Chapter 13

61 0 0
                                    


"Ano? papasok ka sa eskwelahan na ginawa ng mga Del Ferrer?"

Paulit ulit kong tinuktok yung ballpen sa lamesa, kakasabi ko lang sa kanya pero sya itong parang bingi na gusto ulit ulitin ko pa yung sinabi ko. Hindi ko alam pero bakit bigla akong nagkaroon ng interes sa alok ni Mister Laux, masyadong mahaba ang apelyido nya kaya Mister Laux nalang, pinaiisipan kong mabuti kung tatanggapin ko ba ang alok nya, sinabi nyang libre na ang lahat sa 'kin at sila nalang daw ang bahalang mag bayad.

Inaantay ko na lamang si Tita dahil baka hindi sya pumayag lalo na't ayaw nyang magkaroon ng utang na loob sa isang tao. Minsan kasi mahirap na raw bayaran, napamasahe ako sa sentido ko. Ang dami ko nang pinoproblema dumagdag pa ito, binigay din saakin ni Mister Laux ang numero ng telepono nya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, kung hindi nya sinabing libre iyon malamang tatanggi ako ang hirap magdesisyon kapag may mag papaaral sa 'yo

Pati si Ervin ay natanong ko na kung anong dapat kong gawin pero wala syang matinong naisagot sa 'kin sa inis ko ay pinauwi ko nalang sya, pag kaalis nya ng bahay sakto namang dumating na si Tita. Nagpunta kasi sya doon sa bungad ng Village namin para raw maki-chismis tinanong nya kung ano ang napag usapan namin ni Mister Laux, nagulat pa sya noong sabihin kong ang lalaking iyon ang magpapaaral sa 'kin sa eskwelahan ng mga Del Ferrer.

At ayon hindi ko inaasahang magiging tuwang tuwa sya, gusto ko sana kaso baka niloloko lang ako ni Mister Laux at sa huli ay ako pa rin ang mag babayad, sinabi ko kay Tita na pag iisipan ko pa tutal matagal pa naman ang pa naman ang pasukan, habang paakyat ako ng hagdanan nakatanggap ako ng mensahe sa hindi ko kilalang phone number.

From; 092534612
pag isipan mong mabuti ang inaalok ko

Napangiwi kaagad ako nang mapagtanto kong si Mister Laux iyon, saan nya kaya nakukuha ang kakapalan ng muka nya? hindi ko nalang pinansin ang pinadala nyang mensahe nagtuloy tuloy ako sa pag akyat ko ng hagdanan. Pupunta ako sa police station ngayon irereport ko sa mga pulis iyong narinig namin ni Ervin kagabi, aalamin ko na rin kung sinong balak patayin ng mga gagong iyon.

Nagpalit ako ng damit at pagkatapos mag ayos nagulat pa ako noong pumasok si Ervin sa kwarto ko, hiningal na naman sya. Naramdaman ko kaagad na may masama syang ibabalita sa 'kin.

"Anong nangyari sa 'yo?"

"Che m-m-may naw-w-walang bata na naman!" Ikinagulat ko ang sinabi nya at nagmadaling lumabas ng kwarto ko at bumaba ng hagdanan.

"Sino 'yong nawawala? kailan na natin ireport sa pulis,"

"Ano? teka nga nasisiraan ka na ba ng bait?" Huminto ako sa pagtakbo at nilingon sya, pinangningkitan ko sya ng mata.

"Ano? pipigilan mo na naman ako kasi ayaw mo akong mapahamak? sa palagay ko ay ikaw ang mas nasisiraan ng bait sa ating dalawa," tinalikuran ko sya at lumabas na ng bahay, nahawakan nya kaagad ang braso ko.

"Ano ba! tumabi ka nga dyan, wag mo kong pipigilan dahil baka mangyari ulit yung batang pinatay kahapon!" Inis na sigaw ko sa kanya, ayaw ko sa lahat yung nakekealam sa mga gusto kong gawin kahit pa ipag alala nila iyon wala silang magagawa dahil ayokong may humaharang sa mga plano ko.

"Sasama ako," sumeryoso sya. Mas lalo lang naningkit ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Bakit? tara na, baka mangyari nga 'yong iniisip mo kung hindi tayo kikilos kaagad diba?" Hinila na nya ako naglakad nalang kaming dalawa papunta sa main village. Hindi pa rin ako makapaniwalang sinamahan nya ako ngayon, napangiti ako ng kaunti. Kung ayaw nyang mag aalala sa 'kin kailangan samahan nya ako sa mga gusto kong gawin, kaya kami nagkakasira dahil palagi syang nakakontra sa 'kin.

Nakarating kami sa Police station. Dumeretso kaagad kami sa lamesa ni Officer Clarck Montello, nagulat pa sya noong makita kami rito si Ervin na ang nagpaliwanag sa kanya na may nawawalang bata na naman dahil naghahabol ako ng hininga. Nahagip ko ang paningin ni Officer Valford may kausap syang magandang babae at ngiting ngiti pa, binalik ko nalang ang paningin ko kila Ervin.

Del Ferrer Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon