Chapter 6

3.6K 113 0
                                    

A/N: Please check out 'Under His Law' thanks!

Astrid's Point Of View

TULALA AKO habang nag liligpit ng gamit ko, hating gabi na at ngayon ang alis namin pabalik ng Maynila. Dumating kanina ang ilang sasakyan na pulis at doon na pinasakay ang mga kapulisan ng Sta. Estrelita. Lahat ay nakaposas upang makasigurado na walang tatakas. May kasama rin silang mga pulis, kabilang na ako doon sa mga bantay since ayaw ko sa truck.

"Mauna na ako, Khalil. Ingat ka pabalik," sambit ko atsaka ko tinapik ng ilang beses ang balikat niya, "Take care . . . are you sure you don't want me to accompany you?" umiling ako, "Hindi na, sige na . . . sumakay ka na sa kotse mo at bumalik ka na sa bahay mo, gabing-gabi na. Magkita na lang tayo sa Maynila," ani ko. Tumango siya, "Ingat . . ."

Nang makasakay ako sa loob ng sasakyan ay nakuha ng isang lalaking pulis ang atensyon ko. "Bakit ka umiiyak?" tanong ko, "Yung asawa't anak ko, Ma'am. Maiiwan sila rito . . ."

Bigla akong nalungkot.

"May mga tao akong maiiwan dito, ipatingin ko ang mag ina mo. Sa ngayon, kailangan na nating umalis," sambit ko. "Salamat po," tanging tango lamang ang isinagot ko.


Malalim ang mga paghinga ko habang binabaybay ang daan pabalik sa Maynila, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari, tiyak na masesermonan ako ng kapatid ko. "Captain, ayos lang kayo?" tumango ako. Biglang pumasok sa akin ang halikan namin ni Khalil kanina, surprisingly hindi ako nagalit.


Malalakas ang tibok ng puso ko noong tinutugon ko ang halik niya at hanggang ngayon na naaalala ko ang pangyayaring ito. Ano bang ginagawa niya sakin? Nilagyan niya kaya ng Love Potion yung Steak na binigay niya sa akin noong nakaraan? Hindi naman siguro.



"Your wish is my command. . ."

Sa tingin ko ay masisiraan na ako ng ulo. Buti na lang at nagawa kong hindi ma-awkward kanina . . .



Bigla kong naalala si Primrose, hindi ko pa siya nadadalaw. Pinangako ko sa sarili ko na balang araw dadalawin ko siya, ang kwento sa akin ng iba sy sabik na sabik daw si Primrose sa akin dahil hindi ko naman siya pinansin noon.




Taga Sta. Estrelita sila ngunit sa Sitio Mariposa, medyo tago na ang lugar na iyon. Ipinagdadasal ko na lang na sana ay dito ako sa Sta. Estrelita madestino, para makasama ko rin sila ni Mama. Ngayon lang ako mag lalalapit sa kanila, noong pumanaw ang Tatay ni Primrose ay hindi namin sila nadamayan. Galit kami ni Kuya sa kanila dahil nagawa niya kaming iwanan na lang basta-basta.





"ANONG naririnig ko na sa Sta. Estrelita ka na madedestino?" isinara ko ang maleta ko atsaka ko hinarap ang kapatid ko na kadarating lang. Napakunot ang noo niya at nakapakrus pa ang braso. "Wala akong magagawa, Kuya. Ayos rin iyon, susubukan kong makipaglapit kay Mama. Tutulungan ko siyang pag aralin si Primrose," sambit ko, "Sigurado ka na?" tanong niya.






Tipid na ngumiti ako at tumango. "It's been years, sa tingin ko rin . . . nangungulila si Primrose sa ate niya," ngumiti siya at lumapit sa akin, kapagkuwan ay ginulo niya ang buhok ko. "Kahit may Primrose na, ikaw pa rin talaga ang baby girl ko . . ." natawa ako, niyakap ko si Kuya.





"Thank you for everything, Kuya . . ."





"ATE! MAGKASAMA na tayo sa isang bahay?" nginitian ko si Primrose na ngayon ay kasalukuyang nagliligpit ng gamit, tumango ako. "Oo, gusto mo ba iyon?" tanong ko, agad-agad siyang tumango at lumapit sa akin at muling yumakap.




"Masaya ako, Ate. Akala ko kasi hindi na tayo nagkakausap, akala ko galit ka sa akin . . . pasensya na po, Ate. Sa nagawang pag iwan sa inyo ni Nanay dahil sa akin at sa tatay ko," pinigilan kong maluha, "Huwag mo ng isipin iyon . . . siya, sige na kuhanin mo na ang gamit mo ng makaalis na tayo,"




Sabay kaming lumabas ang kwarto at nakita namin si Mama na nakaupo sa sofa at mangiyak-ngiyak, "Ang anak ko . . ." niyakap niya ako at agad ko rin naman siyang niyakap pabalik, "Sana sa pagkakataong ito . . . huwag niyo na akong iwanan, Mama." sambit ko, tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.





"Hindi ka na iiwanan ni Mama, kayo ng Kuya mo . . ."




"Group hug!"




Habang nagluluto si Mama ng hapunan namin ay katabi ko naman si Primrose na nakayakap sa akin, nagbibida siya about sa lahat ng mga kaganapan sa buhay niya. Naibida pa nga niya sa akin na mayroon na siyang crush, pero dahil mas matanda sa kaniya ay pansamantalang nilayuan niya muna ito. "Ilang taon na ba iyon?" tanong ko atsaka ko hinaplos ang buhok niya, "Nasa thirties na, Ate . . ." agad akong nagulat.






"Nako, Prim ha! Baka pamilyado yan?" kinakabahang tanong ko, ayaw kong maging kabit ang kapatid ko!



"Single si Sebastian, Ate. Tsaka mabait siya, sinamahan niya ako maglibot kasi hindi ako nakasama sa field trip," nalungkot ako dahil doon, hindi naman kami hirap sa buhay ni Kuya kagaya nila Primrose, "I-eenroll ka ni Ate sa magandang eskwelahan sa bayan, ayos lang sayo?" ngumiti siya at tumango.





"Opo—" natigil siya sa pagsasalita ng may kumatok sa pinto, agad akong tumayo at binukas ang pintuan.




"C-Captain Adriano . . ." napakunot ang noo ko, "Anong sadya mo dito, Mr. Laurent?" naguguluhan na tanong ko, "Si Prim? Nandito ba siya?" tanong niya, "Anong kailangan mo sa kapatid ko?"






KINABUKASAN maaga akong pumasok sa Police Station at inabutan ko doon si Khalil sa labas, may bitbit siyang tulips at agad iyong iniabot sa akin. "Thanks, wanna come in?" tumango siya at nakangiting sumunod aa akin, actually kailangan ko siyang komprontahin tungkol sa kaibigan niya.






Sobrang bata pa ni Prim at ni hindi pa nga tumutungtong ng disi otso anyos tapos iyong Sebastian Laurent na iyon? Hindi pa pwede.




Mag hintay siya, kung ayaw niya edi huwag.





Umupo ako sa swivel chair ko atsaka ko siya hinarap, "Pwede mo bang kausapin ang kaibigan mo? Si Sebastian Laurent," sambit ko, kita ko ang pagkunot ng noo niya, "Why?" tanong niya. Bumuntong hininga ako bago magsalita, "My sister is too young, don't you think it's okay for him to know his limits first? My sister told me that they already kiss, god . . . she's just seventeen!"








Kita ko ang gulat sa kaniyang mukha, "S-Seryoso? Si Sebastian sa disi syete anyos?!"





Tumango ako, ilang minuto bago siya nagsalita ulit. "Sige, I'll tell him. . ." tumango ako, "Thanks," i answered, "But i have a favor," tumango ako, "Have a dinner with me later, I'll fetch you here," tumango ako.






"Thank you!"






SUMAPIT ang hapon, nasa isang restaurant sa isang dagat niya ako dinala. Siya ang nag order at siya rin ang nagbabayad, kahit nagpupumilit akong share kami ay ayaw niya. Kaya, bahala na lang siya . . .






"Do you like this?" tinignan ko ang lobster, agad akong tumango, binuksan niya iyon at iniiabot sa akin ang laman, napapikit pa ako at napaungol ng naranasan ko iyon. "You're gorgeous," nginitian ko lang siya, "Sinungaling . . .,"







"It's true though, i want to ask you something. I hope you won't—"





"Just say it," sambit ko atsaka ko siya piangkatitigan, huminga siya ng hangin. "I just want to ask if i can court you . . ."






Tinitigan ko siya ng ilang minuto, mag sasalita na sana ako ng makarinig ako ng boses sa likuran.






"KHALIL! PARE . . ."





S W E E T D E N

Billionaire Bachelors: Khalil Montero [COMPLETED]Where stories live. Discover now