25: Agnostic Theist
NAKATAMBAY KAMI ni Anthony Tyler sa ilalim ng mga puno. May mga upuan at mesa dito. Ang sariwa ng hangin dito. Ang sarap sa pakiramdam. Pumikit pa 'ko para namnamin iyon.
Nilabas ko ang libro ko ng accounting dahil may quiz kami mamayang 3 o'clock. Hinahaplos ko muna ang libro at nakatingin sa malayo-- sa mga puno na sumasayaw dahil sa hangin at sa mga ibon na lumilipad sa himpapwid. Nag-review naman na 'ko kagabi pero may gusto lang akong balikan na madalas kong kalimutan.
Naalala ko tuloy ang panahon na BSA (Accountancy) pa 'ko, nakaka-stress dahil iniisip ko na dapat quota ang bawat quiz pero ngayon, kahit kalahati lang makuha ko, makakapasa na. Hinding-hindi ko pagsisisihan na binitawan 'yon dahil nagkaroon ako ng peace of mind-- walang iniisip about grades. Accounting pa rin naman course ko, hindi nga lang ako makakapag-board exam.
"Anthony Tyler," tawag ko sa kanya dahil may nais akong itanong.
"Hmm?" sambit niya kahit nakatingin sa notes niya.
"Noong senior high tayo, paano mo na-cope ang pressure? Grabe kasi ang expectations sa STEM and talagang above their expectations ang ginawa mo," random question ko sa kanya. "Hanga talaga ako sa 'yo, e. Ako kasi, hindi ko na kinaya sa accountancy."
Ngumiti siya bago sunagot, "Mahirap pero iniisip ko ang family at kalagayan namin sa buhay. Na-compromise nga ang buhay Kristiyano ko dahil dito... Hanga ako sa napagsasabay talaga nila na hindi naapektuhan ang spiritual life." Hinagod ko ang likod niya dahil nararamdaman ko ang bigat ng pinagdadaanan niya. "Akala ko noong una, kaya ko 'yon ginagawa rin para mas lalong mapuri ang Diyos pero nawawalan ako ng time for Him... Hindi naman kasi ako matalino-- nag-aral lang ako mabuti that time."
"Kumusta naman mental health mo no'n?"
"Hindi ko inisip 'yan basta makapagtapos ako na may honors para sure na makakuha ng matitinding scholarships na makakatulong financially sa family. You know, working student ako now... Nakakapagod pero kakayanin ko." Dama ko ang determination niya.
Sana all, ganito.
"Ikaw... How's life especially your spiritual life?" Sinara niya ang kanyang binabasa at piniling makipag-usap sa 'kin. Nalipat naman sa 'kin ang usapan. Napatigil ako sa spiritual life dahil alam ko ang tinutukoy niya ay ang Christian life.
"To be honest, Anthony Tyler..." Parang hindi ko kayang sabihin sa kanya. Alam kong hindi niya naman ako i-co-condemn gaya ng ibang judgemental Christians pero nakakahiya kasi man of God siya pero ako, hindi ko na alam.
Tumingin siya sa 'kin na sabihin ko pa rin kahit ano pa 'yon. "Naniniwala pa rin ako na may Diyos pero hindi ako sobrang confident na meron talaga."
"Are you doubting God?" gulat niyang sambit. "It's okay. Mas makikita by being skeptic kung tama ba ang pinapaniwalaan natin."
"I mean, buong buhay natin... Unknowable talaga ang existence of God. You know na may limitations lang tayo as humans, 'di ba?" Napatango siya sa sinabi ko sa huli. "Sa dami ng religions or gods, how come na 'yong belief or God natin ang totoo?"
"Sabagay, naiintindihan naman kita. Anuman ang paniwalaan mo, tanggap kita at hindi magbabago ang katotohanan na mahal kita."
I felt relief sa sinabi niya. "Salamat, Anthony Tyler." Parang nahihiya pa 'kong magsabi ng 'I love you' dahil napakabigat ng meaning niyan. Gusto ko man siya pero hindi ko pa masasabi na mahal ko na siya agad.
"Wala 'yon, Abigail Faith. Ipag-pe-pray pa rin kita." Nakaka-touch pa rin na sabihing ipag-pe-pray niya ako. Mas okay 'to kaysa pilitin ang isang tao na mag-pray kahit hindi applicable sa kanya.
BINABASA MO ANG
Religious Environment: Bad Experiences (Completed)
SpiritualBad experiences in a religious environment can affect someone's faith. Sometimes, it may lead to forsaking what is believed or in realizing that religion just exists to control people. Fear is the tool. Si Abigail ay may pananampalataya sa Diyos sim...