Note (Please read)

44 8 0
                                    

Hello! If ever may nakarating man dito at natapos basahin ang story, maraming salamat sa paglalaan ng time para dito. I know na sobrang sensitive pag-usapan ang beliefs at sobra akong hanga sa 'yo dahil natapos mo 'to. Sa totoo lang, nahirapan din akong sulatin 'to, lalong-lalo na sa part na may atheism at agnosticism. Sobrang pinaglaanan ko 'to ng oras dahil nagbasa-basa talaga ako. Akala ko nga, hindi na 'to matatapos kasi ang busy ko at gusto ko na rin talikuran ang pagsusulat pero eto, darating pa rin pala ang oras na maisusulat ko ang epilogue nito.

Gustong-gusto ko kasi makasulat na story na kung saan ay mas maunawaan ng ibang believers ang mga tumalikod sa pananampalataya at mapaliwanag ang misconceptions regarding sa atheism. May mga religious people kasi na tinatawag na demonyo ang atheists pero that's not true dahil hindi rin sila naniniwala sa demonyo. Ang Christianity ay base sa pag-ibig pero bakit hindi nakikita ng iba ang inyong pag-ibig? Baka mamaya, mas mabait pa ang mga hindi naniniwala sa Diyos. Kaya maging careful when representing Christ. The moment na lumabas ka sa bahay n'yo at alam nilang nagsisimba at naglilingkod kayo, si Christ ang dala-dala ninyo. Kaya pag-isipin ninyong mabuti ang bawat salita at gagawin ninyo. Nakita n'yo naman siguro ang nangyari kay Vienna at Dolor. Meron naman na nagpapatuloy pa ring naglilingkod kahit nakaranas ng hindi magaganda sa church like sila Esther, Natalie, Cheryl, and others pero hindi madali mag-heal. Sana, maging mabuti tayo sa lahat dahil hindi natin alam ang pinagdadaanan ng bawat isa. We can never know the way they feel. Masabi man nila na nasasaktan sila, pero hindi natin alam kung gaano katindi iyon.

Hopefully, by this story, mas naunawaan ninyo ang kalagayan ng ibang tao. Sana huwag n'yo agad-agad na i-co-condemn ang isang tao na napagod mag-church o maniwala at umabot sa puntong maging unbeliever na. Hindi natin alam ang buong k'wento at lalong-lalo na ang mga nararamdaman nila. We shall be sensitive. Sana, we are always compassionate and try to understand them. Huwag natin silang babatuhin na walang faith, hindi na nag-pe-pray, hindi na nagbabasa ng Bible, at under na sa influence ni satan. Malay mo, ginawa nilang lahat 'yan-- pray, read, and having faith pero they feel ineffective iyon. Sa halip, maging mahinahon lamang kayo-- magpasensiya at unti-unti ninyo sila i-lead sa nakabubuti para sa kanila. Huwag na huwag din natin sobrang ipilit ang beliefs natin sa iba dahil hindi iyon nakatutulong. Timbangin natin ang sitwasyon kung angkop mag-preach.

Again, like Samantha said in her speech: Your religion is based on love; and your God is love, right? Then, practice what you preach.

Thank you!

-Peyyyytttt82 (Deleesha Faith)

Religious Environment: Bad Experiences (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon