"Isa, dalawa, tatlo, apat..."Habang nakataklob ang aking mga kamay sa aking mata ay naririnig ko ang tawanan ng iba at mga kalampag ng mga paa. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa tahanan nila lola Minda, sobrang lakas din ng ulan kaya baka hindi ako makauwi hindi rin ako makakapunta sa bahay nila Arthur dahil nasira ng kapitbahay nila lola Minda ang payong. Ngayon ay naglalaro ako ng tagu taguan kasama ang mga apo ni lola.
Ilang tawag na rin ang natanggap ko kay Eng at sinasabing umuwi na daw ako at delikado na raw sa labas ngayong gabi. May paparating daw palang bagyo at dito yata sa bayan ng Sevilla ang landing, naghahampasan ang mga puno dahil sa lakas ng hangin hindi na rin minsan marinig ang pagtawag ng kung sino dahil sa lakas ng ulan.
Aabutin yata ng ilang araw ang bagyong ito at ako'y nilalamon na ng pag aaalala dahil baka manatili ako dito ng ilang araw at di na makauwi. Hindi ko alam kung bakit pinapairal ko ang katangahan kong ito minsan, pwede naman akong pumunta ng mas maaga bukas para magimbistiga pero hindi ako mapakali at kating kati akong malaman kung ano talaga ang nangyari kay Arthur imposible naman nagbikti yon dahil nung pinakita sakin ni Eng yung pic ay putol yung isang kamay at hita nya.
"Aha! huli ka!"
Sumimangot si Leila sakin nung makita ko syang nagtatago sa ilalim ng kama, pagkatapos naming magtagu-taguan ay pare pareho na silang pinatulog ni Lola Minda. Mga apo nya pala iyon sa iba't iba nyang anak, pinaiwan muna dito dahil may mga trabaho ito. Nakaka proud naman dahil kahit matanda na si Lola ay nagagawa nya paring mag alaga ng tatlong makukulit na bata.
"Oh Hijo, sabihin mo lang pag nagugutom ka ah at kung nilalamig ka ay gamitin mo iyang makapal na kumot." Inalok nya ako ng tinapay na may palaman na tsokolate at tinuro yung kumot na nakatupi lang sa tabi ko.
"Maraming salamat po, la."
"Naku wala lang iyon ano ka ba, basta kapag tumila ang ulan bukas ng umaga ay umuwi ka na sa inyo dahil baka nagaalala na saiyo ang mga magulang mo." Napangiti ako ng malungkot natigilan naman si Lola.
"Wala na po akong magulang."
"Ha? eh sino ang nag aalaga sa iyo? nako hijo pasensya ka na ah at mukang napasobra yata ang salita ko."
"Okay lang po la, sa Tiyahin ko po ako nakatira ngayon."
"Ay mabuti naman kung ganoon, wag ka nang pupunta sa bahay nila Turo naintindihan mo ba ako at baka may makita kang kakaiba na hindi mo kakayanin. Nag aaalala din ako sa iyo kung balak mong magimbistiga dahil sa kanyang hustisya wag mo nang gawin pa." Nakatitig lang ako kay Lola napaka seryoso ng muka nya at ang mga salitang binibigkas nya ni isa wala akong maintindihan.
"Nakikiusap ako sa iyo, kahit ang mga pulis ay walang sapat na ebidensya. Nalulungkot din ako sa batang iyon pero pinilit kong huwag na lamang makealam." Naawa ako kay Lola at agad ko syang niyakap nung makita kong sunod sunod na
pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata. Hinagod ko naman ang likuran nya."Wag na po kayong umiyak la."
"Kaya nga at ako'y pumapangit lamang." Sabay kaming natawa dahil doon.
Hating gabi ay pinaakyat ako ni Lola sa kwarto nung tatlo nyang apo at tabihan ko na daw silang matulog. Si lola Minda daw ay doon na lamang sa sala ang sabi ko sa kanya ay ako nalang ang matutulog doon kaya lang ayaw nya, bisita raw ako rito kaya dapat nasa kumportableng kwarto ako pero sya naman ngayon ang hindi kumportable ang higaan dahil hindi naman kalakihan ang bangko nila sa sala.
Hindi ko magawang matulog ni kahit dinadalaw na ako ng antok sa kadahilanang pakiramdam ko ay may masamang mangyayari oras na ipikit ko ang mga mata ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito, lumingon ako sa tatlong batang apo ni lola Minda na katabi ko sa pagtulog. Napangiti naman ako nang makita ko kung gano kahimbing ang mga tulog nila.

BINABASA MO ANG
Del Ferrer Academy
Mystery / ThrillerDel Ferrer Series #1 Kim Taehyung as Arcielo De Vasquez where in a simple man and clueless about his memory lost living in Agua Village a part of a place in Akasha De Granda. He can't stand anymore the uccessive killings on their place so he made a...