Chapter 07

48 0 0
                                    


"Ok na po ako tita."

Napabuntong hininga nalang si tita pinipilit nya akong manatili muna sa bahay namin pero masyado akong nabuburyo at gusto ko naman magliwaliw sa kung saan. Walang din nagawa si tita kundi mapabuntong hininga nalang dahil minsan ay hindi nya ako natitiis at sumasang ayon nalang din sa mga gusto kong gawin.

Ilang araw matapos akong nalugmok sa sa pagkamatay ni lola minda at ngayon ay susubukan ko maghanap ng ebidensya dahil minsan ang mga pulis ay hindi natitignan ng mabuti kaya mas mabuting ako nalang ang gumawa.

"Hay nako ikaw talagang bata ka." Napapikit ang mata ko at natawa ng mahina nung haplosin ni tita ang buhok ko. Matapos kong mag paalam sa kanya ay lumabas na ako ng bahay, hanggang ngayon ay di parin kami naguusap ni Ervin.

Alam kong kinamumuhian nya parin ako hanggang ngayon, hindi na sya dumadalaw sa bahay namin kung dumalaw man sya ay minsan may iba akong ginagawa.

Ayaw nya akong makita.

Gusto ko syang kausapin pero mukang di nya rin ako iintindihin wala akong ibang nagagawa kundi ang magpakalunod sa pag iisip at bumuntong hininga na lamang balang araw maipapaliwanag ko din sa kanya ang lahat ng totoong nangyari saakin noon.

Habang naglalakad ako papalabas sa Village namin ramdam ko ang titig saakin ng mga tao, hindi ko alam kung anong mga nasa isip nila pero pinilit ko nalang na wag silang pansinin.

"Aray!"

Doon ko lamang napansin na may nakabangga akong isang batang lalaki. Nakaupo na ito sa daan kaya naman tinulungan ko syang makatayo, humingi na rin ako ng pasensya pero nagmadali kaagad itong umalis. Kumunot ang noo ko nang makita ko kung paano sya mag lakad.

Iika ika na parang may pilay, tumagal ang titig ko doon sa bata at maya maya lang ay nagtuloy na lang ako sa paglalakad. Nang makarating ako sa makipot na daan palabas ng village namin ay nakakita ako ng dalagitang naninigarilyo.

Nakasandal pa ito sa pader at ang isang paa'y nakatungtong sa kabilang pader dahilan na baka hindi ako nito padaanin. Nang makalapit ako sa kanya ay tinitigan ko sya, balak ko na sanang pag sabihan sya nung makita kong may tumulong luha mula sa mga mata nya.

"Maari bang alisin mo ang paa mo dahil dadaan ako." Sabi ko sa kanya, doon nya ako nilingon. Sumama kaagad ang muka nya at maya maya lang ay inirolyo ang mga mata bago inalis ang paa nya sa pag kakatungtong sa kabilang pader na katapat nya, pagkalampas ko sa kanya ay may ibinulong sya.

"Kasalanan nyo 'to lahat..." Napaawang ang bibig ko mahina lang ang pagkakasabi nya pero dinig ko pa din naman. Naguluhan ako kung sino ang tinutukoy nya, pupwede naman akong dumeretso nalang sa paglabas sa village namin pero mas pinili kong hintayin pa ang susunod nyang sasabihin, hindi ko alam kung ano 'to pero nakakaramdam kaagad ako na tungkol ito na kinuwento saamin ni tita na isang mayamang pamilya na nakatira rin dito sa Sevilla Akasha.

"Kayong mga Del Ferrer." At tama nga ako, bumuga sya ng usok galing sa sigarilyong hinihithit nya. Napansin nyang hindi pa din ako nagpapatuloy sa pagalis ko kaya naman pinagtaasan nya ako ng kilay.

"Anong problema mo bata?"

bata? muka ba akong bata sa paningin nya? tss

Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Paglabas ko ay nagabang pa ako ng masasakyan, gusto kong maglibot sa apat na Village dito sa Sevilla. Pumasok ulit sa isipan ko yung sinabi nung babae kanina, may alam din sya sa mga Del Ferrer.

sino ba talaga sila? sino ang mga Del Ferrer na 'yon?

"Hijo sasakay ka ba?" Pumarada ang isang tricycle sa harap ko, tumango nalang ako doon sa driver.

Del Ferrer Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon