36

743 12 0
                                    

"Baby, what do you wanna eat?" Tanong ni Eli pagkapasok nya sa clinic ko.

Nakatingin lang ako sa salamin dito sa clinic ko. Nakatingin sa tyan ko, wala pa naman akong bump kasi maliit pa, since 10 weeks palang yung tyan ko.

"Hey, baby" sabi nya nang mapansing abala ako sa pagtingin sa tyan ko sa salamin.

He snaked his arms around my waist and caressed my tummy.

"Are you ok?" Tanong nya.

"Yeah, hindi lang ako makapaniwala na may baby talaga sa tyan ko. Fake naman ata yung mga pills na binili mo"

"Oh talaga? Oh baka hindi ka lang nagtitake? Eh halos hindi mo nga nabuksan yung isang banig eh"

"Pano mo nalaman?"

"I saw it in your bag, nacurious ako kung paubos mo na o kung meron pa, then I saw it unopened. But, it's a good thing. I love you, both of you. Our baby is strong like its mommy, pero for now, let's eat, you two need to eat, what do you want?" Tanong nya.

"Would you still love me if I become fat? Kasi diba kapag buntis tumataba?"

"Of course. I will love you kahit lumaki ka pa katulad ng elepante, ikaw lang mamahalin ko"

"Elijah Emory Davis, sinasabi mo bang kasing laki na ko ng elepante?" Tanong ko at kumunot noo sa kanya.

Gagong to! Insultuhin ba naman ako! Kasing laki ko daw ang elepante!

"Baby, fuck! That's not what I mean"

"Minumura mo ko?"

"No, fudge, here we go again. Baby, that's not what I mean, ang sexy sexy mo kaya, hindi ka nga mukhang buntis eh, and I will never curse at you" sabi nya at niyakap ako at hinalikan ako sa noo.

"Oh kita mo! Sa noo mo nalang ako hinahalikan! Siguro nga lumaki na ko ng sobra kaya nahihiya ka ng halikan ako sa labi" sabi ko, yung mga luha ko nagbabadya ng magsituluan.

"No, iisa isahin ko kasi yung parts ng mukha mo na gustong gusto kong hinahalikan eh" sabi nya at hinalikan ako sa ilong, pisngi, at sa labi.

Nagtagal ang halik nya sa labi ko at unti unting gumalaw yung mga labi nya kaya kusang gumalaw narin ang labi ko. I snaked my arms around his nape and feel his kiss.

"Marry me, baby" he said after our kiss.

"Ang corny mo magpropose, pangclinic lang ba ko? Gagong to!"

"Baby, don't curse, please. Of course, I will have a grand proposal to you, just wait, matagal ko ng pinaplano yun eh" sabi nya. "Wag ka magmumura, hindi bagay sayo, and stop being moody, baka maging moody din anak natin paglabas" dagdag nya.

"Eh kasi! Kasalanan ko ba?! Kasalanan ng tatay nya eh! Binibwisit ako lagi eh!" Sabi ko.

"Let's eat. Ano gusto mo kainin? Saan mo gusto kumain?" Tanong nya.

"Paglutuin mo si Greg ng dinuguan"

"What?! Bakit si Greg? Ako nalang"

"Ayaw, gusto ko si Greg magluluto, yung nakikita ko na sya magluluto. Kung ayaw mo, wag nalang, di nalang kami kakain" sabi ko at ngumuso at umupo sa sofa dito sa clinic ko

"Fine fine, I'll call Greg, alam ko kasi may girlfriend na yun eh, sana hindi busy"

"Bawal tumanggi sa buntis, awayin ko girlfriend nya"

"Ako na aaway kapag hindi pumayag, baka masaktan ka pa eh" sabi nya.

Kinuha nya phone nya at tinawagan si Greg.

The VowWhere stories live. Discover now