5: Continue
NASA paglalakbay ang isip ko. Maaga akong pumasok kasi nahihirapan ang kalooban ko everytime nasa bahay ako. Sa tuwing uuwi ako, naririnig ko ang maanghang na salita ni Mama laban sa mga nag-i-invite sa 'kin. Si Papa ko naman, hindi niya 'ko inaaway kundi sinabihan lang na mag-ingat ako sa belief na paniniwalaan ko at baka ako'y malinlang at mahila.
Pilit ko na lang na pinapatatag ang loob ko sa naririnig. Sobra talaga akong nasasaktan kasi grabe talaga 'yong mga linya niya. Hindi ko na lang sinasagot si Mama kasi ibabato niya sa 'kin na, "Natututo ka ng sumagot-sagot dahil sa mga wrong again na 'yan?"
Ang pangit ko namang example kung babastusin ko siya, hindi ba?
"How I wish na maka-attend ka ulit," malungkot na sambit ni Dolor. "Mag-iisang buwan na rin nang hindi ka na nakakasama sa BS." Bible study 'yong BS. "Miss ka na namin," may longing sa tinig niya. "Kahit sina Ven at Kat, 'yong nang-ano sa 'yo dati. Pero hindi pa rin nila maintindihan sitwasyon mo kasi may kagaya ka rin kasi na nakakayang maka-attend."
"Miss ko na rin kayo." Same lang kami ng feels. "Hayaan mo na sila, Dolor. Hindi ko naman kailangan ipaunawa sa kanila ang sitwasyon ko."
"As a leader, it's my job to lead and teach them. Hay, another failure." Napayuko siya.
"No, don't blame yourself," kontra ko sa kanya. "Pero miss ko na talaga."
"Okay lang 'yan. Basta 'yong bilin ko sa 'yo, huwag kang titigil mag-pray at magbasa ng Bible," paalala niya ulit sa 'kin. Ginagawa ko naman pero pumapalya rin ako.
"What if may times na mawalan na 'ko ng gana?" challenging kong tanong sa kanya. May times kasi na nagkakaganito ako kaya may days din na hindi ako nakakapag-pray or magbasa.
"I actually asks God for desire," she shared. "I ask God to help me. I cry to God. I still hold my Bible and notebook. I remind myself kung gaano iyon kahalaga sa Christian life."
"In short, prayer?"
"Yes," mabilis niyang sagot. "Kaya kapag nawawalan ng gana, agapan agad kasi baka magtuloy-tuloy, mahirap na at baka masanay. If you can't pray, at least you can listen to Christian song or sing hymns to God. You can even cry for help to pray. Our flesh is weak, but His Spirit is willing."
"Wow, Amen. Thank you, Dolor." Dahil sa kanya, alam ko ang gagawin everytime na maka-experience man.
Hindi ako magpapatalo sa laban na 'to. It's not by my own strength, but by His strength. I may be weak, but He is strong. His grace is sufficient. I shall fix my eyes at Jesus.
"Maganda rin na magbasa ka sa Romans."
"R-Romance? As in romantic relationship?" taka kong tanong.
Natawa si Dolor. "Inform mo naman ako kapag mag-jo-joke ka." Hinampas niya ako. Hindi pa rin siya tumigil kakatawa. Napapatakip siya ng bibig dahil hindi mapigilan ang sarili.
Akala siguro niya, nag-jo-joke ako.
"Hindi ako nag-jo-joke. Nagkamali lang ako ng dinig," paliwanag ko sa kanya at napatigil siya sa kakatawa.
Binatukan niya ako nang mahina. "Abigail!" naasar niyang sambit.
"Sorry na."
"Basta 'yon ang suggestion ko," paalala niya sa kanina. "Basta huwag kang titigil gawin ang mga ginagawa for Him kasi if you stop, you may stumble."
"Hello, hello!" Nagulat at napatingin kaming parehas kay Enna. "Kalma lang mga kapatid, ang sama ng tingin n'yo. Wait, mukhang seryoso ang usapan n'yo, ah?"
BINABASA MO ANG
Religious Environment: Bad Experiences (Completed)
SpiritualBad experiences in a religious environment can affect someone's faith. Sometimes, it may lead to forsaking what is believed or in realizing that religion just exists to control people. Fear is the tool. Si Abigail ay may pananampalataya sa Diyos sim...