Chapter 11

42 0 0
                                    


"Kumain ka na, maaga akong aalis ngayon para magbenta ng isda sa palengke."

Naabutan ko si Tita naghahain ng almusal namin kakagising ko lang at pakiramdam ko ay tanghaling tanghali na. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa sobrang dami ng iniisip ko tungkol sa mga Del Ferrer at sa Akasha Village idagdag mo pa yung anino ng kung anong hayop na nakita ko sa labas ng gate ng Akasha Village, humila ako ng silya at umupo roon.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo hijo? hindi na sumasakit ang mga sugat mo?" Tinanguan ko nalang si Tita wala rin akong ganang magsalita ngayon, nakakaramdam pa rin ako ng antok.

Nagsandok ako ng kanin at ulam at nagsimula ng kumain nagpaalam na saakin si Tita na aalis na raw sya pinagluto pala muna nya ako ng almusal bago sya umalis kaya ko naman magluto ng sarili kong pagkain pero nitong mga nakaraang linggo ay hindi ako pinagluto ni Tita dahil baka mapagod daw ako dahil kakagaling ko lang sa hospital. Sa totoo lang ayoko noong inaasikaso ako na parang sanggol pero si Tita ay sobra ang pag aalaga saakin.

At hanggang ngayon ay di nawawala sa isip ko si Ervin, galit pa rin ba sya saakin? sana ay hindi na. Huling usap namin noong tumawag sya saakin at noong makarating ako dito sa bahay ay umalis sya kapag siguro nakikita ko sya na nandito sa loob ng bahay namin ay hindi nya nakakayanan kaya sya umaalis kaagad. Kahit noong isang araw ay may kailangan sya kay Tita at noong lumabas ako sa kwarto ko at nagkita kami ay nagpaalam na sya at umalis na din kaagad.

Napatigil ako sa pagiisip ng malalim ng maramdam ko na naman ang balahibo ni Herski sa binti ko, nginitian ko sya kumurot ako ng kaunti sa manok na kinakain ko at tsaka ko iyon sinubo sa kanya. Hinaplos ko pa ang malago nyang balahibo, babalik na sana akong muli sa pagkain ng biglang may pumasok sa kusina namin. Pareho pa kaming natigilan ni Ervin ng magtama ang paningin naming dalawa, binalik ko sa plato ang paningin ko.

Tahimik nyang inilapag yung mainit na lomi na dala dala nya.

"L-l-luto yan ni ate, nasaan si Tita?" Tanong nya parang nahihiya pa syang kausapin ako, nginuya ko muna yung laman ng bibig ko bago ko sya sinagot.

"Maagang umalis, magbebenta raw ng isda."

"Ah sige aalis na ako," Pinagmasdan ko syang lumabas ng kusina namin napabuntong hininga ako at tumayo sa kinauupuan ko hinabol ko sya palabas at nakita kong ilang hakbang nalang ay lalabas na sya sa pinto ng bahay namin.

"Ervin," Tawag ko sa kanya nang walang emosyon ang aking mukha, ilang segundo bago nya ako nilingon.

"Mag usap nga tayo." Sinenyasan ko syang sumunod saakin, bumalik ako sa kinauupuan ko kanina inantay ko syang dumating. Pag pasok nya umupo sya sa harapan ko.

"Ano ganito nalang ba tayo palagi, hindi magpapansinan?" Wala pa rin emosyon ang muka ko at hindi ko na maitago ang pagkainis sa boses ko, hindi nya ako sinagot wala rin emosyon ang muka nya.

"Alam mo naman hindi ko kayang magsinungaling sa'yo diba at hindi talaga ako makapaniwalang sinabi mo sa hospital na magpapakamatay ako, eh ano ngayon kung magpakamatay ako? magagalit ka nalang saa---"

"Sa palagay mo natutuwa ako pag nakikita kitang nahihirapan? oo nagalita ko sa'yo noon kasi sobrang tigas ng ulo mo!" Natahimik ako noong bigla syang sumigaw.

"Sinabihan kitang sasamahan kita noong gabing yon pero ang kulit mo at umalis na lang basta basta, pakiramdam mo ba kaya mo lahat ng walang tulong ng iba!?" Umarko ang gilid ng labi ko, ano bang pinagsasabi nya?

"Walang akong sinabing ganyan,"

"Oo pero iyon ang nakikita ko sa'yo, gaya nga ng sinabi mo magkaibigan tayo syempre nagaalala din ako sa'yo. Hindi ba't sabi mo noong mga bata tayo hindi natin papabayaan ang isa't isa, eh anong nangyayari ngayon?" Hindi ko na napigilan at sinamaan ko sya ng tingin.

Del Ferrer Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon