15: Hinala
Dolores
Alam kong dapat mag-focus ako sa pag-worship sa Lord ngayong araw na 'to pero hindi ko kayang ilihim sa buong church ang nalaman kong mga totoong nangyari. Nagpaalam ako sa mga kasama ko in dance ministry-- akala nila hindi ako makaka-attend ngayon.
Malaking scandal 'tong balak kong gawin pero wala na 'kong pakialam!
Tumakbo na 'ko papasok sa church. Naabutan kong scene ay praise and worship na. Nakuha ko ang atensyon nila dahil maiingay ang steps ko. Ang mga mata nila'y sinusundan ang kilos ko.
"Umamin ka na sa mga katiwalian mo, Pastor Steven!" sigaw ko sa kanya habang nasa gitna ako ng church. Ang boses ko ay dumagundong doon. Tinitignan ko siya nang masama.
Alam kong sa sandaling ito ay nagkakasala ako pero hindi ko iyon pinapansin.
Huminto silang kumanta at sumayaw. "Blessed morning, pamangkin ng dating kagalang-galang na Pastor Samuel. Late ka yata for today. Today is Sunday, a blessed Sunday and time to worship the Lord!" Nagtaas pa ng kamay ang hipokrito. Akala ninuman, napakabanal. "Ano ang iyong kinakagalit? Kung anuman ang problema mo, huwag munang isipin para makapag-worship--"
"Corrupt!" Hindi ako titigil sa pag-akusa sa kanya.
"Hija, kalma. Wala akong alam sa sinasabi--"
"Walang alam-- w-walang alam! Iyan, iyan ang alam mong sabihin!" dinuduro ko siya habang sinasabi iyan. Hindi ko kayang kumalma.
"Anak, Dolor-- teka. Pasensiya ka na po sa anak ko, pastor." Lumapit si Mama at nagtatakang tumingin sa 'kin. Maging si Papa ay tumitingin sa 'kin na gulat na gulat. "M-May pinagdadaanan lang siya. Tuloy lang tayo sa pagsamba sa Lord--"
Hindi ko pinansin sina Mama at Papa. "Akala mo, hindi ko malalaman ang mga kalokohan mo!" Binalik ko ang tingin do'n sa pastor. "Pinagkatiwalaan ka ng church na 'to, Pastor Steve! A-Ano'ng ginawa mo?" dismayado kong tinig. Tahimik pa rin ang paligid at lahat sila nakatingin sa 'kin.
"Konting hiya naman po sa Diyos, Pastor. Ang taas-taas ng tingin ko sa inyo. Pinagkatiwalaan ka naming lahat tapos malalaman namin ang tithes and offerings ay napupunta ang halos lahat sa personal properties n'yo kaya wala halos improvement sa church at walang nabubuong project na sinasabi ninyo?" Hindi ko kinaya at naluha ako sa harapan nilang lahat. Nagtataka ang congregation sa sinasabi ko.
Nagkaroon ng matinding bulungan dito sa loob. "Teka-- church!" saway ni pastor dahil umingay sa bulungan ng church mates ko. "W-Walang katotohanan iyan! Teka, may tamang oras para pag-usapan ang anumang hinala. H-Hindi sa oras ng Sunday Service!" Nakataas na ang kamay niya bilang pagpigil at pagpapatahimik pero hindi siya pinapansin.
"May katiwalian--"
"Ano'ng katiwalian? Gising na, Miss Dolores Ann Soledad! Tanghali na po señorita-- ikaw rin!" Napaupo ako sa gulat dahil sa boses ni Mama. Pinalo n'ya 'yong kutson ko. Hiningal pa 'ko habang na-re-realize na nananaginip ako ng hindi maganda. Nag-scandalo ba naman ako sa church, naloka ako. Alarm clock talaga ang boses niya.
'Yong tanghali talaga ni Mama, 4:45 pa lang ng umaga.
"Mabuti naman at nagising ka na, mahal naming señorita. Sarap tulog mo at nananaginip ka. Ano'ng katiwalian pinagsisigaw mo? Hindi ka ba nagdasal kagabi kaya binabangungot kang bata ka?" Nakapamewang na si Mama sa 'kin. Nakatingin lang siya at parang kanina niya pa ako ginigising dahil gigil siya.
Natatawa ako sa señorita. "Tawa ka pa nang tawa riyan. Nagdasal ka ba?" balik niya ulit na tanong.
"Alam n'yo po na hindi ko 'yan nakalilimutan," sagot ko. "Ang weird lang po talaga ng panaginip ko."
BINABASA MO ANG
Religious Environment: Bad Experiences (Completed)
SpiritualBad experiences in a religious environment can affect someone's faith. Sometimes, it may lead to forsaking what is believed or in realizing that religion just exists to control people. Fear is the tool. Si Abigail ay may pananampalataya sa Diyos sim...