35

701 12 0
                                    

"Sabi po ni Beka alam niyo lahat ng nangyari sa kanya?" Tanong ni Hunter sa dating maid at guard ni Beka

Kami nalang muna ang kumakausap sa kanila since Beka suddenly fainted because of crying too much.

Isinugod narin sya dito sa ospital ko and andito kami ngayon sa VVIP room kung nasaan nakahiga si Beka at tulog, and we're waiting sa mga tests na ni-run sa kanya kanina.

"Oho, kumbaga kami yung naging human diary ng batang yan, at nakikita namin tuwing sasaktan sya ni Mam Rina noon kapag wala si Sir Bernard. Pati yung mga pagtataksil ni Mam Rina noon, pero pinakiusapan kami ni Kasandra na wag magsasalita kay Sir Bernard. Tinanung ko sya noon kung bakit ayaw nya ipaalam sayo, ang sabi lang po nya, ayaw ka nya mapahamak at kami. Titiisin nya daw po hanggang sa kaya nya, at pipilitin ka daw ho nyang umalis kayo kapag hindi na nya kaya. Napakatalinong bata nyan ni Kasandra, minsan naiisip namin kung talagang bata ba sya o baka nag aanyong bata lang kasi matalino sya."

"What about Rina's guy? Anong alam niyo sa nangyayari sa bahay?"

"Unang beses namin po syang nakita sa bahay ay noong isinama po ata kayo ng boss niyo noon sa Bataan, parang 3 days po ata yun. Tapos umuwi si Mam Rina na kasama yun tanghaling tapat, at dumiretso ho sila sa guest room. Nakakarinig po kami ng halinghingan at gumagawa ng milagro, naisip namin agad si Kasandra noon kasi nasa tabi yun ng kwarto nya at masyado syang bata para makarinig ng ganoon. Papunta na po sana ako sa kwarto nya kasi sabi ni Mama noon ilabas ko muna sya para di nya marinig, pero pag-akyat ko po nakasilip na sya dun sa guest room at nung tinawag ko sya mukha po syang takot na takot. Inilabas ko sya at isinama sa park para kahit papaano makalimutan nya yung nakita nya. Pero nagulat po ako sa sinabi nya."

"Ano?"

"Tinanung nya po ako kung may kilala akong technician or IT bukod daw po sa daddy nya, kaya sabi ko po yung kuya ko, yung panganay namin. Tapos sabi nya, kung pwede sya magpagawa ng button na kokonekta sa kwarto namin ni Mama galing sa kwarto nya, tinanung ko sya kung para saan, sabi nya lang para pipindutin daw nya kapag gusto nya kasama matulog si Mama sa kwarto nya. Kaya um-oo po ako, tapos sabi din nya kung pwede daw po ako bumili ng CCTV tapos painstall daw po nya sa Kuya ko para may camera sa loob ng kwarto nya. Um-oo po ako sa lahat, kasi akala ko po ay alam niyo o sasabihin nya sa inyo, sabi ko pa sa kanya noon 'Iba trip mo ah' di ko alam para na po pala yun sa safety nya. Wala po kasi syang ibang sinabi. Nung gabi na natulog si Mama sa kwarto ni Kasandra, pinagalitan sya ni Mama kinabukasan kasi natutulog daw po syang nakahubad baka magkasakit, ang sabi lang nya ay mainit daw. Yun po pala, si Mr. Lim ang may gawa nun sa kanya, nakita lang namin sa CCTV footage sa kwarto nya pero nanahimik kami, ayaw namin sya pangunahan. Kung noong una palang ay alam na namin, hindi na po sana nangyari sa kanya yun, sorry po, sir, hindi po namin nabantayan ng maayos si Kasandra"

"No, it's fine. Sinadya nya na wala kayong alam para hindi kayo mapahamak because of the threat they gave to her. Thank you for being on my daughter's side at sa pasimpleng pag-aalaga sa kanya."

