Chapter 16

54 0 0
                                    


"Naliligaw ka ba Ginoo?"

Hindi mawala ang gulat sa mukha ko noong may mag salita sa likuran ko, hindi muna ako lumingon kaaagad natatakot ako na baka mamaya tutukan ako ng baril ng taong 'yon. Biglang sumimoy ang malamig at malakas na hangin, napapikit ako noong may duming lumipad sa mata ko. Napatakip ako sa isang mata ko at nilingon ang kung sino man ang nagsalita sa likuran ko.

Pero pgharap ko roon ay walang ni isang tao ang bumungad sa 'kin. Naisip kong baka pinaglalaruan na ako ng kung ano mang lamang lupa dito, nakarinig ako ng malakas na kulog kaya napatakip ako sa aking tainga, ayaw na ayaw kong makakarinig ako ng ganoong tunog alam ko kasing may mabubuhay na namang ala ala sa isipan ko na nakakagulo lamang sa utak ko. 

Ayun na nga at bumuhos na ang malakas na ulan at aalis na sana ako sa lugar na iyon nang mahagip ko ang isang lalaking nakatalikod sa'kin at batid kong malayo ang tinitignan nya, panigurado akong sya yung taong nagsalita sa likuran ko kanina pero hindi ako makapaniwalang ganoon sya kabilis na nakarating doon bago pa man ako lumingon. Sobrang layo ng pagitan namin sa isa't isa.

Matagal ko itong tinitigan umaasang lilingunin nya ako pero hindi, napagdesisyunan ko na lang na umalis na sa lugar na 'yon dahil unti unti na akong nakakaramdam ng kakaiba sa lugar na 'yon wala akong matandaang sinabihan ako ni Detective Park o ni Ervin na konektado ang eskwelahan na ito sa gubat ang buong Sevilla De Granda.

Kaya papaanong mangyayaring may gubat dito?

Pagkahakbang ng kanang paa ko at hindi inaalis ang paningin ko sa lalaki ngunit bigla itong lumingon, natigilan ako ng makita ang kanyang mukha. Nakangiti ito sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng biglaang pagkainis dahil naramdaman kong inaasar nya ako sa pamamagitan nang ngiti nyang 'yon. Bago pa man muling dumagundong ang kalangitan ay naroon na kaagad sya sa aking harapan.

"Tumabi ka nga sa dinadaanan ko," matalim ko syang tinignan. Naroon pa rin ang tipid nyang ngiti, nakapamulsa pa sya sa pantalon nya. Mukhang nag aaral din sya dito dahil parehong uniform ang suot naming dalawa. Nagtaka ako noong ilagay nya ang kanang kamay sa bandang puson at ang isa naman ay sa kanan tsaka ito yumuko at tumabi nga sa dinadaanan ko.

Umawang ang bibig ko at maya maya ay sumama na naman ang mukha ko dahil naramdaman ko na naman na pinaglalaruan lang ako ng lalaking 'to. Hindi na ako nagaksaya pa ng oras at kaagad ko syang kinwelyuhan, gusto gusto ko na syang sapakin pero nanatili sa isipan ko na unang araw ay ayokong sumabak sa gulo pero sinusubukan ako ng lalaking 'to.

"Ano bang problema mo ha!? pinaglalaruan mo ba ako!?" Pasinghal na saad ko habang nanginginig ang mga kamao kong nasa kwelyo nya. Hindi man lang sya nagulat o nagpumiglas manlang nakangiti pa rin sya roon at nagmumukha na syang baliw sa harapan ko. Natawa ito ng mahina at maingat na hinawakan ang kamay ko na nasa kwelyuhan nya, halos mapasigaw ako noong unti unti ay naging agresibo sya at dinala ang kamay ko patungo sa likuran ko. Napadaing ako sa sobrang sakit.

"May gusto lamang akong ipaalala ginoo,"

"Bitawan mo ako ano ba!" Nagpumiglas ako at napadaing noong higpitan nya ang hawak sa braso ko, nasa likuran ko sya at alam kong tuwang tuwa sya sa ginagawa nya sa 'kin. Naghumiyaw na ako para lang sabihin nya sa 'kin kung ano ba dapat ang ipapaalala nya, ilang saglit lang ay binitawan nya na ako at bumalik na sya sa harapan ko.

"I'm sorry for the way i act earlier, does it hurt?" Tinagilid nya ang ulo nya at halos nairolyo ko ang mga mata ko dahil sa tanong nyang 'yon. Narinig ko ang pagtawa nya ng mahina dahil sa inakto ko pero sinamaan ko sya ng tingin. Kung gawin ko kaya sa kanya 'yon matutuwa ba sya? pero yung lakas nya kanina ay ibang iba para sa 'kin tila pakiramdam ko ay sanay na sanay na syang makipag away.

"Sanay ka bang makipag away?" Tumaas ang kilay ko.

"I don't fight people..." ang inosenteng tingin nya ay napalitan ng madilim na aura na nakapagpaatras sa 'kin ng isang hakbang. May kakaiba sa aura nyang iyon a hindi ko mawarian kung bakit naramdaman ko na hindi nalalayo 'yon sa mga halimaw na nakita ko noong araw na pumunta ako sa Akasha Village.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Del Ferrer Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon