Irene's POV:
"Lumayas-layas ka rito sa opisina ko! Wala kang kwenta! Dumbass!" Singhal ko sa empleyado ko.
Mangiyak-ngiyak naman siyang lumabas sa opisina ko, napahilot naman ako sa sintido ko dahil ang ta-tanga ng mga empleyado ko.
Bigla namang pumasok si Gabbi na hindi maipinta ang mukha.
"What was that?" Walang emosyon niyang tanong kaya nagtaka ako.
"Ang alin?" Tanong ko at tumayo tsaka ako lumapit, hahawakan ko sana ang mukha niya nang bigla niyang tinabig ang kamay ko.
"Irene, ano bang ginagawa mo sa empleyado mo? Huwag mo naman siyang sigawan. Tao lang siya, nagkakamali rin." Mahinahon niyang saad.
"I'm sorry, nadala lang ako ng emosyon ko. Masyado kasi siyang bobo!" Saad ko.
"Ayan ka na naman Irene, hindi ako natutuwa sa lumalabas na mga salita diyan sa bibig mo" Saad niya, at tumalikod sa akin. Aalis na sana siya nang bigla ko siyang yakapin.
"Love, I'm sorry. Pagod lang talaga ako. Hindi ko na uulitin" Saad ko at idinampi ang aking labi sa kaniyang balikat.
"Okay, fine. Basta huwag mo na lang ulitin" Saad niya.
Humiwalay naman ako sa kaniya at umupo ulit sa swivel chair ko.
"Wait, bakit parang ikaw ang nagiging boss dito? Diba secretary kita?" Saad ko.
"Bakit may angal ka ba, Irene?" Tanong niya habang masamang tingin ang pinupukol sa akin.
Sumenyas naman ako na lumapit siya sa akin at umupo sa lap ko. Buti na lang at sumunod siya.
"Love, mag-vacation kaya muna tayo sa santorini for 4 days?" Tanong ko sa kaniya.
"No Irene, marami ka pang trabaho rito sa philippines." Saad niya.
"Love naman, minsan lang e." Reklamo ko.
"Hays, sige na nga. Kailan ba ang alis natin?" Saad niya, napangiti naman ako.
"Bukas na bukas Love" Nakangiti kong saad.
"Sige, sige. Babalik na muna ako sa table ko. Dadalhin ko rin dito yung mga papers na kailangan mo pang pirmahan" Saad niya, tumango naman ako bago ko siya halikan sa labi.
Isa pa 'yon sa nagustuhan ko sa kaniya. Yung kaya niya akong pakalmahin.
I love her very much.
Gusto ko na siyang pakasalan at anakan. Mga lima gano'n.
Joke lang. Her body her choice naman. Pero kung gusto niya rin ng lima... Arat na.
I love her to the point na kaya kong isakripisyo lahat mahalin niya lang ako.
Ayokong mawala ulit ang babaing pinakamamahal ko. Never na akong papayag. Magka-matayan na kung magka-matayan pero hinding-hindi ko siya iiwan.
Wala akong pakielam sa mga taong homophobic na 'yan. Love is love. Walang masama sa pagmamahal. Basta mahal niyo ang isa't isa ipaglaban niyo huwag niyong sukuan ang isa't isa.
Huwag niyo akong gayahin na nagloko dati kasi naging busy ang girlfriend. But don't worry nagbago na ako. Kaya kong baguhin ang sarili ko mag-stay lang si Gabbi sa akin.
Always remember boys/girls, cheating is a choice, it's not a mistake.
Huwag niyo hahayaan na maging option lang kayo ha. You deserve better. Huwag kayong magmadaling magmahal. Maraming lalaki or babae diyan sa tabi-tabi.
Huwag niyong hayaan ang sarili niyo na sumira nang pamilya. Masama 'yan mga pre/mare.
Basta ako, I love Gabbi.
BINABASA MO ANG
𝙼𝚢 𝙱𝚘𝚜𝚜 𝚒𝚜 𝙼𝚢 𝙴𝚡
FanfictionPaano kung hamunin ka ng iyong ama na mag trabaho sa dati mong nobya, para maka-alis ng pilipinas, papayag ka ba? Lahat po ng nangyari dito ay gawa-gawa lamang po ng imahinasyon ng tagasulat. Maraming salamat.