Chapter 19

550 66 25
                                    

Gabbi's POV:
pagtapos kong maligo, bumaba agad ako para makaalis na.

"bakit ang tagal mo?" tanong ni manang imee.

"Syempre naligo ulit ako" sabi ko.

"okay, halika na" sabi niya sabay hawak sa kamay ko tapos umalis na kami.

Nang makarating kami ay sinalubong kami ni tita meldy.

"Good evening, gab" masayang bati ni tita meldy.

"Good evening po, tita" bati ko naman.

"Diba sabi ko naman sayo mama na lang ang itawag mo sa akin" sabi niya, ngumiti naman ako at tumango.

Nang makapasok kami nakita ko naman si Irene, nandun din si greg katabi niya, umupo naman kami ni Imee sa upuang nasa harap nila.

"Ganda talaga ni ate gab" bulong ni sandro kay matthew, pero narinig ko naman.

"May girlfriend ka na ba gab?" tanong ni greg.

"Uhm hindi naman tayo close para tanungin mo sa akin yan" sabi ko.

"Sagutin mo na lang, madali lang naman sagutin" sabi niya, inirapan ko ito tsaka sumagot.

"Wala pero may gusto ako" sabi ko.

"Kilala ko ba yung gusto mo?" tanong ni greg.

"Kilalang kilala" sagot ko, napatingin naman siya kay Irene.

"Let's eat" sabi ni mama meldy, kaya nag dasal na kami. tapos kumain.

"Gab, kumusta maging boss si Irene?" tanong ni kuya bong.

"Okay naman kuya, minsan nagiging dragon" sabi ko, natawa naman sila.

"Gab, hindi tayo papasok bukas ha" sabi ni Irene, tumango naman ako.

"Gabbi, pwede ka ba bukas?" tanong ni Imee, sasagot na sana ako pero..

"No! May kailangan kaming puntahan bukas" sagot ni Irene, kumunot naman ang noo ni Imee.

"Ha?! Ang akala ko hindi kayo papasok?!" Inis na tanong ni Imee.

"Papasok na pala kami! Marami pang papers ang kailangang pirmahan!" sabi ni Irene.

"Okay! Edi sa susunod na lang gabbi ha" sabi ni Imee, ngumiti naman ako.

"Gabbi! Huwag kang mala-late bukas kundi patay ka sa akin!" sabi ni Irene, inirapan ko na lang siya.

Nagpatuloy na kami sa pagkain, pagkatapos pumunta kami sa garden.

"Kamusta sila tito gabriel? Gabbi?" tanong ni kuya bong.

"Okay naman sila kuya" sagot ko.

"Okay, bakit ka nga pala nag trabaho kay Irene? hindi ba't CEO ka" sabi niya.

"Medyo na-bored kasi ako" sabi ko, natawa naman sila.

"Mama meldy, pwede ko na po bang pakasalan si Irene?" tanong ni greg.

"No! Greg hindi ka pa nga sinasagot ni Irene papakasalan mona!" at tsaka huwag na huwag mo akong matawag- tawag na mama dahil hindi naman kita anak" sabi ni mama meldy tapos inirapan si greg.

"Magiging manugang niyo naman po ako dahil ako ang future husband ni irene" confident na sabi ni greg.

"Nanaginip ka ata nang gising, hindi ikaw ang magiging asawa ni Irene kundi si gabbi" sabi ni mama meldy.

"Ay wow! Desisyon yarn?" sabi ni Imee.

"Tse! Manahimik ka josefa kung ayaw mong ibalik kita sa sinapupunan ko!" sabi ni mama meldy, napatahimik naman si Imee.

"hahaha! tiklop ka pala kay mama eh, tapos sa iba ang taray taray mo!" sabi ni bonget.

"Tse! Isabit kita sa windmill eh" sabi naman ni Imee, natawa na lamang sila bonget.

"Paano po mauna na ako" sabi ko.

"Sige ipapahatid na kita kay Irene" sabi ni mama meldy.

"Hindi na po, mag papasundo na lang po ako kay manong jesse" sabi ko.

"Naku! Huwag na nagpapahinga na 'yun gabbi, huwag mo nang tawagan" sabi ni mama meldy.

"Oo nga ihahatid na lang kita" sabi ni Irene habang nakangiti.

"Hays sige na nga" sabi ko, lumapit naman ako kila mama meldy tapos niyakap ko sila tsaka kami umalis ni Irene.

𝙼𝚢 𝙱𝚘𝚜𝚜 𝚒𝚜 𝙼𝚢 𝙴𝚡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon