43

705 9 0
                                    

"Oy Xian! Wag mong pasayaw sayawin yan ah! Ikaw papasayawin ko sa nagbabagang uling" sabi ni Elijah.

Andito kasi kami sa mansion nila Lola, ito yung mansion talaga nila Lola, kung saan nagcecelebrate kami buong angkang, at ngayon andito kami dahil today is Christmas Eve Day.

"I'm on live. So yun guys, nababasa ko yung mga comment niyo sa mga tiktok ko and even your DMs sa akin kung sino yung babaeng kasama ko sa isang dance vid sa Palawan months ago. So ito sya, yung iba pa sinabi nakita ka daw nila sa wet market sa QC"

"Ah! I remember, I heard some murmurs nga while we were there, dun kami dinala ni Manang when I craved for lobster and liempo" sabi ko habang nakatapat yung phone nya sa amin.

"Yung time na nagfacetime si Tito sa amin tapos sabi nya fiesta daw yun pala cravings mo lang"

"Oo that one" sabi ko kay Claud.

"So yun, yes, she is one of my cousins ang ganda diba? Di pwede sa angkan namin ang di maganda at gwapo. Walang patapon sa amin when it comes to looks and brains, lalo tong babaitang to. Hakot awards yan lagi." Sabi nya referring to me. "So she's Beka, pero I will suggest not to stalk her, hindi sya pala-socmed, bihirang bihira sya magsocial media, once in a blue moon, and also she's taken so sorry boys, pregnant na nga eh. Tsaka yun nga, her husband is very strict when it comes to her, lahat naman kami strict when it comes to her privacy, at 3 abogado ang kakaharapin niyo kapag ininvade niyo privacy nya. So manahimik nalang kayo sa mga bahay niyo"

"3 abogado, 1 piloto-engineer, 2 architect, 1 vlogger/interior designer, 1 doctor, and 2 Police Officer. Yan po mga makakalaban niyo kapag ininvade niyo privacy ni Beka" sabi ni Claud.

"Ay true yan! Ay dzai may mga comment dito. She's pregnant pero super pretty parin nya. Ang blooming naman nyang preggy. What's her profession po?"

"Sagutin mo na"

"I'm a neuro-surgeon po" sagot ko.

"May comment dito girl. Ang taray ng mga trabaho! Pangmayaman talaga!"

"Hindi po, nasa pagsisikap yan. Kaya fight lang ng fight" sabi ko.

"Yun kasama po nya sa market sa QC, yun po ba yung asawa nya?"

"Yes po, sya nga yun. Bawal agawin, kasi hindi nagpapaagaw" sabi ni Claud at tumawa kami.

"Anong meron dito?"

"I'm on live"

"Ay akala ko nagbavlog ka" sabi ni Kuya Ash.

Napalingon ako sa kung saan nakatayo si Elijah kanina pero wala na sya dun.

"Saan na naman nagsuot yung lalaking yon?"

"Sino? Si Lij? Nasa garden, pumalit kay Hunter sa pag-iihaw" sabi ni Kuya Ash. "Wag ka daw pumunta dun kasi mausok" dagdag nya.

"So yun guys, ahm, sorry magulo at madaming tao, nasa bahay kasi kami ng grandparents namin na namatay na kasi dito kami magcecelebrate ng Christmas altogether. So, we wish you all a very merry christmas and a prosperous new year to you and your loved ones. Sa labas papaputok ah hindi sa loob" sabi ni Xian at tinapos na yung live nya.

Sa New Year kasi dun kami nila Daddy at nila Kuya sa bahay nila Elijah, para fair naman, ngayon kasi Daddy nya yung dumayo dito para magcelebrate ng Christmas with us.

"Ang aga nyan ah! Mommy! May compliment ka na ulit maririnig mamaya" sabi ko at nagtawanan sila Tito.

Nasosobrahan sa sweetness kasi si Daddy kapag nalalasing puro sya 'Ang ganda ganda talaga ng asawa ko, ang swerte swerte ko' ganun sya malasing jusko!

The VowWhere stories live. Discover now