6: Free
NAKAUPO KAMI dito sa may mini-park ng school namin. Tanghali ngayon at wala kaming pang-1pm class dahil nabilin na ng teacher namin ito kahapon.
"Sobra kong ma-mi-miss talaga si Enna natin," nalulungkot na wika ni Dolor. "Bakit kasi ang layo ng nilipatan ng family niya?" nakayuko niyang sabi at ginagalaw-galaw ang daliri sa kamay habang nakapatong sa mesa.
Nasasaktan akong tignan siya. Magkakasama kami for almost 4 years. "Kung kailan Grade 10 na tayo, mag-co-completers na, e-- saka pa siya umalis!" Hinahagod ko na lang ang likod niya. Nabigla kaming lahat sa pag-alis niya.
Mabilis na lumipas ang halos apat na taon. Grade 7-9 ay magkakdikit lang talaga kaming tatlo. God answered my prayer dahil nandito pa rin ako, enrolled as science class student. Magkakasama kami sa math competitions, nagtutulungan mag-review, mas naging stronger ang friendship dahil may times na nag-aaway kami pero naayos, may sama-sama kaming nagagawang kung anu-anong katuwaan, and we are all honors. Still, hindi na 'ko ulit nakapag-church kina Dolor at nakapag-attend ng BS dahil sinunod ko na talaga si Mama. Mahirap na at may maglaglag sa 'kin at ayo'ko namang pag-awayan 'yon ni Mama. Hindi sa pinanghinaan na 'ko ng loob at natakot. Para sa 'kin kasi, aanihin ko ang pag-attend ko kung hindi naman kami magkasundo sa bahay? Pero hinahangad ko pa ring maging malaya.
"Sobrang masakit din sa 'kin na hindi natin siya makakasama for completion," emotional kong sabi. "T-Tapos, hindi natin alam ang dahilan kung bakit sila lumipat ng lugar ng family niya."
"Bigyan natin siya ng time sa pag-k'wento." Tumango na lang ako sa sinabi niya.
Naiiyak na lang ako habang naalala ang nangyari kanina.
Tinawagan namin si Enna. We're so worried dahil hindi siya pala-absent na nilalang. Kung mag-a-absent man siya, palaging may excuse letter pero ngayon, hindi na lang siya pumasok at walang notice kung bakit.
Nakailang call kami at matagal bago niya sinagot ang last call namin. "I'm sorry at hindi ko n-nasabi sa inyo."
"Ang alin?" nagtataka naming sabi. "Kumusta ka? Nangyari?"
"Matagal ko ng inaayos ang documents para makalipat-- mga 1 month na rin. Pasensiya na, biglaan kasi ang mga nangyari at kailangan ko na rin 'to ibaba. Salamat sa pag-aalala ninyo..."
Magdikit lang kami ni Dolor na pumasok sa classroom. Hindi kami sanay na wala si Enna. Magkatabi kaming umupo ni Dolor at walang nakaupo sa isang side niya. Nakakapanibago si Dolor kasi ang tahimik niya. Super nag-aalala din sigurado siya sa lagay ni Enna. Pero parang may something pa kay Dolor, parang may iba pa siyang nararamdaman kaso hindi ko alam kung ano.
"Bakit pala absent si Pres?" nagtatakang tanong ni Esther. President pa rin namin si Enna. Pati ang iba nagtataka kasi hindi nag-a-absent 'yon. Siya kasi ang consistent first honors namin pero categorized siya as with high honors. Siya mula grade 7 to 10 dahil grabe ang tiwala ng class sa kanya. Magaling kasi siyang leader.
Umupo si Esther sa upuan ni Enna. Tumingin lang si Dolor sa kanya. "Hala, bakit ganiyan ka makatingin?" naguguluhang tanong ni Esther. "Ano ba'ng nangyari?" Hindi umiimik si Dolor.
"Nag-transfer si Enna." Ako na lang ang sumagot para sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Esther dahil sa sinabi ko. "Hala?" gulat niyang sambit. "K-Kaya pala..."
BINABASA MO ANG
Religious Environment: Bad Experiences (Completed)
SpiritualBad experiences in a religious environment can affect someone's faith. Sometimes, it may lead to forsaking what is believed or in realizing that religion just exists to control people. Fear is the tool. Si Abigail ay may pananampalataya sa Diyos sim...