pag bebenta ng drugs. It's Miguel.




Hindi ako nakakibo. I haven't had a chance to confess everything to Astrid, dumagdag pa iyong buntis siya. I can't risk her and our unborn child.




"Think about it, Montero. It's either we're all gonna go down or you're going to change that woman of yours . . . gwapo ka naman, mayaman for sure makakahanap ka pa ng iba," umiling ako, "If i have to suffer, I'll suffer. I'll accept it, i deserve it . . ."






Kinagat ko ang pang ibabang labi ko.





Hindi ko kaya na walang Astrid Alondra sa tabi ko, hindi ko kaya. At hinding-hindi ko kakayanin.





"Kaibigan kita, Montero. Pero, bakit naman kasi kalaban pa ang minahal mo?" i saw pain in his, his past with the current colonel of the Philippine National Police. She betrayed him, isinuplong nito sa pulis ang grupo namin dahilan para magkaroon ng madugong engkwentro.




"Astrid will never betray me . . . trust me on this one,"






"Baby, ang lalim ng iniisip ng Daddy mo . . ." napakurap at napalingon ako kay Astrid na hinahaplos at hinihimas ang sariling tiyan na may kaunting umbok pa lamang. I hugged her, it wasn't tight yet my hug was secured.





"May problema ba, Khalil? You've been spacing out . . . Love, you're not like this," her soft voice, it made me cry. A simple cry turns into sobs.



Hinahaplos niya ang likod ko at paulit-ulit na hinahalikan ang noo ko,at this time i feel safe.




"Kung hindi mo pa kaya o hindi mo pa gustong sabihin sa akin . . . ayos lang, maghihintay ako na sabihin mo na mismo sa akin kasi komportable ka. Basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako, ha? Nandito lang kami ng anak natin, hinding-hindi ka namin iiwanan," mariin akong napapikit.






"I love you, Khalil. I love you so much, love. Hindi ako nagsisisi na papasukin ka sa buhay ko . . ."





"Mahal kita ng sobra, Astrid. Binigyan mo ako ng maraming rason kung bakit ako nagpapatuloy sa buhay ngayon . . . patawarin mo ako sa lahat . . . patawarin mo ako,"







KINABUKASAN maaga akong nagising dahil sa pag ring ng cellphone ko, tumatawag si Miguel. I immediately answered it, pero sinulyapan ko na muna ang anghel ko na natutulog at nakayakap sa bewang ko. Hind ko mapigilang mapangiti. Ang ganda niya lalo na ngayong nagbubuntis siya.






"Hello?"




"Montero, ilang mga tao na ang kumakalas sa atin . . . hindi ko alam kung anong nangyayari, the police . . . they're coming to your house, i'm sorry. I'm already here in Dubai, ngayon ko lang nasabi sayo dahil kadarating ko lang. Hangga't maaari mag tago ka na muna, also. . . after they get out of your house, fly here. Mas safe dito,"






Nakakunot ang noo na nilingon ko ang asawa ko, as much a i want to escape. Hindi na kaya ng konsensya ko.





If i'll be jailed, i'll accept it.




I deserved it anyways.





Habang tulala ay nakarinig ako ng sunod-sunod na katok mula sa pintuan, dahan-dahan kong tinanggal ang yakap ng girlfriend ko sa akin at iniyakap na lamang iyon sa isang unan. Lumabas ako at nakasalubong ko ang kabado na kapatid ko habang buhat buhat ang pamangkin ko.







"MR. MONTERO!"




Agad akong lumabas, at hindi ko inaasahan. Maraming police, at kung lalabas ako ay napaliligiran na nila ang buong bahay.




"Mr. Montero, you're under arrest under the use of dangerous drugs and a crime of murder . . . "





Isa lang ang naisip ko.





Kung magsasayang ako ng oras dito, hinding-hindi mawawal ang konsensya ko.




Kaya sa huling pagkakataon. . .




Susuko na ako.



Hindi lamang para sa akin, para sa girlfriend at anak ko kung hindi para na rin sa mga naulilang pamilya dahil sa kagagawan ko. . .






"Sasama ako ng kusa . . ."







S W E E T D E N

Billionaire Bachelors: Khalil Montero [COMPLETED]Where stories live. Discover now