Chapter 6

601 72 8
                                    

Gabbi’s POV:
pagkadating ko sa bahay agad akong pumunta sa kwarto ko, papasok na sana ako sa banyo nang biglang may nag text kaya tinignan ko ito.

*/Ex-girlfriend

"Babe, Nakauwi ka na ba?"-Irene

"Yes Ms.Irene"-Gabbi

"Hmm okay, good night i love you"-Irene

"Good night"-Gabbi

End of conversation

Pagkatapos naming mag-usap agad akong pumasok sa banyo, tapos naligo na.

Pagkatapos kong maligo, natulog na ako dahil maaga ang pasok ko bukas.

~kinaumagahan~

Gabbi’s POV:
Medyo maaga akong nagising ngayon kaya naisipan kong mag breakfast kaya bumaba ako.

"Good morning, Mrs.ildefonso"-Pang-aasar ni kuya tyler.

"Good morning mo mukha mo"-Sabi ko, natawa naman siya.

Kumuha ako ng pancake tapos nilagyan na ito ng syrup.

"Himala nag breakfast ka"-Sabi ni kuya nathan

"Medyo gutom eh hehe hindi kasi ako nakapag dinner kagabi"-Sabi ko, tumango na lamang silang apat.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako at naligo, pagkatapos umalis na ako.

Pagkadating ko sa office wala pa si Irene nagtaka naman ako, kasi mas nauuna pa nga 'yong pumasok kaysa sa’kin, pero naisip ko na baka late lang kaya umupo na muna ako sa table ko.

9 am na pero wala pa rin si Irene, bigla namang tumawag yung maid niya sa bahay.

*/Aling Marina

"Hello po Manang"-Bungad ko.

"Hello ma’am, si Ma’am Irene po hinimatay, pumunta na po kayo dito please"-Sabi niya, agad naman akong nataranta.

"What!? Papunta na po ako"-Pagmamadali ko, agad niya namang pinatay yung tawag kinuha ko na yung gamit ko tapos umalis na.

Habang nasa byahe ako naisip ko na bakit ako yung tinawagan? Bakit hindi si greggy dahil siya naman yung boyfriend? Hays bahala na nga!

Irene’s POV:
Ngayong araw na ito hindi muna ako pumasok dahil medyo masama ang pakiramdam ko, habang ako’y umiinom ng juice bigla na lang nag dilim ang paningin ko at hinimatay ako.

Pagkagising ko, ang una kong nakita ay si gabbi ang akala ko hindi totoo kaya kinurot ko yung sarili ko.

"Ouch"-Sabi ko.

"Baliw ka ba Irene?"-Tanong ni gabbi.

"Sorry akala ko kasi panaginip lang ito"-Sabi ko.

"Ano ba talagang nangyari?"-Tanong niya na medyo seryoso ang tono.

"Habang umiinom ako biglang nag dilim yung paningin ko tas dun na ako hinimatay"-Sabi ko, hinawakan niya naman yung ulo ko.

"Gosh! Ang taas ng fever mo, manang paki-kuha po ako ng basin na may maligamgam na tubig tapos po handkerchief"-Sabi at utos niya sa kasambahay ko, agad namang sumunod si aling marina.

"Kumain ka na ba?"-Tanong ni gabbi.

"Hindi pa eh"-Sagot ko.

"Sige pagkapunas ko sayo, tsaka ako magluluto okay?"-Sabi niya, tumango na lang ako bilang sagot.

Dumating naman si aling marina na may dalang planggana na may maligamgam na tubig, agad naman itong kinuha ni gabbi. Tapos kinuha niya yung panyo at ibinabad dito, tsaka niya ito nilagay sa noo ko.

"Aling marina, paki bantayan po muna si Irene dito, mag luluto lang po ako"-Sabi niya, ngumiti at tumango naman si aling marina, kaya bumaba na siya at nag luto na.

"Napaka maalaga talaga ni gabbi, kahit hindi na kayo mag kasintahan"-Sabi ni aling marina.

"Kaya nga po nagustuhan ko 'yan dahil sa sobrang maalaga eh"-Sabi ko.

"Sana'y bago matapos ang kontrata niya'y magkabalikan na kayo"-Sabi ni aling marina.

"Kaya nga po eh, I missed her so much"-Sabi ko.

𝙼𝚢 𝙱𝚘𝚜𝚜 𝚒𝚜 𝙼𝚢 𝙴𝚡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon