Chapter 4

4.1K 117 2
                                    

Astrid's Point of View

THE NEXT MORNING, i was in rush since na-late ako ng gising. Hindi ko alam pero napasarap yata ang tulog ko kagabi, maaga naman akong natulog pero still, nalate ako ng gising. Nagising lang ako nung umiyak si Althea na nasa tabi ko. Tabi kasi kaming natulog, dali-dali akong lumabas sa kotse ko at natigil ako sa paglalakad ng makita ko si Khalil sa labas ng police station.

May kasama siyang lalaki na sa pagkakaalam ko ay si Klyde Moretti. Surprisingly, Khalil was holding a bouquet of flowers that has hyacinth, tulips and yellow button feverfew. My favorite flower combination, huling tanggap ko noon ay noong Graduation ko noong college. Bigay ni Kuya.

Hindi ko na sila pinansin at naglagkad na lamang ako, "A-Astrid . . ." nilingon ko siya at tinaasan ng kilay, "Sabi ko na sayo, Mr. Montero hindi ako makikipag sex sayo. Kapag pinilit mo ako . . ." inilabas ko ang posas atsaka ko ipinakita sa kaniya, ". . . huhulihin talaga kita," i saw Mr. Moretti chuckling.

Nagulat ako ng iabot sa akin ni Khalil ang bulaklak at ang isang paper bag na kulay itim, yumunod siya at nag salita. "I'm sorry," my lips parted in shock, he's saying sorry and this is for me? That's unbelievable . . .

"Accept the flowers, please . . . I know they're your favorite," tinignan ko ang bouquet na hawak ko na ngayon, naririnig ko ang kantsayawan ng mga pulis na sa ngayon ay nakatingin sa gawi namin. He gave me this bouquet, may nakasiksik doong envelope at tila may letter. Bigla akong na-excite. Ano kayang laman noon?

"Okay, then . . . apology accepted,"

Pagkatapos noon ay tinalikuran ko siya atsaka ko hinarap ang ang kaopisina ko, "ONE HUNDRED FIFTY PUSH UPS, NOW!"

Agad kong tinungo ang opisina ko mg may ngiti sa labi, sakto hindi pa ako kumakain ng almusal dahil nagmamadali ako. Buti na lang may dala siyang pagkain . . .

Inilapag ko sa mesa ko ang bouquet atsaka ko inilabas ang laman ng paperbag, ang mga tupperware. Mainit-init pa!

Tila nag heart shape ang mga mata ko ng makita ko ang isang masarap na Honey Garlic Steak Bites and Rice. May iced coffee rin siyang ibinigay, lahat ito paborito ko! Paano niya kaya nalaman na paborito ko ito? May tinanong kaya siya sa  mga katrabaho ko?

Pero bahala na, basta ako . . . kakain na lang ako.

HABANG nagliligpitng gamit ay patuloy akong nakatatanggap ng mensahe doon sa unknown na iyon, ilang beses kong tinanong ang pangalan niya pero hindi naman niya sinasabi or more like ayaw niya talagang sabihin. Sinuot ko ang shades ko at sinigurado kong walang buhok na sagabal mamaya. Pagkatapos ay isinukbit ko sa akin ang ilang baril ko at lumabas ng police station kasama ang mg baguhang pulis.

From: Unknown Number

Why are you not replying? :(

Pinatay ko ang cellphone ko bago ako sumakay sa likod ng truck, papunta kami sa Sta. Estrelita ngayon para sa isang raid, isa ito sa mga malaking grupo ng sindikato. Sinabi ni General na lumapit si Governor Agustuss dito dahil hawak ng mga sindikato ang kapulisan sa lugar nila. Bumuntong hininga ako at pasalampak na umupo, biglaan lang ito. Hindi ako nakapagpaalam kay Kuya.


"Captain, kaano-ano niyo ho si Mr. Montero?" tanong ng isa, i shrugged. "Wala, hindi kami magkaibigan at mas lalong hindi kami magkasintahan. Acquaintance lang, ganun . . ." sagot ko, umirap lang ako dahil nagdududa sila. "Mukha ho siyang mabait, malayong-malayo sa naririnig natin sa kataas-taasang posisyon," ani ng isa. "Kamusta ang asawa at anak mo?" hindi ko mapigilang itanong.



I have to keep everyone safe, hindi pwedeng may mawala sa kanila dahil may mga pamilya silang umaasang uuwi sila. Samantalang ako, wala naman. Kung kinakailangan kong masaktan, ayos lang basta ligtas ang lahat. Wala naman na sila Mama, kaya ko na ito.


Napalitan man lang ng ibang title ang magiging death certificate ko.


"Kapapanganak lang ho ng asawa ko kagabi, Captain. Isang malusog na batang babae ang anak ko, kailan niyo balak gumawa ng sa inyo?" natawa ako ng mahina, "Ni manliligaw nga wala ako, boyfriend pa kaya?" ani ko, napailing iling na lamang ako.



Inabot ng ilang oras bago kami makarating sa Sta. Estrelita, kaya napagpasyahan ng grupo na magpahinga na muna. Namalagi kami sa isang bahay ng isa sa mga kasamahan namin, si SPO1 Balesteros. Ito raw ang peace offering niya dahil hindi aiya makakasama lalo na at hindi pa siya magaling. "Dito niyo na iwanan ang cellphone niyo," ani ko.



Inayos ko ang mga baril na dadalhin ko, hindi puwedeng umaberya ito.


"NEGATIVE, Captain!"

Inis na tinanggal ko ang mask ko,  natakasan kami. Hindi ko naman akalaing ganito kalakas ang pang amoy nila, paniguradong mahihirapan na naman kami pero isa lang ang focus ko ngayon. Ang dalhin pabalik ng Maynila ang mga pulis dito upang makausap ng mga nakakataas. Muli akong bumalik sa truck dahil nandoon na ang iba, habang tumatakbo ang sasakyan ay tumatakbo rin ang isip ko.


Ayaw kong makarinig ng kung anong salita mula sa nasa taas . . . Ayaw kong marinig na minamaliit niya ako dahil babae ako, hindi ako mahina. Hindi rin ako malakas, pero ayaw ko ng pag dududahan ako dahil sa kasarian ko.

"Ayos lang yan, Ma'am. Wala naman ho tayong alam, biglang tip lang rin iyon. Hindi ho natin kasalanan na masyadong malakas ang pang amoy nila," hindi ko sila pinanasin. Kabisado na nila ako, kapag pumalpak ang isang operasyon sobrang nagiging disappointed ako sa sarili ko. "Mag re-report ako kila General mamaya . . . Magpahinga na kayo pag dating natin sa tinutuluyan natin," ani ko.


"SINABI ko naman kasi sayo, Captain Adriano na hindi mo kaya. Kung sana ay pumayag ka na sila Zubiri na lang ang kikilos ay—" kausap ko sa telepono ang General ngayon, "Pasensya na po," iyon lamang ang tanging naisagot ko, "Ayusin ninyo na lang ang gusot sa mga pulis diyan at ayos na, ako na ang bahala . . ."



Nang mamatay ang tawag ay agad akong lumabas ng bahay na tinutuluyan namin, sa isang subdibisyon ito nakatayo. Pagkalabas ko ng gate ay nabigla ako ng may humintong kotse sa harap ko, bumukas ang bintana noon at iniluwa si Khalil. Nandito rin siya sa Sta. Estrelita?



"Saan ka pupunta? Sabay ka na," tumango ako at sumakay sa kotse, wala naman na akong pinoproblema. Ang ilang kasamahan ko ay nasa police station na dito sa Sta. Estrelita upang kuhanin ang mga pulis, "May problema ba?" tanong niya, he sounds so concerned. "Failed Mission," sagot ko, "Oh! Iyong sinasabi ni Agustuss kanina . . . How are you? Are you hurt?" umiling ako.


"Negative eh, ang lalakas ng mga pang amoy. . . Wala kaming inabutan sa kuta nila," sagot ko atsaka ako tumingin sa labas. "Do you want me to help—" umiling ako, "Trabaho ko ito, Khalil. Kaya ko na, medyo disappointed lang ako sa sarili ko pero . . . lilipas din ito," sagot ko, "I saw the news," sambit niya.



"Yeah, the prescon. I turned off my phone, puro nakakagalit lang naman ang comments nila tungkol sa akin. Natatawa nga ako eh, bakit ba galit na galit sila sa babae? Samantalang kapag lalaki ang nasa sitwasyon ko, baka purihin pa nila dahil matapang," hindi ko mapigilan ang sarili ko, "Sa tingin mo ba, mahina ako kasi babae ako?" umiling siya.



"You're strong . . . bilib nga ako sayo, kasi si Agustuss walang magawa eh lalaki iyon, samantalang ikaw na babae ang tapang tapang mo," sagot niya, mahina akong natawa. "Pero honestly speaking, may mga tao talagang ganoon. Siguro kasi, hindi nila matanggap na kaya ng babae ang mga bagay na ginagawa rin ng lalaki," sagot niya.


"Sobrang unfair . . ." usal ko.

"Yeah, sobra. Just don't mind them, showing them what you can do is enough. People do nothing but to criticize everything, so, just do your thing . . ."




Napangiti ako.



I'm at my lowest, i didn't expect him to be here. But he's here, totoo nga ang sinabi nila.


"Strangers are the best listeners."

S W E E T D E N

Billionaire Bachelors: Khalil Montero [COMPLETED]Where stories live. Discover now