A/N: Epilogue next!
Khalil's Point of View
I CLOSED my eyes and shut my mouth. Ito na ang araw ng paghatol, kinakabahan ako simula pa kanina. Isa lamang ang nasa isip ko, ang girlfriend ko at ang anak ko na nasa labas. Apat na taon akong nag silbi sa kulungan, nasabi ko ang mga kasalanan ko ng hindi ako nang dadawit ng ibang tao.
Tanging pangalan ko lamang ang nadungisan.
At wala naman akong pinag sisisihan.
Sobra akong nangungulila kay Astrid at sa anak ko, apat na taon. Sa loob ng apat na taon at hindi ko siya nakita, tanging ang pictures na printed lamang nilang dalawa ng anak naming si Khali ang idinadala ng kapatid kong si Khairro.
Malalim na bumuntong hininga ako, whatever what happens . . . whatever what results came out from the mouth of the Judge ay kailangan kong tanggapin.
My hands are shaking. I was handcuffed, still.
". . . NOT GUILTY,"
Hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang nakasakay sa kotse papauwi ng Sta. Estrelita, finally . . . makakauwi na ako sa mag ina ko. Hawak ng kamay ko ang pulang velvet box na naglalaman ng engagement ring, i plan to marry Astrid and become her husband.
I think i'll be a house husband, i'll work at home and spend time together with our Khali and our future children.
"We're here, Kuya," nilingon ko ang bintana, wala kami sa bahay. But instead, nasa harap kami ng Police Station. Tangina, kalalabas ko nga lang ng kulungan . . . presinto na naman?
"Ganito na ba kapag trenta y otso na? Kuya, baka nakakalimutan mo . . . Pulis si Ate!" natampal ko ang noo ko atsaka ako napapikit, ibinulsa ko ang Velvet Box atsaka lumabas ng kotse, it was peaceful.
Habang naglalakad ako papasok ay hindi ko maiwasang kabahan, Khairro was behind my back and he was happily talking to a police man.
Huminto ako sa paglalakad ng matungo ko ang opisina niya, malakas ang kabog ng dibdib ko at tila sasabog. Punong-puno rin ng emosyon ang mga mata ko at tila ba ay kahit anong oras ay tutulo na ang luha ko. Nanginginig na binuksan ko ang pintuan, hindi na ako kumatok.
Ang tahimik na silid ay biglang umingay dahil sa malalakas na iyak.
Yakap-yakap ko na ang mahal ko, parehas na tumutulo ang mga liha naming dalawa. Parehas na humahagulgol, pinaghalong saya at pangungulila ang nararamdaman ko.
"Daddy!" natigil ako ng makarinig ako ng maliit na boses, ang kanang braso ko ay nakayakapos sa mahal ko na siyang umiiyak ay nakayakap sa akin. Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, nakita ko agad ang batang kamukhang-kamukha ko. She's wearing a pink shirt that says;
Daddy's Only Little Girl.
"Daddy, you're here!" she ran towards me, mas lalong tumulo ang mga luha ko. My girlfriend let go of me so i could hug our daughter back, "Daddy, finally you're here. Momma won't stay up late anymore, she won't stay up all night to write letters nor cry. Momma is happy again, so is Khali. Our family is complete now," i can feel her tears on my skin.
My daughter is crying.
"Y-Yes . . . our family is complete now,"
ISANG BUWAN na ang nakalilipas simula noong nakalaya ako at nakabalik sa Sta. Estrelita, wala akong oras na sinayang. Araw-araw kong sinusulit ang oras ko kasama ng mag ina ko, sinusubukan kong bumawi kahit pa sinabi ng fiancé ko na hindi na kailangan.
YOU ARE READING
Billionaire Bachelors: Khalil Montero [COMPLETED]
RomansaBook Cover By: @/frappejia!💗 "Can we have sex?" Khalil was not used on asking women having sex with him. Sanay siya na makitang ang mga babae ang nag mamakaawang hawakan niya ito, ngunit ng dumating si Astrid sa buhay niya at tila bumaligtad ang mu...