29: The Truth
Vienna
"ALAM MO, nakakainis lang si Nanay." Nakikinig ako ngayon kay Ysmael. Nandito kami sa food court ng SM dito sa Manila. Mamaya na kami kakain kasi kararating lang din namin dito. Saturday naman ngayon at parehas kaming walang OJT. "May matindi kasi kaming problema ngayon. Sinisisi ni Nanay ang problemang 'to sa hindi namin pagsisimba ni Papa."
"Ay hala," naiinis kong sambit. "Wala naman kinalaman ang deity sa mga problema."
"Iyon na nga. Pinapaliwanag 'yan ni Tatay pero wala talaga," frustrated niyang sambit. "You know me. I believe in God but I'm not into church activities."
"Mahirap talaga kapag isa sa family, sobrang believer. Kapag pinipilit ka niya sa beliefs niya, mahirap." Nag-ayos ako ng upo. Nag-dekwarto ako sa ngawit. "Pare-parehas lang naman ang religion dito sa Pilipinas. Bawat isa sa kanila, akala nila sila ang tama."
"Siguro for them, nakikita nila na mapapahamak tayo at gusto lang nila na tayo'y maligtas. Kaya kahit mainis at magalit ka sa kanila, ipipilit nila kasi for them, iyon ang tamang gawin." Napabuntong-hininga siya. "Regarding sa sila ang tama, nakakainis 'yong mga feeling na sila lang maliligtas. Ang daming relihiyon na ganiyan. Kesyo 'yong sumasamba raw sa rebulto, mapupunta sa hell at sila na walang gano'n, sa heaven. Tingin nila sa mga tao na 'yon, mapapahamak at kulto kinabibilangan. Napaka-entitled nila. Baka mamaya, makasama ko rin sila sa hell." Natapik ko si Ysmael dahil natatawa ako sa sinabi niya na makakasama rin niya ang mga self-righteous sa hell.
Naalala ko tuloy bigla 'yong nasabi ko sa dati kong spiritual leader at sa mga kasama niya. "Tama ka riyan kung totoo man ang hell. Sila ang dapat mas matakot at hindi 'yong sa 'tin pa sila mas mag-aalala."
"Yeah. Sila ang may concept niyan kaya dapat hindi nila tayo idamay sa pananakot."
"Hindi bale na mapunta sa hell kaysa makasama ang mga self-righteous sa heaven. Pero kung kasama ko sila na nasusunog sa hell, e 'di masaya." Natawa siya sa sinabi ko.
"Maibang usapan lang, may problema raw para maalala ang Diyos sabi ni Mama ko. Hindi ba, Diyos naman ang nagbigay ng problema tapos ipapasa-Diyos? Nagpapatawa ba sila?" asar na sambit niya. "Nagpaparamdam na raw ang Diyos sa buhay namin kasi nakalilimot na kami. Nakakaloka lang."
"Ang daming ways para magparamdam. Hindi 'yong magbibigay pa ng problema. Bakit kaya hindi na lang Siya magpakilala sa buong mundo? Para matigil na ang pagtatalo at malaman na ang truth," naiinis kong sambit.
"God works in mysterious ways," sambit niya sabay tawa. Tila inaasar pa 'ko. "Biro lang, baka sa tingin mo pa lang mapatay mo na 'ko."
Natawa ako sa kanya. Hate na hate ko kasi ang quote na 'yon tapos sinasabi niya sa 'kin. "Makisama ka na lang talaga kaysa magkagulo pa," suggestion ko. "Madali lang naman magpanggap; hindi nga lang malaya."
Biglang nag-ring ang phone ko. Nag-excuse muna ako kay Ysmael. Kinuha ko ang phone sa bag para tignan kung sino ang tumatawag-- si Shella, ang pinsan ko na kung saan kami nakatira. Bigla akong kinabahan na hindi ko mapaliwanag.
"Shella? Napatawag ka?" bungad ko pagkasagot sa call.
"A-Ate, alis ka na muna kung nasaan ka. Emergency lang po!" naiiyak niyang sambit. "Sinugod sa hospital si Tito. Mukhang inatake siya sa puso. Nakita na lang namin siya na nakahiga na sa lapag."
Hala, ano'ng nangyari kay Papa ko?
"S-Sige. Salamat sa pag-inform, Shella." Binaba ko na agad ang tawag.
Natutulala ako sa balita niya dahil parang kailan lang, ang sasaya naming magkasama. Noong una, si Kathlyne ang na-hospital pero gumaling siya. Si Papa, hindi ko alam dahil napakadelikado ng puso.
BINABASA MO ANG
Religious Environment: Bad Experiences (Completed)
SpiritualBad experiences in a religious environment can affect someone's faith. Sometimes, it may lead to forsaking what is believed or in realizing that religion just exists to control people. Fear is the tool. Si Abigail ay may pananampalataya sa Diyos sim...