Chapter 8: Judgements

58 8 28
                                    

8: Judgements

HINDI KO ni-open ang group chat (gc) na ginawa ni Dolor dahil sobra talaga akong naapektuhan sa mga sinabi niya. Nakahiga na 'ko nang nag-notify 'yan. Bumigat ang pakiramdam ko nang maalala ang sinabi niyang ginamit ako ng enemy. Naiinis ako sa pagiging sobrang sensitive ko at madalas wala pa sa lugar.

Nagising akong hawak ko pa ang phone. Na-realize kong nakatulog pala ako kagabi nang makita ang ginawa niyang gc. Agad akong bumangon dahil Monday ngayon at may pasok.

Pagpasok ko, nagtaka ako dahil wala pa si Dolor. Nilibot ko ang paningin ko sa buong classroom pero wala talaga siya. Maaga pumapasok lagi 'yon. Baka na-late lang ng konti.

"Hello Abi, good morning!" bati sa 'kin ni Esther pagkapasok ng classroom. Umupo siya sa tabi ko na kinataka ko kasi may ibang circle of friends siya pero baka wala pa kasi ang sila. "Hindi makakapasok si Dolor for today. Nakasalubong ko Mama niya bago ako pumasok at pinasuyo niya ang excuse letter na 'to." May pinakita siyang papel. Binasa niya 'to. "Nilalagnat siya ngayon. Nagsusuka siya."

Nabalot ako ng pag-aalala. Kahit na may tampo ako sa kanya, tampo lang 'yon. "Ay hala, kaya pala wala pa siya. Sana gumaling siya agad."

"Dito muna ako. Okay lang ba?" tanong niya at tinuro ang p'westo ni Dolor. Pinayagan ko na lang siya kahit nagtataka ako sa kinikilos niya.

"Paano sila Bella, Merwin, at Rhylle?" Sila 'yong circle friends ni Esther dito sa science class.

"Kay Merwin lang panatag ang loob ko pero sa dalawa h-hindi," k'wento niya na ikinagulat ko. "Sina Bella at Rhylle ay 'di ko pa kayang k-kausapin."

"Hala, ano'ng nangyari at--"

"Esther!" tawag ng lalaki naming classmate sa kanya. Magtatanong na sana ako pero dumating siya. "Nandito ka pala? Tabi na tayo." Umupo ito sa tabi niya, na dating upuan ni Enna.

"Dito muna ako sa tabi niya, Abigail," paalam niya sa 'kin.

"Sige lang, Merwin." Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Crush mo ba siya?" Bumulong ako kay Esther. Tinutukoy ko ay si Merwin. Bigla ko lang kasing naramdaman. Tinignan niya ako nang nagulat sa tanong ko. "Yie!" asar ko.

"Abigail!" sigaw niya sa pangalan ko. "H-Hindi." Mukha siyang denial kaya hindi ko na pinilit.

"Ingay mo." Natawa ako kay Merwin dahil sa naging reaction niya sa boses ni Esther. "Ano ba kasi 'yon? Inano ka ba ni Abigail?"

"W-Wala, Win. Manahimik ka na lang diyan."

"Wow, mas maingay ka kaya, Her." Hinampas siya ni Esther at natawa ako.

Hala, her pala, dahil estHER. Cute!

Natapos ang maghapon naming klase. Hindi ako sanay na wala si Dolor. Na-mi-miss ko na rin si Enna pero hindi pa rin niya kami ni-re-reply-an sa last contact namin sa kanya. Gusto ko na lang malinawan sa lahat ng mga nangyayari.

Niyaya akong mag-plaza ni Esther at Merwin kaya pumayag ako. Gusto ko rin kasi sila maka-bonding. Napangiti na lang ako nang maalalang hindi na 'ko restricted na pagkatapos ng klase ay darating agad si Papa. Parang kailan lang 'yon nang dahil sa religion. Hindi ko ma-imagine na kapag malaman niyang pumuslit ako sa ibang religion, baka makatay na niya ako.

"Alam mo ba, nililigawan ako ni Merwin," k'wento ni Esther habang kumakain kami ng street foods. Nagulat ako ro'n. Bigla kong nakita ang chemistry nilang dalawa. "Kaya nang tinanong mo 'ko kung crush ko siya, hindi ang sagot ko kasi mahal ko na siya." Nakaupo silang dalawa sa harap ko. Bigla akong nakaramdam ng kilig sa dalawa.

Religious Environment: Bad Experiences (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon