"Kukunin ko nalang yung uniform ko kay Detective Laux,"Inaayos ko na yung mga gamit na gagamitin ko pagpasok ko sa Del Ferrer Academy, at habang nagaayos ako tumawag sa 'kin si Detective Park. Bukas na kasi ang pasukan, may mga kapit bahay rin ako na doon papasok, nakakapagtaka lang na nakayanan nilang magbayad ng malaking halaga para makapasok ang anak nila roon.
"Okay, do you want me to take you there?"
"Hindi na, okay na ako. Salamat nalang Ginoo." Hindi na sya nagsalita kaya binaba ko na ang tawag.
Ilang araw ang lumipas at nakalabas na rin si Tita nabayaran ko na lahat ang mga bayarin nya sa hospital ngayon naman ay sa gamot nya nalang ako namomoblema. Hindi pa masyadong magaling ang mga paa nya kaya hindi pa sya nakakalakad, laking pasasalamat ko kila Ervin at nariyan sila para alagaan si Tita. Nagpapahinga lang sya sa kwarto.
Ayokong magpakita sa kanya dahil baka bigla nya akong pagalitan kapag nalaman nyang nagpasuhol ako kaya sya nakalabas ng hospital at nabayaran ang pang pa opera nya. Paglabas ko ng kwarto ni Ervin nakasalubong ko sya, tinanong nya kung saan ba ako pupunta. Hindi ko nalang sya pinansin, sinabihan ko nalang sya na alagaan si Tita.
Lalabas na sana ako noong maramdaman kong hinila nya ang braso ko.
"Delikado kung pupunta ka sa Astana Village ng mag isa," natigilan ako sa sinabi nya at hindi makapaniwalang nilingon. Ngumisi sya sa 'kin at hinila na ako palabas ng bahay nila, bumungad sa 'kin ang pamilyar na motorsiklo na parang kilala ko kung kanino. Yung motor ni Detective Park!
"Paano napunta sa 'yo ang motor na 'yan?" Tanong ko sa kanya.
"Binigay nya na sa 'kin, wag ka ng maraming tanong sakay na. Ikaw na mag drive ah di ako marunong eh." Sinamaan ko sya ng tingin bago ko sya binatukan, sumakay ako sa motor at umangkas sya sa likuran ko. Sinuotan nya pa ako ng helmet. Sumenyas sya na magdrive na ako.
Pinaandar ko yung motor ng mabagal pero dahil gusto ko syang asarin binilisan ko yung pagtakbo halos mapasigaw sya sa gulat at napahawak sa bewang ko. Ngumiwi ako, puro lang kami asaran hanggang sa makarating kami sa harap ng gate ng Astana Village manghang mangha sya roon, unang beses nya palang makakapunta rito dahil hindi naman kami umaalis sa Village namin.
Pinaiwan ko nalang sa labas si Ervin umabot pa kami ng ilang minuto bago ko sya mapapayag na kaya ko naman ang mag isa. Pag pasok ko sa bahay ni Mister Laux naabutan namin syang nag wawala at paulit ulit nya ring minumura si Detective Park na Mukhang may ginawa na ikinainit ng ulo nya. Pag lingon nya sa 'kin ay awtomatikong sumama ang tingin nya, napangisi nalang ako noong kwelyuhan nya ako.
"Sige, sa 'kin mo lang ibuhos lahat ng galot mo."
"Pinaglololoko mo ba ako!? anong katarantaduhan ang ginawa mo at nakikipagtulungan ka rin sa hayop na 'yon!?" Kumunot ang noo ko at maya maya lang napagtanto ko ang tinutukoy nya kaya naman nawala ang lahat ng emosyon sa mukha ko.
"Bitawan mo 'ko," hinawakan ko ang kamay nyang nasa kwelyo ko. Mabuti nalang at sumunod sya kaagad hindi ko na kailangan paliparin ang kamao ko sa napakapangit nyang mukha. Umupo sya sa sofa at sinindihan ang sigarilyo nya, ngayon ay napapatanong ako sa isipan ko kung ilang sigarilyo ba ang hinihithit nya kada isang araw. Matalino sya alam ko dahil isa syang Detective pero meron din syang ugaling estupido.
May binato sya sa mesa at nagsalita na yun lang naman daw ang ipinunta ko rito hindi naman sya nagkakamali dahil 'yon lang talaga ang pinunta ko dito.
"Bakit ba ang init ng ulo mo kay Detective Park?" Nilingon nya ako pero masama pa rin ang mukha.
"Nakuha mo na ang kailangan mo, you can leave now and don't say his fucking name." Ngumiwi ako, kinuha ko nalang yung uniform ko.
Paglabas ko sinipat sipat kaagad ni Ervin yung uniform ko, ang astig daw. Sinabihan ko sya na umalis na kami dito dahil ayoko talaga sa lugar na 'to oo nga't malalaki ang bahay nila rito pero ang dilim naman ng aura na akala mong madaming krimen ang nangyayari sa lugar na ito. Ang sabi sa 'kin ni Ervin ay napaka KJ ko raw tss kj na ba ang tawag sa taong gusto lang ng kaligtasan?
BINABASA MO ANG
Del Ferrer Academy
Mystery / ThrillerDel Ferrer Series #1 Kim Taehyung as Arcielo De Vasquez where in a simple man and clueless about his memory lost living in Agua Village a part of a place in Akasha De Granda. He can't stand anymore the uccessive killings on their place so he made a...