20

738 10 0
                                    

After that incident, ewan ko kung ano sinabi ni Eli kay Hanz at Jillian, basta sabi nila sa akin eh in-orient sila ni Eli na wag ako hahawakan kasi natitrigger yung trauma ko, and they understand naman daw.

Ngayon andito ako papasok ng ospital kasama sila Kuya, Greg, at Kiko, bibisitahin daw nila si Eli. Sinabay ako ni Kuya kasi galing kami sa mall kanina, nag-date kuno daw.

"Halos 1 month narin nanliligaw sayo si Lij noh?"

"Nasa tagal ba yun?"

"Nahahawa ka na sa ugali ng Head mo at manliligaw mo" sabi ni Kiko.

"Pero wait, totoo bang NGSB si Eli?" Tanong ko na nagpatigil sa kanila.

Sabay sabay silang lumingon at tumango sa akin.

"Dami nagkakandarapa dyan noon sa Australia palang, pero walang pinatulan. He was like allergic to women"

"Woman-hater sa madaling salita, pwera sa mga nanay namin syempre. Pero kapag hindi family member, wala, ekis yan. Miski sila ni Gigi hindi sila close. Ikaw lang yung babaeng unang inapproach nya talaga."

"Meaning, ikaw nakagamot ng pagiging woman-hater nya" sabi ni Kuya

"Bakit? Sasagutin mo na ba?"

"Nagtanong lang ako" sabi ko.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makapasok na kami sa ospital mismo. Hindi sya tumatawag kasi alam nyang kasama ko si Kuya, pero kapag wala si Kuya, sinasalubong nya ako sa parking para sabayang umakyat sa office ko, para daw makahinga sya ng maluwag na walang masamang nangyari sa akin.

Habang naglalakad kami papunta sa elevator, paakyat sa office ko kasi ihahatid daw muna nila ako, nakasalubong namin si Quiano at tumigil sya sa harapan namin. Itong mga kasama ko awtomatikong nawalan ng emosyon ang mga mukha. Mga suplado talaga sila sa ibang tao, at mukhang nakwento na ni Eli at Kuya yung tungkol kay Quiano.

"Beka, night shift ka?"

"Who is he?" Tanong ni Greg.

"Ahm, guys this is Dr. Quiano Javier, my colleague and an OB-Gyne. Quiano, this is my brother Hunter, and his bestfriends Greg and Kiko"

"We're not close so you can call me Attorney Cooper, only my family and friends can call me Hunter"

"Attorney Patricio here, call me that. Same reason with Hunter"

"Engineer Aranjuez at your service. Same reason why you can't call me by my name."

Ang susungit -_-

"Ahm, Dr. Javier po. Anyways, I just want to apologize yung about sa cafeteria last time. Sabi nila Hanz sakin hindi ka daw sanay na bigla biglang hinahawakan sa balikat"

"You fucking touched my sister? You had the guts, fucker?"

"Kuya!" Saway ko kasi parang gusto na nyang sugurin. "I'm fine, Eli came immediately" dagdag ko kaya kumalma sila pero halos patayin nila ng tingin si Quiano.

"Fuck! You really had the audacity? Ni kami ngang kaibigan ng kapatid nya we never touched even a single strand of her hair dahil ayaw namin mamatay na single eh. Only her family, and Elijah can touch her, wala ng iba, not even you, dumbass"

"I-I'm really really sorry, I really shouldn't do that. Anyways, night shift ka?"

"Yeah, may operation kasi ako ng 11pm eh. Ahm, may sasabihin ka pa ba?"

"A-Ahm, can I ask you to have dinner with me, if it's fine with you"

"I think I will need to stay here until midnight bro, tutal nasa overnight naman si Gigi" sabi ni Kuya.

"We would like to join you, sa office nalang tayo ni Lij tumambay"

"So, sudden change of plans. You'll have dinner with us, Beka" sabi ni Greg at tumango ako.

"Just a piece of advice. Kung gusto mo ang kapatid ko, itigil mo na yan. There is someone na nagpupursue na sa kanya and he's part of our family since we were kids, and even if you ask our parents, we are all protective of Beka, so ayaw namin ng kung sino sino ang umaaligid sa kapatid ko" sabi ni Kuya.

"Kuya, can you stop scaring people away? Quiano is also a friend and colleague of mine here. Let's just go, mag-i-in pa ako. Sorry, Quiano, we'll go now" sabi ko at hinila na si Kuya paalis sa harap ni Quiano.

"Tangina non, saan ka hinawakan nung gagong yon?" Tanong ni Kiko.

"Sa balikat lang naman kasi kumakain kami nun and I suddenly thought of something na nagpatulala sa akin, he might have noticed it so he asked me if I was ok and he put his hand on my shoulder. I can't blame him naman, kasi he knows nothing, so it's not his fault naman na umatake yung trauma ko"

"Gabing gabi nag-iingay kayo sa ospital ko" napalingon kami nang marinig yung boses ni Eli.

Nagfist bump lang sila and he walks to me to kiss my forehead at yakapin ako.

"Anong hinihimutok ng mga butsi niyo?" Tanong nya habang nakatayo sa tabi ko at yung braso nya nasa bewang ko.

"Eh kasi may gagong Quiano na humawak pala dito, kung di lang nya sinabi na napakalma mo naman pala sya agad, baka inoopera na yun ngayon eh" sabi ni Greg. Brutal talaga!

Napatingin si Eli sakin.

"Nakasalubong namin si Quiano sa lobby and he apologized, ang sinabi lang ata nila Jill sa kanya is hindi ako sanay na hinahawakan" paliwanag ko.

"He even tried to ask Beka out for a dinner, kaya nagdecide kami to stay here until midnight, oorder nalang tayo ng food, so we can all eat together"

"Masarap naman yung food sa cafeteria ah. Sa cafeteria nalang tayo, namimiss ko na yung food dun, puro nalang kasi deliver tong isang to eh" sabi ko at ngumuso.

"Let's go, puro ka reklamo, minsan nga humihirit ka pa" sabi nya habang hila hila yung nguso ko papasok ng elevator.

"Masakit ah!" Reklamo ko sa kanya at tinampal paalis yung kamay nya.

"Cute mo" sabi nya at umakbay sakin.

"Tangina namiss ko agad si Gigi"

"Oh! Wala kayong karapatan, wala kayong jowa" banta ko kay Kiko at Greg na bubwelo sa pagsasalita.

"May sinabi ba? Sarap mo patahimikin minsan, yung lagyan ng duck tape yung bibig mo" sabi ni Greg kaya natawa sila.

Nang makarating kami sa floor ko, hawak kamay kami ni Eli na naglakad papunta sa office ko, sila Kuya pinadiretso na nya sa office nya.

"I installed CCTV sa labas at loob ng clinic mo, just in case. Wag ka na umangal kasi nainstall na. If ever you feel something strange or like aatakihin ka na naman, call me immediately, personal phone, not office phone"

"Yes, Doc"

"Stop it, love. Call me by my name. Si Quiano nga, Quiano lang tawag mo eh"

"Selos naman agad. Oo na po, Eli."

"Sunduin ka namin dito mamaya for dinner. 11pm ang opera mo diba?"

"Yes"

"Estimated time ng pagtapos?"

"That will take 3 to 4 hours maximum na yun, unless may makita kaming kakaiba while the operation is on-going. If you want to observe, feel free"

"Alright, pakita ko sa kanila kung paano ka mag-opera. One of the best surgeon, indeed. Don't worry about your time-in. Si Desiree na ata nagtime-in for you nung nakita ka nya sa lobby" sabi nya kaya tumango ako.

"Sige na, magrereview pa ko para sa operation ko mamaya and magrarounds pa ko"

"Alright. See you later." Sabi nya at hinalikan ako sa noo tsaka umalis ng clinic ko

The VowWhere stories live. Discover now