"Nung gabi po na pinakiusapan nya kayo na umalis na kayo. Ako po ang nagdrive noon kay Mam Rina at sinadya ko na idaan sa traffic na lugar yung sasakyan para tumagal at makaalis kayo. Alam namin ni Mama yun kasi pinakiusapan nya kami na tulungan kayo makaalis doon nang hindi nalalaman ni Mam Rina, pati yung pagbabantay ng vault nya, pinagkatiwala nya sa amin, sabi nya noon 'Babalik po ako at magagamit ko yang mga yan' totoo nga, bumalik po sya at ngayon, magagamit niyo na po, at tutulong po kami para maparusahan sila sa ginawa nila" sabi nung Jorge.

"Maraming maraming salamat po" sabi namin sa kanila.

"As I remember, Beka told me before kasi I asked about the house, it's under her name, kasi pinamana yun ng magulang ko sa kanya. Sabi nya, may iba ng nagmamay-ari ng bahay, then upon seeing her vault, I saw this. I think she asked help sa mga Tita nya, and she transferred the land and the house under your name. Maybe it's her way of saying thank you for everything you've done to her. Sa inyo na po yung bahay, at may titulo" sabi ni Tito Bernard at binigay sa kanila yung brown envelope

"Sir, hindi po namin matatanggap yan"

"Beka wants you to accept this. Sige ganito nalang, accept this, pero wag niyo nalang pakealaman yung dating kwarto nya, yung mga damit nya dun, donate it, lahat ng gamit dun na hindi niyo kailangan, donate it, yung mga damit nya, lahat yun pati yung mga laruan nya, donate it, mas gusto nya yun. Accept this for Beka" sabi ni Tito.

Napatingin ako kay Beka na natutulog, despite the bad experiences she had in that house, she made it a new start for someone, ganun sya tumanaw ng utang na loob.

I really did love the right girl and I will do everything for this girl I love. She's the bestest girl among the rest.

Maya maya, may kumatok at pumasok yung doctor na nag-run ng test sa kanya.

"Doc" bati nya sa akin.

"What's the result?" Tanong ko.

We are all looking at him and he suddenly smiled.

"Congratulations, Doctor Cooper is 8 weeks pregnant" sabi nya at para kaming nabingi lahat sa sinabi nya.

"What? D-Did we heard it right? My sister is pregnant?" Tanong ni Hunter.

Bigla akong kinabahan nang tumingin ang mata ng mga Cooper sa akin.

"Yes po, Congratulations, doc" sabi nung doctor at umalis.

Tangina! Magkakaanak na kami!

"Tangina! Hindi pa nga kayo kasal binuntis mo agad kapatid ko?" Singhal ni Hunter.

"Babe, can you calm down? Hindi ka ba masaya? Maybe that's a gift for them after everything that happened to Beka" sabi ni Gina.

"Ito nalang, you didn't fucking forced my sister, right?"

"Why would I fucking do that, bro? Of course not" I defended. Si Tito at Tita nanatiling tahimik kaya lalo akong kinakabahan, lalo kay Tito baka bigla akong sapakin, pinangalagaan nila tapos bubuntisin ko lang.

"Wag ka sakin kabahan, Lij. I'm happy for the both of you, pero prinsesa sya ng Tito mo, kaya goodluck" sabi ni Tita na hindi nakatulong dahil nanatiling tikom ang bibig ni Tito. Tinatawanan na ako nila Gina at Tita kasi halatang kabado ako.

"I don't know what to say, alam mo yung napagdaanan ng anak ko, and she's still fighting with her demons. Wag na wag mo pababayaan ang anak ko, yun lang ang hiling ko at ang magiging anak niyo. Pucha! Parang kahapon lang hinehele ko pa yan sa braso ko, ngayon sya na ang may ihehele sa braso nya." Sabi ni Tito at napakamot ulo. "Kayong magkapatid pinapatanda niyo kami ng Mommy niyo agad eh" dagdag pa nya at natawa kami. "Congrats, alagaan mo sila, kundi yari ka samin ng Kuya nya"

"Congrats, bro. Magkakalimutan tayo kapag sinaktan mo ang kapatid ko"

"You're always welcome to our family, Lij. Simula ngayon Mom and Dad na ang itawag mo samin" sabi ni Tita.

"Thank you po. Beka hates promises, so I'll just do it, makakaasa po kayo" sabi ko.

The VowWhere stories live. Discover now