Chapter 09

59 0 0
                                    


"Umalis ka na rito habang maaga pa, wag mong hayaan abutan ka ng dilim dahil baka may makasalamuha kang masasama ang loob."

Sinabi sakin iyon ni manang flor matapos nyang ibigay saakin yung pinatahi sa kanya ni tita. Ganoon rin ang sinabi sakin nung lalaking makulit kanina, ano ba talaga ang meron sa lugar na ito?

Kating kati akong malaman kung ano ba ang kanilang sinisikreto at yung tungkol sa pamilyang del Ferrer sino ba talaga sila? ang daming gumugulo sa isipan ko at ang dami kong tanong na kahit sarili ko ay hindi ko masagot.

Matapos kong magpasalamat kay manang ay humakbang na ako papalayo sa kanyang tahanan pero ilang segundo lang ay napahinto ako at agad na bumalik sa harapan nya, panigurado akong may alam sya dahil sinabi nya doon sa lalaking makulit na kabilang sya sa pamilyang Del Ferrer.

"Manang flor, sandali lang po!" Pigil ko sa kanya nang makita ko syang papasok na muli sa kanyang bahay, lumingon naman sya sakin.

"Oh hijo? may nakalimutan ka bang sabihin?" Kinapa ko yung bulsa ko at ang dami ko ng nakakalimutan dahil sa gumugulo sa isipan ko. Nakalimutan ko palang ibigay sa kanya ang bayad.

"Yung bayad po, manang." Ngumiti naman sakin si manang.

"Ay naku pasensya ka na hijo at makakalimutin ako at mabuti pinaalala mo dahil wala nga pala akong ipambibili ng ulam mamaya." Ngumiti lang ako sa kanya ng tipid bago iniabot sa kanya ang bayad.

"Manang may itatanong lang po ako." Kumunot naman ang noo saakin ni manang nagdalawang isip pa muna ako kung sasabihin ko ba o aalis na lamang ako sa lugar na iyon. Napabuntong hininga nalang ako bago ibinuka ang bibig ko para makapagsalita.

"Tungkol po sa tinutukoy nyong Pamilya ngmga Del Ferrer, dito rin po ba sila nakatira?" Naging seryoso ang emosyon ni manang lumingon sya sa gilid namin at sinundan ko naman iyon.

"Gusto mong malaman ang tungkol sa mga---"

"Lola dinalhan ko na po kayo ng pagkain, luto po ito ni---" Napahinto sa pagsasalita ang isang lakaki ng makita nya ako, ayun na naman yung makulit na isip bata ang ugali. Pinagtaasan ko sya ng kilay ng lumingon ako sa kanya, nginitian na naman nya ako.

"Nandito ka pa pala."

Tsk sino ba talaga ang lalaking 'to?

Naglakad sya papunta sa harap ko at umatras naman ako dahil ayokong dumikit sa kanya hindi parin sya katiwa tiwala sa paningin ko. Wala naman akong nasabi noong magmano sya kay manang matapos ibigay ang dala nya na nasa plastik, nagpasalamat ng sobra sa kanya si manang.

Napabuntong hininga nalang ulit ako, naiinis talaga ako sa lalaking to, malapit na akong makakuha ng sagot mula kay manang kaso bigla syang sumulpot bigla. Mas mabuti pa nga na umuwi na talaga ako, hindi na ako nagpaalam kay manang dahil abala sya sa pakikipagusap doon sa lalaking makulit.

Pinunasan ko ang pawis ko sa noo gamit ang dala kong panyo. Malapit na akong makalabas sa gubat nung bigla nalang may humila sa kamay ko napalingon ako kaagad at binawi ng magaras ang kamay ko, sisigawan ko na sana ang gumawa saakin noon ng makita ko na naman sya.

"Pauwi ka na ba, ginoo?" Hindi na sya nakangiti ngayon, hindi ko nalamang sya pinansin at nagdiretso sa paglalakad. Bigla ko lamang naalala na hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanya pero dahil sa pangiinis nya sakin noong magkasama kami ng ilang minuto ay nagdadalawang isip ako kung nnararapat ba akong magpasalamat sa kanya o hindi.

Naalala ko din ang sinabi saakin ni tita na dapat daw marunong akong magtimpi at hindi magpadala sa masasamang nasa paligid ko kaya naman magpapasalamat nalang ako sa lalaking 'to at pagkatapos noon ay aalis na ako sa lugar na ito, nilabas ko nalang ang sama ng loob ko habang nakatalikod pa ako sa kanya at noong medyo kumalma na ako tsaka ako lumingon sa likuran ko.

Del Ferrer Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon