PROLOGUE

50 0 0
                                    


Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

042622

_

"TULONG!! TULUNGAN NYO PO KAMI!! PARANG AWA NYO NA!"

Hila hila ko ang duguang katawan ng aking ina at kapatid, ni isang tao walang lumapit hindi ko alam kung mahina ba ang boses ko o wala lang talagang nagkusang tulungan kami. Wala akong magawa kundi umiyak hindi nila kayang makita ang mga luha kong sunod sunod ang mga pagbaba. Sa lakas ng ulan kahit sumigaw ako ng malakas hindi parin yata nila ako maririnig.

Madaming gumugulo sa aking isipan pero hindi ko kayang sagutin lahat dahil sa napakasakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa sinapit ng aking pamilya. Ang dugo nila'y nagkalat sa lupa kasabay ng pagbuhos ng ulan ay umagos ito palabas ng aming bakuran. Ang boses ko ay parang mapapaos na pero hindi ako mag sasawang sumigaw, hindi ko kayang makita na ganito ang kalagayan ng aking ina at kapatid.

Gusto ko ng magpahinga pero hindi ko kayang iwan na ganito ang aking pamilya. Kahit mag makaawa ako sa mga taong dumadaan pero ang iniisip lamang nila ay wag mabasa ng ulan tumatawag ako pero parang hindi nila ako naririnig. Ang tindahan na nasa harapan ng aming bahay ay hindi malang kami pinasadahan at tindahan ay sinarhan.

"Nakikiusap ako...t-tulungan n-nyo kami."

Pahina na ng pahina ang tinig ko, hindi ko na kayang sumigaw pa. Habang yakap yakap ko ang aking ina at kapatid ay inaalala ko nung huli kaming magkakasama kanina lamang umaga pero pagdating ng gabi ay ganito ang mangyayari.

Naalala ko ang salubong sakin ni ina kapag ako ay ginabi na ng uwi hindi manlang sya nagagalit saakin dahil ako'y nagpapaalam at nagsasabi pa sa kanya bago ako umalis kapag ganitong umuulan pagkatapos nya akong sunduin sa eskwela pupunas nya ng tuwalya ang aking muka at braso at ang kapatid ko'y bibigyan ko ng pasalubong. Pero lahat ng ala alang yon ay tila naglaho nalamang na parang bula at mananatili nalang alaala sa aking isipan.

Bumibigat na ang talukap ng aking mata pero pinipilit kong huwag makatulog na ganito ang aming sitwasyon. Malapit na akong...

matulog.

Nakakaramdam na ako ng pagod unti unti naring nawala ang malakas kong paghikbi sa aking pagsigaw. Humigpit ang yakap ko kay ina at sa kapatid ko, malapit na akong tumumba sa lupa.

Nang magising nalamang ang diwa ko ng makarinig ako ng pagbusina at paghinto ng sasakyan sa aking harapan. Malungkot akong ngumiti ng makita ko kung sinong bumaba ng sasakyan. Hindi manlang nya kami nilapitan at nanatili sya sa malayong distansya tinitigan kaming tatlo, nakita ko ang pagtakip nya sa kanyang bibig at paglagapak ng kanyang payong sa sahig.

Doon ko nakita ang kinang sa mga mata nya na parang sya ay lumuluha. Nawala ang mapait kong ngiti ng tumakbo sya papalapit saakin. Hindi ko maintindihan ang sumunod na nangyari, hinawi nya ang kamay ko at pilit akong itinatayo sa pagkakaupo sa lupa.

"SUMAMA KA NA SAKIN!" Malakas na sigaw nya at tila may halong galit.

"Ang tagal mong dumating." Nababasag na ang boses ko at halos putol putol narin ang paguusap ko dahil sa paos at pagod na nararamdaman ko.

"HALIKA NA! IWANAN MO NA SILA!"

"AYOKO!!" Natigilan sya sa malakas na pagsigaw ko, unti unti na naman akong napahikbi.

"HINDI MO BA NAPAPANSIN! WALA NA SILA! TANGGAPIN MO NA IYON!!"

"Hindi! pakiusap tulungan mo akong dalhin sila sa hospital."

Tumayo ako at nung hihilahin ko ulit ang aking ina ay doon ko lang napagtanto...

Ang aking ina...

Ang binti nya...

At ang bunso kong kapatid...

Pareho sila, ang ibang parte ng katawan nila...

ay wala na...

"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!"

To be continue...

Del Ferrer Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon