Chapter 21: Confess

22 7 0
                                    

Note: paalala lang po, FICTIONAL lang 'to-- gawa-gawa ng imagination ko. I don't know kung meron talagang ganitong kaganapan na mababasa ninyo sa chapter na 'to pero sana wala.

21: Confess

Dolores

KATATAPOS LANG ng Sunday Service. I am always blessed because of God's grace and mercy for everyday. Malapit na naman ang pasko at alalahanin muli ang kapanganakan ng Lord. Second semester na niyan sa January kaya sulitin dapat ang bakasyon. Nalulungkot lang ako dahil hindi nakapasa si Abi sa major subject namin na pre-requisite ang dalawang major subject this sem. Naniniwala naman ako na kaya niya.

Iniwan ko saglit si Abi dahil nag-CR ako. Nang lalapitan ko na siya, napansin kong mukha siyang stress. May malalim na iniisip. "I just want to forget everything about what I have known in truth!" Nagulat ako sa sinabi niya.

"No, please!" sigaw ko nang marinig ang sinabi ni Abi. Baka nabibigla lang siya sa sinasabi sa sarili. Bigla siyang bumagsak sa sahig kaya nataranta akong tumakbo sa kanya.

"Tyler! Dennis!" malakas kong tawag sa kanila. Buti na lang, hindi pa sila umaalis. Napatakbo sila nang marinig ang malakas kong boses. Advantage sa emergency cases ang pagkakaroon ng ganitong boses.

Kitang-kita ko kung gaano nag-aalala ang mukha ni Tyler. Agad nilang binuhat si Abi. Sinundan ko sila hanggang sa may higaan na meron dito sa church. Pumasok kami sa isang k'warto. Umalis muna si Tyler para kumuha ng pamaypay at tubig. Si Dennis ang nagbantay sa kanya muna kasi hihingi rin ako ng tulong kay pastor kung ano ang mainam na gawin.

Kakatok na sana ako sa office niya dito kaso nakaawang na ang pinto kaya binaba ko ang kamay ko. Naabutan kong nag-uusap ang ibang head leaders dito sa church. Mukhang seryoso ang usapan nila.

"Pastor Steven, paano ka po magpapaliwanag sa buong church, ha?" Gulat na gulat ako sa boses ni Ate Veronica. Mukhang stress siya. Nandito rin pala siya. Dahil medyo tsismosa ako ngayon, patawarin nawa ako sa invasion of privacy pero i-re-record ko para kung magk'wento man ako kina Abi, hindi gawa-gawa.

Dali-dali kong kinuha ang phone sa bulsa ko at ni-start ang recording. Nilusot kong konti sa nakaawang na pinto. Dahan-dahan ako kumilos para walang makarinig sa 'kin. "Mga anak, kalma lang kayo. Mababayaran ko rin naman ang hiniram ko sa tithes and offerings."

Hala, ano'ng nangyayari? Hiram sa tithes and offerings?

"Paano po kami kakalma? Ano ang isasagot namin ukol sa church building na pledge ng mga hinahawakan po namin? Sasabihin na naman ba namin na trust our leaders? Maghihinala na po sila niyan!" Nagsalita 'yong leader ni Tyler. "Bakit po ba kasi kayo bili nang bili ng mga personal property? Hindi bali sana kung para sa church o may emergency sa inyo. Willing pa kami tulungan kayo!"

"Joshua," sinasaway ni Ate Veronica ang leader ni Tyler.

"Wala kang respeto at tiwala sa 'kin, ha?" Feel ko, nagalit ang pastor. "Ibabalik ko naman. Wala naman makakaalam nito kung hindi kayo kakanta ng ginawa ko, primary leaders."

Totoo ang hinala namin na may something sa pamumuno ng pumalit kay Tito?

"Iyong accountant at treasurer ng church, tinatakot n'yo pa para lang makahiram kayo ng pera. Akala ninyo, hindi ko 'yon malalaman 'no?" Hindi pinansin ni Kuya Joshua ang warning ni Ate Veronica. Tuloy-tuloy lang siya nagsalita. "Tatapatin ko na kayo. Pinaghihinalaan kayo ng isa sa mga ni-ha-handle ko. Hindi ko sasabihin kung sino kasi baka pag-initan ninyo. Pasalamat po dapat kayo dahil wala kaming sinasabi sa iba."

Religious Environment: Bad Experiences (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon