10

789 12 0
                                    

"Sis! Beka!" Rinig kong tawag ni Kuya from downstairs

"Akyatin mo nalang, Hunter, hindi yung nagsisisigaw ka dyan" rinig kong sabi ni Mommy.

I covered my whole self with my bedsheet as he open my room door.

"Don't hide it from me. Maga na naman yang mata mo, get up!"

"Why? Nagpapahinga yung tao eh" I groaned

"Let's relieve some stress sa studio" sabi niya. "Sis, if there's anything you want to say, andito ako. Ano pang silbi ko bilang kapatid mo?"

"I know. It's just that....Nevermind"

"Come on, get up!" Sabi nya at hinila ako patayo.

"Fine fine! Labas!" Sabi ko at tumayo.

Lumabas sya at napilitan akong ayusin na yung higaan ko at nagshower na. I just wore a loose crop top, sports bra underneath it, and my gray sweatpants tsaka rubber shoes.

Naglagay lang ako ng extra clothes sa duffel bag ko at lumabas na dala dala yung phone at wallet ko.

"Aalis po kayo?" I asked our parents

"Yes, sasama kami ng Mommy niyo" sabi ni Daddy.

"Seriously?"

"Ayaw mo ba?"

"No, first time"

"It's because we have a lot of free time here. May nagmamanage naman ng restaurant kaya hindi naman kami need dun lagi." Sabi ni Mommy.

"Alright" sabi ko. "Sana after sa studio, may manlibre ng food, di ba Kuya?"

"Kaya nga eh, we haven't tried sa restaurant eh"

"Nako, nagpaawa pa talaga tong magkapatid na toh. Oo na, we'll go there after sa studio"

"Yay!!!" Sabi ko at yumakap sa kanilang dalawa.

"And that's the girl who says she's 23 years old" sabi ni Kuya.

Inirapan ko lang sya at umalis na kami. Si Ate Gina pala may pinuntahan sa firm, pero susunod ata sya sa studio.

Pagkarating namin, andun narin sila, nauna pa sila samin actually. Kasama rin si Kiko, Greg, at Elijah.

They greeted us, and I just simply smiled at Elijah. Umiiwas na ako sa kanya hangga't maaga pa, he's just like this to me kasi patient nya ako, nothing more, nothing less. Ayokong bigyan ng meaning yung mga ginagawa nya for me kasi that's just how he treats his patients.

I know to myself that I am liking him already, kaya hangga't kaya ko pa at hangga't maaga pa, umiiwas na ko para hindi na lumalim pa. Ayokong umasa, I don't deserve a guy like him, he's almost perfect, and I am flawed. Ayokong mahulog sa kanya at sa huli masasaktan ako kasi sasabihin nya walang ibang meaning yung mga acts nya towards me.

I don't deserve to be loved, hindi ko deserve magkaroon ng isang Elijah Davis na sinasabi nilang walking green flag, I don't deserve it. I am better off alone, ayokong masaktan ko sya, kasi alam kong mas masasaktan ako.

I was born in this world alone, so I would rather die alone than hurt this guy. May mahahanap pa sya na mas bagay sa kanya at hindi ako yun. Ako yung taong walang nakatadhana, nabuhay mag-isa, mamamatay mag-isa.

"Huy! Tulala ka dyan" sabi ni Kuya.

Andun sila sa may couch, samantalang kami ni Kuya andito sa may malapit sa mirror wall sineset up nya phone nya habang nagwawarm up kami.

"Wala, may naisip lang" sabi ko.

"If this is about him, let yourself be loved"

"Nope, I don't deserve his love. Masyado akong sira para punan nya" sabi ko at ngumiti. "Just click play, daldal mo" dagdag ko.

"Anong play, eh wala ka ngang sinasabi kung anong mix" sabi nya.

"Pati ba naman yan pag-aawayan niyo?" Tanong ni Daddy.

Kinuha ko phone nya at namili ng mix.

"Ito nalang" sabi ko at pinlay na.

This is our form of relieving stress, dancing. Pareho kaming sumasayaw, kaya nagkakasundo kami when it comes to dancing.

While dancing, hindi ko mapigilan na mapatingin sa reflection niya sa salamin and I saw him also looking at me, and my every move. Para nyang inoobserve yung galaw ko.

Bakit ganyan sya makatingin? Nakakatunaw fuck! Hindi nakakatulong sa pagmu-move on ko yung mga tinginan nya!

*******

After namin magtanggal ng stress, umupo kami ni Kuya sa may sahig. I glanced at his reflection again and nagtama yung tingin namin, pero agad akong umiwas ng tingin.

"Ako muna magshower" sabi ko kay Kuya at kinuha na yung bag ko.

Natutunaw na ko sa tingin nya sakin at ayoko ng pakiramdam na yun, baka lalo akong mahulog sa kanya at baka mamaya mag-assume pa ako.

After ko magshower, nagsuot lang ako ng oversized shirt tapos tinuck-in ko yung harap sa high waisted pants ko atsaka ako lumabas.

Umupo ako sa harap ni Mommy at pinunasan nya ng pinunasan ng towel yung buhok ko hanggang sa matuyo.

"Baka naman matunaw, bro"

"Wala ka namang balak tunawin?"

"Kung ako sayo, make a move na"

Naririnig ko mga bulungan nila, alam ko ring nakatingin si Elijah sa akin, pero hindi ko pinapansin, nagkukunwari akong nagsuscroll sa IG, just to distract myself from being conscious of his stares.

"You guys want to go with us? Kakain kami sa restaurant namin" yaya ni Daddy.

"Syempre po Tito. Gustong gusto makasama ni Lij anak niyo- ay este, gustong gusto namin sumama" sabi ni Greg at binatukan sya ni Elijah.

Natawa nalang sila, pero ako hindi ko magawang tumawa. I am confused now, pero kailangan ko parin umiwas. Ayokong mahulog at masaktan.

After maligo ni Kuya, nagsilabas na kami.

"Bro, puno na kayo sa sasakyan niyo diba? Pwede daw sumabay si Beka kay Lij" sabi ni Kiko.

Tanginis naman! Kuya wag ka papayag please!

"M-May space pa naman sa backseat eh" sabi ko.

Tangina!

Bakit ako nauutal?

"Masikip sa likod anak. Lij, pwede bang sayo nalang sumabay si Beka?"

Totoo ba? Pinapamigay ako ng tatay ko?

I am secretly pulling Kuya's shirt

"Oo nga, masikip sa likod. Lij, sayo nalang sabay si Beka. Ingatan mo ah" sabi ni Kuya at talagang itinulak pa ko sa side ni Lij.

"Sure, no worries" sabi ni Elijah.

He opened the door of the passenger seat kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang pumasok sa loob.

Si Kuya nakangiti lang sakin na makahulugan kaya inirapan ko sya.

Tahimik yung naging byahe namin. Kinakausap ko nalang sya kapag may session ako with him.

"Are you ok?" Tanong nya.

"Yes" simpleng sagot ko

"Are we ok?"

"We? There's no 'we', Dr. Davis" sabi ko at nagpasak ng earphones para di nya ko kausapin.

"There will be a 'we' soon" rinig kong sabi nya pero hindi ko nalang binigyan ng pansin.

The VowWhere stories live. Discover now