Khalil's Point of View
NAKIPAGKAMAY ako kay Mr. Mustafa, hindi matanggal ang ngiti sa mga labi ko dahil naiclose ko na ang deal. Lahat ng hawak kong iba't ibang drugs ay bibilhin niya, nakapagbayad na rin siya ng sapat. "See you around, bud!" tinapik niya ang balikat ko bago naglakad kasama ang nga guard niya.
"Ismael! Let's go, i need to sleep—" natigil ako sa pagsasalita ng mag vibrate ang cellphone ko, tumatawag si Agustuss? Ano namang kailangan nito?
Napailing na lang ako atsaka ko idinecline ang tawag.
Lumabas ako at sumakay sa loob ng isang private van, "Ideretso mo sa bahay," sambit ko atsaka ako sumandal sa upuan, "Boss, i-on ko ba? Nakakonekta tayo sa news sa Pilipinas," sambit niya. "Yes, please . . . I want to know what's happening," sambit ko.
Muli kong kinuha ang cellphone ko atsaka ako napangiti ng makita kong wallpaper ko si Astrid. Ano ksyang ginagawa niya ngayon? Tulog na kaya siya? Nagustuhan niya ba ulit ang bigay ko sa kaniya bago ako umalis, it's been a day. Bukas pa ang nakatakdang uwi ko, namimiss ko na siya.
Bigla akong natawa ng mahina ng maalala ko kung paano ako nag puyat habang ginagawa ang mga letters na ibinibigay ko sa kaniya, hindi talaga ako magaling sa ganoong bagay, pero nag enjoy ako lalo na at kay Astrid ko naman iyon ibibigay at alam kong na-a-appreciate niya.
"Parang ang corny ko na . . ." ani ko atsaka ko itinabi ang unang gawa ko, ilang oras ako nag practice ng cursive at ngayon ay ang struggle ko naman ay ang pag susulat ng letter. Baka itapon ni Astrid ang gawa ko dahil hindi na nga ganon kaganda ang sulat ko eh corny pa ang nakalagay.
"Gago kasi . . . sana pala nakinig na lang ako sa teacher ko noong grade school, edi sana hindi ako nahihirapan ngayon!"
Ngumuso ako at dumukdok, ayaw kong mag search sa Google, edi hindi na iyon galing sa heart, galing na kay Google.
"Diyos ko, pagod na ako . . . Bigyan mo na ako ng idea! Aray—"
Napairap ako at napaayos ng upo, "Ano bang ginagawa mo?" sinamaan ko mg tingin ang nakababatang kapatid ko na si Khairro, "Pwede ba? Doon ka na lang sa kama at mag laro ka na lang!" inis na sambit ko, tumawa siya.
Ano bang nakakatawa?
"Alam mo, Kuya . . . Nung nakaraan pa kita napapansin, may nililigawan ka ba?"
Hindi ako nakasagot. Si Khairro na lang ang natitirang kapamilya ko, pero sa tingin ko—
"Tutulungan kita, magaling ako sa pag gawa ng mga letter. Kailan mo balak iuwi dito ang nililigawan mo?" bumuntong hininga ako, "She hates me, hindi ko pa siya nililigawan . . . pero gusto ko siya," sagot ko.
"Hays, parehas tayo ng problema. Gustong gusto ko si Trinity kaya lang ayaw niya sa akin. Mas gusto niya iyong Muse ng Student Council," napatingin ako sa kaniya, may lungkot ang mga mata niya. Ang bata pa niya, sa tingin ko ay nasa disi nuebe.
Siya na lang ang mayroon ako. At ipinangako ko sa sarili ko na hindi siya mawawala sa akin, ang bunsong kapatid ko ay mananatili sa akin hanggang sa mag desisyon na siya sa sarili niya. Bigla akong nalungkot, ang bata niya pa ng iwanan kaming dalawa nila Mama at Papa.
"Kuya, let's do this. Pahingi rin ha? Balak kong bigyan si Trinity," ginulo ko ang buhok niya.
"Binata ka na nga . . ."
NAGISING ako bandang alas tres ng hapon dito sa Dubai, napairap ako at agad ko na sinagot ang tawag ni Agustuss. "Ano bang kailangan mo? Bukas pa ang uwi ko, huwag mo na muna akong istorbohin pwede ba? Kung may kailangan ka, ask my Secretary," sambit ko.
YOU ARE READING
Billionaire Bachelors: Khalil Montero [COMPLETED]
Roman d'amourBook Cover By: @/frappejia!💗 "Can we have sex?" Khalil was not used on asking women having sex with him. Sanay siya na makitang ang mga babae ang nag mamakaawang hawakan niya ito, ngunit ng dumating si Astrid sa buhay niya at tila bumaligtad ang mu...