Chapter 06

36 0 0
                                    


"Wag mo nang masyadong isipin yung napag awayan nyo ni Enggoy, alam mo naman ang taong yon nag aalala lang sya sayo."

Ngumiti nalang ako kay tita, isang linggo ang nakalipas matapos kong madischarge sa hospital at isang linggo na rin kaming di nagpapansinan ni Eng dahil doon sa mga sinabi nya sakin nung huling kita namin at nung magising ako sa isang linggong pagkakatulog na hanggang ngayon ay pala isipan pa rin sakin. Hindi ko talaga maintindihan ang mga pinagsasabi nya doon, hindi ako nakasagot nung sigawan nya ako kung magpapakamatay ba ako.

Hindi ko talaga maisip kung bakit ako nagkaganoon, kung bakit naging ganon ang sitwasyon ko. Isang linggo narin paulit ulit yung tanong sa isip ko at sinubukan kong pagbuuin ang mga alam ko pero wala talaga. Hindi pa sapat ang ebidensya ko na hindi nga tao ang pumatay kay Arthur at aling Minda. Sinabihan din ako ni tita na itigil ko muna ang masyadong pagiisip pero hindi ko magawa dahil paulit ulit akong binubulabog ng mga iyon.

Nagpaalam ako kay tita na babalik ako sa Tiara Village para makiramay kay Aling Minda pero hindi nya ako pinayagan dahil kakalabas ko lamang ng hospital at baka mapahamak na naman daw ako kaya hindi na ako dumepensa pa dahil mas makakabuti na din iyon. Maaari ko naman syang dalawin sa susunod na buwan kapag maayos na ang kalagayan ko, hindi ko parin makalimutan yung itsura ni Aling Minda at hindi ko maiwasang umiyak ng dahil doon. Mabuti syang tao, alam ko. Pero anong dahilan at pinatay sya ng ganon ganon nalang?

Siguro kung gising ako magdamag ng gabing yon, maiiwasan ko ang ganoong pangyayari. Usap usap din dito sa Village namin ang pagkamatay ni Aling Minda, gusto ko nalamang manakit nung makarinig ako bigla na baka mga kapit bahay ang pumatay sa kanya. Ang mga tao minsan ay bulag sa katotohanan na kung makapag salita nang wagas ay kulang naman sa ebidensya ganon din ang sinabi nila kay Arthur na masasabi ko talagang hindi nagpakamatay.

Lumingon ako kay Herski nang maramdaman ko ang balahibo nyang kumikiskis sa binti ko. Umikot ikot pa sya sa pagitan ng mga binti ko, nginitian ko nalamang sya bago kinarga. Naglakad ako patungo sa harap ng bintana dito sa kwarto ko, niyapos ko ng mahigpit si Herski. Habang nakatitig ako sa kulay asul na kalangitan naiisip ko si Aling Minda, hindi ko matanggap. Sobrang hirap na kahit ilang oras lamang kaming nagkasama ay parang naging parte na rin sya ng buhay ko dahil sa pag tulong at pag alaga nya sakin noong gabing yon bago sya mawala.

Hindi ko naramdaman ang mga luhang bumagsak mula sa mga mata ko na pumapatak na ngayon sa balahibo ng alaga kong aso. Napalingon sakin si Herski. Ang mga mata nya ay tila nagtatanong sakin kung ayos lang ba ako, hinagkan ko nalamang sya. Pinunasan ko ang mga luha ko, ang paglingon ko sa pinto ay nakatayo na doon si Tita at malungkot na nakatitig sakin. Tuluyan na akong umiyak ng lumapit sya para yakapin ako, napahawak ako sa dibdib ko at hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko at parang may naulit na nangyari mula sa nakaraan na kailanma'y hindi ko matandaan.

Lumipas ang ilang oras maghapon akong nagkulong sa kwarto ko lumalabas lang ako kapag sinabi ni tita na kakain na kami. Kahit sa pagkain ay wala akong gana masakit parin ang mga katawan ko, niresetahan naman ako ng gamot ng mga doctor pero hindi ko parin magawang gumaling. Nakataklob ng unan ang aking muka, nakasuot ng gead phones. Ang akala ko ay gagaan ang pakiramdam ko sa nakakarelax na musika pero wala pa din, sobrang sakit padin ng damdamin ko.

"Hijo?"

Hindi ko narinig ang pagbukas ng pinto at pagtawag sakin ni Tita na narinig ko lang nung huminto ang musikang pinapakinggan ko, inalis ko ang unan sa aking muka at ibinaba ang head phones ko. Tumingin ako kay tita na may tipid na ngiti sa labi, pinakita nya sakin ang mga prutas na dala nya na nakaplastic pa.

"Kainin mo yan ah, ito tubig oh. Para mabilis kang gumaling. Pinadala yan ni Ervin, sabi ko gisingin kita pero may aasikasuhin pa daw sya kaya umalis na din kaagad." Napatulala nalang ako sa sinabi ni tita, hanggang ngayon ay hindi nya parin ako pinapansin at umabot na sa puntong ayaw na muna nya akong makita.

Del Ferrer Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon