Chapter 7

3.8K 110 0
                                    

Astrid's Point of View


HABANG binabaybay ang daan pauwi, hindi ko maiwasang sulyapan si Khalil na naka focus sa pagtatrabaho. Hindi pa rin nga ako makapaniwala na tinanong niya ako kung pwede niya akong ligawan. Sayang lang at hindi ako nakasagot, hindi kaya naiinis siya? Kasi, iyong mga kaibigan niya ay biglang sumulpot.

Napakurap ako ng huminto ang kotse, nasa bahay na pala kami. Lumabas ako ng sasakyan at gayun rin siya, "Paano . . . ingat ka," nakangiting ani ko, nginitian niya ako atsaka hinawakan ang dalawang kamay ko. Napatingin ako sa kamay namin na ngayon ay magkahawak, hindi ko alam kung nahihiya ako o kinikilig. Buti na lang nasanay na akong mag hand cream.


"Astrid . . ." tumaas ang dalawa kong ilaw, "Khalil?" tanong ko. "Nothing, sorry about my friends . . . they kinda ruined our night," ngumiti ako at umiling. "It's okay, walang problema doon . . ." sagot ko, "Ang ganda mo," pakiramdam ko ay nag init ang pisngi ko, nahihiyang ngumiti ako. ". . .Salamat,"


Bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay ko at tila slow motion na sinapo ang mukha ko, titig na titig siya sa mga mata ko. Ilang sandali lang ay napapikit ang mga mata ko ng sakupin niya ang labi ko, inabot iyon ng ilang segundo bago siya humiwalay.


"Goodnight," he kissed my forehead before letting me go, kilig na kilig na pumasok ako sa loob ng bahay. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Primrose na mukhang kanina pa nakatingin sa bintana! Ang batang ito!


"Uy, si Ate! Hindi mo sinabing may boyfriend ka na ha! Nakakatampo . . ."

Nakangusong tinungo ko ang kwarto ko atsaka ako pabagsak na nahiga sa kama ko. Kinuha ko ang phone ko ng mag vibrate iyon, tinignan ko ang unknown number na iyon. Mag kwento na nga lang ako dito, tutal kinukulit rin naman niya ako araw-araw.




From: Unknown Number

How's your day, Capt.?

To: Unknown Number

Happy, kaya lang nanghihinayang ako kasi hindi ko nasagot yung tanong niya. Gusto ko mag oo kanina sa sasakyan kaya lang baka sabihin niya assuming ako buset hahahahaha

From: Unknown Number

Why would he think like that if he's the one who asked? Trust him, don't ever be shy when it's him. Swear, i swear . . .


To: Unknown Number

Eh nasa bahay na ako, pano ko pa sasabihin iyon ayaw ko na rin ibring up nahihiya ako di naman ako si Ivana

From: Unknown Number

Who's Ivana? lol you don't have to bring it up, alam na niya yun. Just always be yourself when you're with him.

To: Unknown Number

Baka ma turn off, pangit ugali ko kaasar hahahahahaha

From: Unknown Number

Gusto mo na ba?

From: Unknown Number

Add mo sa fb hahahahaha if di oa kayo friends

To: Unknown Number

Oops I forgot to accept his fr pala, buti pinaalala mo thanks bye! thanks for listening!

From: Unknown Number

anything for you, gorgeous:)





Binukas ko ang Facebook ko atsaka ako pumunta sa Friend Request Section, agad kong nakita ang pangalan doon ni Khalil. Full name niya yata iyon, Marcus Khalil Villamayor—Montero. Ang ganda, bagay sa kaniya.






Billionaire Bachelors: Khalil Montero [COMPLETED]Where stories live. Discover now