"Sige po 'ta, ingat po kayo."Sumigaw ako kay tita pabalik dahil nandito ako sa loob ng kwarto ko. Lalabas si tita kasama ang mga kumare nya habang ako ay maiiwan na naman dito sa bahay walang ibang gagawin kundi tumunganga at laruin si Herski. Kakatapos ko lang din maligo, ilang araw na ang nakalipas noong nalaman ko kay Eng na patay na yung batang nakasaluha ko at pinagod ako sa pagtakbo para lang maabutan ko sya.
Namatay na daw ang nanay ng batang iyon, sa pagkakaalam ko namatay yung nanay nya nung ihatid ko sya sa kanila, nang gabing iyon. Nabasa ko lamang sa internet, ang inaakala naman ng mga tao sa kanilang lugar ay nagpakamatay ang bata ganun din ang hinala ng mga pulis pero hindi ako mapakali sa kakaisip.
Inaakala siguro ng mga tao ay nagpakamatay ang batang iyon dahil wala na ang ina nito. Pero para saakin hindi naman iyon ang sapat na dahilan. Napabuntong hininga nalang ako at ginulo ang buhok ko. Tumalon si Herski sa mga hita ko at nakalabas pa ang dila. Mukang nagugutom na sya.
"Gutom ka na ba?" Hinaplos ko ang kanyang balahibo bago sya binuhat palabas ng kwarto. Bumaba ako ng hagdanan at dumerecho sa kusina para maghanap ng makakain, nakaramdam din ako ng gutom kahit kakatapos lang namin mananghalian. Pagbukas ko ng ref ay wala namang ibang laman kundi mga karne lang tinatamad naman akong magluto ng mga oras na yon kaya naisipan ko nalang bumili sa tindahan.
Lumabas ako ng bahay at naglakad palabas ng aming compound dahil sa labas pa niyon ang tindahan. Bumili lang ako ng kung ano anong street foods, ang mga anak ni tita ay may kanya kanya ng buhay sa iba't bansa paulit ulit pa nilang ibinibilin saakin na alagaan ko daw ang kanilang ina, bukal naman sa loob ko iyon dahil labis din naman ang pagtulong sakin ni tita Amanda.
Gusto nila akong pagaralin sa mga sikat na paaralan sa maynila pero sinabi ko na sa bahay nalang ako at tutulungan ko nalang si tita Amanda sa mga gawaing bahay at ayoko din namang mag aral, ayokong magkaroon ng utang na loob sa kahit na sino. At ayaw na ayaw kong napapagastos sila ng malaki dahil saakin, parang magiging pabigat naman ako kapag ganoon.
"Grabe naman ang mga tao ngayon, bakit nila isinisi sa Del Ferrer ang nagaganap na patayan dito sa bayan natin?"
"Nako ayan yung mga taong masyadong papansin at malaki ang galit sa mga Del Ferrer. Tsaka ang daming naitulong saatin ng mga Del Ferrer tapos pagbibintangan pa nila 'di ba?"
Napalingon ako sa dalawang babaeng naguusap pero nagiwas din kaagad ako ng tingin baka isipin pa nilang nakikiusyoso ako. Maya maya lang ay inabot na saakin yung binili kong soft drinks, nagbayad na kaagad ako at pagkaabot saakin ng sukli ay naglakad na kaagad ako palayo, pero may narinig pa akong salita sa isa sa mga babae.
"Naku yung isang anak nga ni Sir Severino ay ubod ng gwapo, at napakabait pa."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi nung babae at hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis. Bago pa magkaroon ng away ay umalis na kaagad ako sa lugar na iyon. Pagkauwi ko sa bahay ay sumalampak ako sa sofa at binuksan ang telebisyon para sana manood ng pelikula pero pagkabukas ko ay bumungad saakin ang isang balita. At tungkol iyon sa bata na ang pangalan pala ay Arthur.
"Ang kawawang batang si Arthur ay natagpuang nakabitin sa kisame sa kanilang tahan na putol ang kanang kamay at kanang binti. Pero ang mga kababayan na nagsasabing ang bata daw ay nagpakamatay pero may isang taong naging saksi sa tunay na pagkamatay ni Arthur, narito si Jack upang magulat ng kanyang nasaksihan noong gabing pinatay si Arthur."
Kinuha ko yung remote at nilakasan ang tunog ng telebisyon. Ngumunguya ako ng barbecue habang tutok na tutok sa telebisyon. Mayroon daw nakuhanan na lalaki sa cctv record noong gabing namatay si Arthur at kasama nga doon sa nakuha sa cctv si Jack na nakakita daw na may lalaking lumabas sa bahay nila Arthur.

BINABASA MO ANG
Del Ferrer Academy
Mystery / ThrillerDel Ferrer Series #1 Kim Taehyung as Arcielo De Vasquez where in a simple man and clueless about his memory lost living in Agua Village a part of a place in Akasha De Granda. He can't stand anymore the uccessive killings on their place so he made a...