Chapter 30: After Graduation

50 7 0
                                    

30: After Graduation

Abigail

ANG BILIS lumipas ng panahon. Hindi ko akalain na ga-graduate na kami ng kolehiyo. Nakasuot ako ng dress at may nakalagay na toga. Magkasabay na gaganapin ang graduation ng accountancy at accounting information system. Kararating ko lang dito sa location ng aming graduation. Nakita ko si Samantha na mukhang nandito kanina pa. Wala pa 'yong ibang kasama ko. Naglakad ako papalapit sa kanya. Nakita ko ang kasama niyang mga ga-graduate ng accountancy-- ang konti nila. Nasa 20+ lang ang ga-graduate. Pagkaalala ko, nasa kulang-kulang 50 pa sila noong 4th year. Grabe ang elimination sa kanila-- patibayan ng loob. May mga kaklase sila na mag-aaral pa next academic year dahil hindi sila pasok sa retention policy nila.

"Faith!" masaya niyang tawag sa 'kin. Mas bet niya talaga akong tawagin sa second name ko at hinayaan ko lang siya. Weird nga kasi atheist siya tapos mas trip niya pa ang faith na name ko. "Picture tayo!" Kinuha niya ang phone niya at nag-selfie kami. "Wala pa ba si Dolores at Naomi?" Hinahanap niya sa paligid kung nandiyan na sila.

Umiling ako. "Ikaw lang nakita kong kakilala rito."

"O-Okay. Alam mo, kinakabahan ako." Naupo kaming magkatabi. Hinawakan niya ang kamay ko-- ang lamig niya. "I may looked confident pero sa totoo lang, medyo takot ako sa stage."

"Mag-spi-speech ka nga pala, 'no. Oh my!" masaya kong sambit at inaalog ko siya. "Kaya mo 'yan! 'Yong accounting subjects na monster nalabanan mo, iyan pa kaya?"

Natawa siya sa monster. "S-Sabagay, pero iba kasi 'to."

"I understand, pinapatawa lang kita. Naniniwala ako sa 'yo na kakayanin mong magsalita sa harap ng marami. Aja!" Ni-tap ko ang balikat niya.

"Salamat," sambit niya sabay ngiti.

"Sam, Abi!" May nagtawag sa 'min. "Congrats sa 'tin."

"Congrats din sa 'yo, Dolor!" bati ko rin sa kanya.

"Picture tayo!" Nag-selfie-selfie kami nang ilang beses bago magsawa. Habang hinihintay namin ang ilan pa naming kaibigan, nagk'wentuhan lang kami kung paano nag-prepare ng sarili aa graduation like make up, damit, etc.

Unti-unti na nagdatingan ang mga kaibigan namin. Iniwan ko muna silang dalawa dahil hindi naman ako kabilang sa kanila-- accountancy sila. Pinuntahan ko muna sila Naomi.

Nagyaya mag-selfie si Marianne kaya kung anu-ano'ng pose ang pinaggagawa namin. Si Marianne ay magna cumlaude at si Naomi ay cumlaude sa 'min. Si Dolor naman ay cumlaude siya at si Samantha ay summa cumlaude. Grabe, ang tatalino ng mga kaibigan ko-- naligaw lang ako.

"Grabe, sana lahat cumlaude," natatawang sambit ni Irish. "Hindi tayo pinalad, Abigail." Hindi ako naligaw dahil may karamay ako.

"Ayos lang 'yan. Ang sa 'kin lang, basta maka-graduate masaya na 'ko. Masaya na ako para sa mga kaibigan natin."

Maya-maya ay nagsimula na ang ceremony para sa 'min kaya nagkanya-kanya na kami ng ayos sa sarili at naupo nang maayos.

" 'Accountancy? Plus and minus lang 'yan!' 'Madali lang 'yan.' 'Isang pirma mo lang, pera na!' 'Accountancy ka? Magaling ka sa Math?' These are some misconceptions about our course. I would like to answer, '1 plus 1 nga lang po, kukuha pa 'ko ng calculator dahil sa matinding trust issue.' Yes, this course made me doubt myself." Ang lakas ng tawanan sa paligid, lalo na ang graduates ng accountancy. Sobra kasing nakaka-relate ang speech ni Samantha. "Even though I looked confident and smart-- yes, I felt incompetent and weak. 'Nawawalan na 'ko ng gana' I also said it, but I choose to continue in the battle because I believe that this will be worth it." Huminto siya saglit at nagpatuloy, " 'Madali lang ba accountancy?' No, there is no easy course. 'Summa cumlaude ka nga, mahirap?' We are all aware of the low passing rate of CPALE. The lowest was 14.32%. This is how high the standards are in our field. My closest friend of mine in accountancy said that, 'Patibayan ng mental health dito.' It doesn't mean that other courses are easier than ours. It's just that the results in the board exam speak for itself. After we graduate, reality will hit us hard-- it's about diskarte and not about achievements in school. It may help us in presenting a good resume or having some perks, but for me, it's still about what you'll do after graduation. It's hard to study; the reality is harder."

Religious Environment: Bad Experiences (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon