"Nasaan ka na daw ba? hinahanap ka na ni tita!"Hindi ko masyadong narinig ang mga sinasabi nya dahil abala ako sa pagtingin ng gulay dito sa palengke. Inutusan kasi akong bumili ng sangkap pansahog sa ulam namin mamaya kaso itong lalaking 'to na tawag ng tawag sakin dahil hinahanap na daw ako ng tiyahin ko tsk baka sabi sabi lang naman nya yon at hindi naman gaanong nagmamadali si tita.
Makulimlim ngayon ang kalangitan, hindi mo mawarian kung uulan ba o ano. Kanina ay nakaasunog ang init at ngayon naman ang alapaap ay sobrang itim. Pabago bago ang panahon pero ang ibang tao ay hindi. Hindi parin natututo sa kanilang mga maling gawain.
Kakatapos ko lamang magbayad ng makita ko ang isang batang lalaking pasimpleng kumukuha ng tinapay sa tindahan na katapat lang ng binilhan ko ng gulay. Napabuntong hininga na lamang ako, ipinasok ko yung gulay na binili ko sa dala dala kong eco bag. Nakita ko kung papaanong mabilis na tumakbo yung bata palabas sa palengke. Napangisi nalamang ako at maya maya ay tumakbo din para habulin yung bata.
"HOY!"
Tinawag ko ito at nung lumingon sya sa direksyon ko ay mas lalo lamang nyang binilisan ang pagtakbo nagkanda lusot lusot kami sa iba't ibang eskinita, napahinto ako sa pagtakbo dahil sa pagod. Nakita ko yung bata na inilabas pa ang kanyang dila at maya maya ay itinaas ang kanyang gitnang daliri.
Aba, namakyu pa ang hayop.
Nung mabawi ko ang lakas ko ay nagpatuloy akong muli sa pagtakbo. Paglabas ko sa isang eskinita ay nakita ko na syang nakadapa sa sahig. Pagkakataon ko na yon para mahuli sya pero tumayo ito ay nagpatuloy muli sa pagtakbo kahit iika ika. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko.
"Hoy! ibalik mo yung kinuha mo!"
Malakas na sigaw ko sa kanya ang ibang tao sa lugar na napasukan ko ay nakatingin na sakin pero wala akong pakealam. Habol lang ako ng habol sa bata at nung maabutan ko sya'y hinila ko ang damit nya patalikod. Hinabol ko muna ang aking hininga at hinigpitan ang pagkapit sa damit nya.
Nung humarap ako sa kanya ay masama na ang tingin nya, walang emosyon kong inilahad kamay ko senyales na ibigay nya sakin ang mga kinuha nya sa palengke. Padabog nya iyong binigay saakin, hindi ko parin binibitawan ang damit nya dahil baka sya ay makawala, itinaob ko yung eco bag na dala dala rin nya dahilan upang mahulog doon ang ilang mga gamot at tinapay na kinuha nya.
"Ano 'to? bakit ka nagnanakaw? maswerte ka at hindi pulis ang nakahuli sayo."
"Bitawan mo ko!"
"Bibitawan kita kapag sinagot mo ang tanong ko."
"Pakyu!"
Sinamaan ko sya ng tingin.
"Aba napakabata mo pa para magmura ng ganyan, dadalhin kita sa presinto kapag di mo ko sinagot." Bata pa rin itong kaharap ko kaya di ko sya pwedeng saktan at maraming taong nakatingin samin ngayon. Baka inaakala nila'y kapatid ko ito at pinapagalitan ko.
"Tss sino ka ba ha?"
"Ayaw mo talaga akong sagutin kung bakit ka nanguha ng tinapay sa palengke at gamot? puwes dadalhin na kita sa presinto." Kinuha ko yung telepono ko sa bulsa ng pantalon ko, saktong may tumawag sakin kaya sinagot ko ito.
"Pauwi ka na---"
"Hello officer? may nahuli kasi akong batang lalaki dito. Nagnakaw ng tinapay sa palengke tsaka gamot."
"Ha? anong sinasabi mo ba dyan."
"Ah? papunta na kayo dito? sige intayin ko kay---aray ko!" Sinuntok suntok nung bata yung tyan ko nung lumingon ako sa kanya ay may mga luha na sa mata nya. Binaba ko ang tawag unti unting napaupo sa lupa yung bata habang humihikbi ng malakas at may sinasabi nyang hindi ko maintindihan dahil natatakpan iyon ng pagiyak nya. Napabuntong hininga na lamang ako.
BINABASA MO ANG
Del Ferrer Academy
Mystery / ThrillerDel Ferrer Series #1 Kim Taehyung as Arcielo De Vasquez where in a simple man and clueless about his memory lost living in Agua Village a part of a place in Akasha De Granda. He can't stand anymore the uccessive killings on their place so he made a...