E P I L O G U E
Abigail
NANDITO AKO sa work. Nakaharap sa computer dahil maraming inaayos na documents. Ang daming pakalat-kalat na papel sa mesa ko kasi aayusin ang mga 'to. Nasasanay na rin ako kahit nakakahilo noong una.
"Kain muna tayo!" Nagyayaya na ang boss namin. Dito kasi sa workplace ko, mas gusto ng boss na sabay-sabay kumakain. Pagagalitan niya ang mga hindi sasabay sa kanya. Mapalad lang siguro kami dahil mabait siya.
Tumingin ako sa kanila at naghahanda na nga ng mga plato ang bagong pasok na employee dito. All around siya sa ngayon. Siya rin ang nagluto ng kanin sa rice cooker at bumili ng mga ulam namin. Iniangat ko ang tingin para sa orasan at mag-a-alas dose na pala ng tanghali. Ni-sleep ko muna ang computer. Pinagsama-sama ko muna ang mga papel dahil sobrang magulo talaga. Ang hirap kasi hindi pa naka-sort ang mga 'to at may hinahanap ako. Balita ko, may mga mag-i-internship dito at sa kanila ko nga papa-sort ang mga 'to.
"Miss Abigail, halika na dito. Mamaya na 'yan." Ang boss namin ay nasa harapan ko pala. Nagulat pa 'ko sa kanya. Mabilis ako nag-opo sa kanya. Umalis siya at bumalik sa pagkainan.
Naki-join na 'ko sa kanila. Malaki ang mesa na namin dito. Sabay-sabay talaga kaming nananghalian dito. Hindi kami kanya-kanyang kain sa labas. Naalala ko ang mga panahon na nandito kami nila Naomi dahil sa OJT. Nasa ibang lugar sila nag-wo-work na inalok din ng company na pinag-wo-work-an ko now. Na-mi-miss ko na sila, lalo na sila Dolor at Enna. Hindi na rin kasi kami gaano nakakapag-chat dahil busy kaming lahat sa kanya-kanyang buhay. Ganito na siguro kapag adult na-- ang dami ng priorities pero hinding-hindi naman mawawala ang pagkakaibigan namin. Ang hirap kasi hindi kami same ng mga day off kaya wala talaga.
Nag-online ako saglit habang kumakain. Walang signal dito sa office namin kaya may Wi-Fi at naka-connect na 'ko. Nag-scroll ako saglit sa FB. Nakita ko ang story ni Enna na nasa school siya. Nakasuot ng pang-teacher na uniform with students. Parang class picture nga nila with matching wacky. Si Dolor naman ay nag-picture sa harapan ng salamin na naka-formal na pang-work. Iba na talaga ang CPA. Napangiti ako dahil alam ko na grabe ang pinagdaanan niya bago makuha ang license na 'yon. Si Naomi, Marianne, at Irish ay nag-selfie lang sa mga story nila. Ang simple ng make-up pero bagay na bagay sa kanila. Buti pa sila, ang sipag mag-update sa FB. Ako, inaamag na ang account ko.
"Uy, kumain ka na." Siniko ako ng bago kong nakaka-close na si Rhonalyn. Magkatabi kami tuwing kumakain. "Nag-ce-cellphone ka na naman. Inactive ka naman sa socmed."
"Na-mi-miss ko na kasi ang mga kaibigan ko at nakikita ko na lang sila sa social media."
"Okay lang 'yan. Hindi ko na rin nakakausap ang mga kaibigan ko. Nakikita ko na lang din ang posts at updates nila sa FB kaso may mga inactive rin."
"Aww, we're same." Kumain muna kami pagkatapos ng convo na 'yon.
Nag-stalk ako kay Anthony Tyler habang kumakain. Wala rin siya gaano update sa FB. Busy na siya sa company nila habang nag-ma-masteral. Madalas pa rin naman kami mag-chat, nagkukumustahan at nag-u-update about sa mga buhay namin. Hindi niya napapabayaan ang responsibilities sa church-- sa ibang church na. Sumama siya kung saan lumipat si Dennis. Nandoon din sina Esther at Merwin-- ang mga 'yon, licensed civil engineer na and top notcher pa si Esther.
Magpapa-baptize na rin ako sa church na 'yon alang-alang kay Anthony Tyler. Ayos naman sa church nila kaya nagugustuhan ko na rin do'n but I am still agnostic theist. Pinayagan naman na 'ko nila Mama at Papa na lumipat ng religion. Ilang Sundays na rin akong naka-attend do'n. Ayaw nga sana ni Anthony Tyler na magpa-baptize ako dahil sinabi niya na hindi ko naman iyon kailangan gawin para sa kanya pero nag-insist ako dahil ayo'ko naman isipin ng mga ka-church niya na may unbeliever siyang girlfriend. Malay natin, baka maging full theist ulit ako dito pero masiyadong malabo mangyari. Ang mahalaga, masaya naman ako dito at makakasama ko pa ang iba kong kaibigan dito. Dito rin nga pala nag-chu-church ang family nila Dolor at maging ang Tita niya. Pa-minsan-minsan ay sumasama siya-- siguro, family bonding kaya gano'n.
BINABASA MO ANG
Religious Environment: Bad Experiences (Completed)
SpiritualBad experiences in a religious environment can affect someone's faith. Sometimes, it may lead to forsaking what is believed or in realizing that religion just exists to control people. Fear is the tool. Si Abigail ay may pananampalataya sa Diyos sim...