"Sino ka ba ha? ang dami mong alam, layuan mo nalang ako kung ayaw mong saktan kita."Naiinis na ako kanina pa dahil hindi nya ako maiwan -iwan na parang gusto nya na laging nakadikit sakin kahit ngayon lamang kami nagkita, hindi pa nya sineseryoso lahat ng sinasabi ko at dinadaan nya lagi sa tawa.
Kanina pa ako nakatingin ng masama sa kanya at sya naman ay nagawa pang sumandal sa isang poste at tinititigan akong mabuti. Nakangiti pa sya sa totoo lang natakot talaga ako kanina nung tinignan nya ako gamit ang mapula nyang mata, nakakapagtaka na ngayon ay bumalik na sa normal na kulay kayumanggi ito.
"Sino ka ba talaga? dito ka ba nakatira?" Hindi ko na kinaya ang kuryosidad ko at tinanong ko iyon. Nakangiti lang sya sakin at matapos kong itanong yon ay yumuko sya sinundan ko ang tingin, nakatingin na sya sa mamahalin nyang sapatos habang sumumisila ng maliliit na bato doon.
"I just explore here, if i will find an interesting things." Doon sya lumingon ulit sakin, bakit kumakalabog ang didib ko sa tuwing titingin sya ng biglaan saakin. Hindi ko maintindihan minsan ang sarili ko. Kumunot ang noo ko nung bigla nyang kinagat ang pang ibabang labi.
"Looks like i found one." Sumama ulit ang tingin ko sa kanya dahil alam kong ako ang tinutukoy nya. Maya maya ay tumawa na naman sya naiinis na ako sa tawa nyang yon, kaya naman nilapitan ko na sya. Kinuwelyuhan ko sya at sinapak.
Nagulat pa ako sa reaksyion nya na imbis mainis sya sakin ay mas lalo lang syang natuwa. Nanggagalaiti na ako sa inis, nakita ko ang pamumula ng gilid ng labi nya kung saan ko sya sinapak.
"Aray ko, ang lakas mo palang manuntok." Hindi pa ako nakuntento at talagang sobrang nainis ako kaya kinuwelyuhan ko ulit sya.
"Pinagtitripan mo ba ako!?" Mas lalo nya lang akong tinawanan, bigla ko nalamang napagtanto na hindi maganda yung maiinis nalang ako sa kanya bibitawan ko na sana ang kwelyo nya nung hawakan nya ang kamay ko.
(Ciel: 😡👿👺 ?: 😊😁😂)
"Isa pa ngang suntok ginoo." Nakangiting sabi nya napatitig nalang ako sa kanya, ang ngiti nya ay parang totoo na ngayon at madali akong napaniwala na hindi nya nga ako pinagtitripan pero baka mamaya ay bigla nalang nyang gawin ang ginawa ko sa kanya kanina.
"Sige na nga, iiwanan na kita. Mukang inis na inis ka na sakin eh."
"Dude, let's go!" Napalingon kaming pareho nung may humintong sasakyan sa gilid naming dalawa at lumabas sa bintana ang lalaking kung sino man ang nandoon. Ngumiti pa ulit sakin yung lalaki bago nya kinaway ang kanang kamay nya, sinuot nya ang sumbrero at salamin sa mata bago tuluyang pumasok ng sasakyan.
"Mag iingat ka ginoo." Sabi nya sakin habang nakasilip sya sa bintana ng sasakyan. Bumuntong hininga nalamang ako, dahil sa tagal kong nakausap ang kung sino mang siraulong yon ay panandalian kong nakalimutan ang gagagawin ko at ang dahilan kung bakit ako narito.
Nang makita ko na yung gate na hinahanap ko ay doon ko naalala na kukunin ko nga pala yung pinatahi ni tita kay manang flor. Tumawid ako sa kabilang daan kung saan naroon yung gate na may numero na sinabi saakin nung babaeng nauna kong nakausap.
Dumaan ako sa pagitan nung bahay na iyon at isa pang tahanan na medyo malaki kumpara doon. Unti unti akong naglakad papunta sa likod ng bahay na iyon at pagtungtong ko sa lupang puno ng dahon, at nang magangat ako ng tingin ay sumalubong sakin ang malamig na hangin.
Ito na iyon...
ang Akasha Forest.
Ang daming mga naglalaglagang dahon mula sa iba't ibang puno, hindi naman nakakatakot ang lugar na ito pero nanginginig ako na baka mamaya ay bigla akong makakita ng mga multo o kung ano man. Yakap yakap ko pa ang sarili ko, naglakad ako habang kaliwa't kanan ang lingon sa paligid. Wala namang kabahay bahay dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/308911584-288-k451785.jpg)
BINABASA MO ANG
Del Ferrer Academy
Mystery / ThrillerDel Ferrer Series #1 Kim Taehyung as Arcielo De Vasquez where in a simple man and clueless about his memory lost living in Agua Village a part of a place in Akasha De Granda. He can't stand anymore the uccessive killings on their place so he made a...