Chapter 7

584 71 4
                                    

Gabbi's POV:
Gusto ko mang umalis ay hindi ko magawa lalo't walang mag-aalaga sa kanya, pagkatapos kong magluto umakyat agad akong.

"Babe, ano yan?"-Tanong ni Irene.

"Porridge, tsaka kare-kare, pero una mo munang kakainin yung porridge"-Sabi ko tumango naman siya, si aling marina naman bumaba na.

Lumapit ako sa kanya, siya naman kukunin yung porridge.

"Akin na nagugutom na ako"-Sabi ni Irene.

"No ako na"-Sabi ko.

"Pero"-Sabi niya.

"Wala nang pero-pero"-Sabi ko, ngumiti na lamang siya.

Inumpisahan ko na siyang subuan, maya maya may tumapon sa baba ng lips niya kaya kumuha ako ng tissue at pinunasan ito.

"Thank you"-Sabi ni Irene.

"Para saan?"-Tanong ko.

"For taking care of me"-Sagot niya.

"Walang anuman Irene, diba sabi ko naman sa’yo bago tayo mag hiwalay nandito ako hindi lang bilang ex-girlfriend mo kundi bilang kaibigan mo rin"-Sabi ko, nilapit niya naman yung mukha niya tapos hinalikan ako sa pisngi.

Natapos na niyang kainin yung porridge kaya kumuha muna ako ng rice kasi nga kakain siya ng kare-kare.

Nang makakuha na ako ng Rice ay pinakain ko na siya.

"Ang galing mo pa rin mag luto, babe!"-Sabi ni Irene.

"Thank you"-Sabi ko naman.

Nang matapos siyang kumain, ibinaba ko na ito tapos umakyat na ulit ako.

"Hindi ka paba inaantok Irene?"-Tanong ko.

"Inaantok na"-Sagot ni niya.

"Matulog ka na dyan, nandito lang ako sa couch nagbabantay sa’yo"-Sabi ko sabay ngiti.

"No! Tabi na tayo please alam mo namang hindi ako sanay na walang katabi eh"-Sabi ni Irene.

"Hays sige na nga pasalamat ka mabait ako"-Sabi ko, natawa naman siya, tumabi na ako sa kanya.

Kinuha niya naman yung braso ko tapos pinatong niya dun yung ulo niya, kaya niyakap ko na lang siya at dun na kami nakatulog.

Greggy's POV:
Medyo natagalan ako sa bahay ni veron (Greggy's mistress) mapilit kasi siya na mag stay muna ako eh kaya ngayon pa lang ako pupunta sa bahay ni Irene.

Nang makarating ako sinalubong ako ni aling marina, yung kasambahay niyang bwisit sa buhay ko sumbongera!

"Hoy tanda! Nasan si Irene!?"-Tanong ko.

"Nasa room niya po sir"-Sagot naman nito.

Agad akong pumunta sa room ni Irene at ang nadatnan ko dun ay mag kayakap sila ni gabbi kaya medyo nag init ang ulo ko, lumapit ako sa kanila tapos tsaka ko hinila pababa ng kama si gabbi kaya naman bumagsak siya at nagising si Irene.

"Ouch"-Sabi ni Gabbi.

"Greg ano bang problema mo?!"-Galit na tanong ni gabbi.

"Anong gusto mo matuwa ako na nakita ko kayong mag kayakap?!"-Sabi ko.

"Greg ano ba! Walang malisya yun tsaka inaalagaan niya lang ako"-Sabi ni Irene.

"Inaalagaan bakit may sakit ka ba!?"-Tanong ko.

"Meron greg, may lagnat yung girlfriend mo"-Sabat ni Irene.

"Umalis ka na! Nandito na ako, maninira ka pa ng relasyon eh"-Sabi ko kay gabbi.

"Sige, mauna na ako Irene marami pa kasing gagawin sa office eh"-Sabi ni gabbi.

Hindi na sumagot si Irene, si gabbi naman kinuha yung bag niya tapos umalis na.

Nag-away naman kami pagkaalis niya.

Gabbi's POV:
Habang nasa byahe ako medyo naramdaman ko yung sakit ng balakang ko grabe kasi yung pagkahila ni greggy bwisit!

Parang tanga! Inaalagaan na nga yung girlfriend niya nagalit pa!

Bigla namang may nag text, traffic naman kaya tinignan ko na.

*/Ex-girlfriend

"Hey! I'm sorry"-Irene

"Sobrang sorry nadamay ka pa"-Irene

"Huy! Mag reply ka naman oh"-Irene

"Galit ka ba sa’kin? Sorry talaga sorry"-Irene

"No I'm not mad at you Irene, okay lang ako, pahinga ka dyan"-Gabbi

"Okay ingat ka I love you"-Irene

"Thank you"-Gabbi

*/End

Nang matapos kaming mag-usap ay nag green light na kaya nag maneho na ako.

Nang makauwi ako sinimulan na naman nila akong asarin.

"Bunso, gosh bakit sa office niyo pa ginawa ni Irene"-Sabi ni kuya nathan.

"Oo nga, ang alam ko hindi naman sound proof 'yon"-Sabi naman ni kuya tyler.

"Nilumpo ni Irene hahaha"-Pang-aasar ni kuya lorenzo at kuya max, nakitawa naman sila kuya tyler at nathan kaya pinaghahampas ko sila.

"Tse! Hinila lang ako ni greggy"-Sabi ko na ikinagulat nila.

"What?! sira ulo 'yon ha"-Galit na sabi nilang apat.

"Chill! Sige na akyat na ako"-Sabi ko at akmang aalis na.

"Huy! Spill the tea"-Sabi nitong mga chismosong ito.

"Tse! Mag timpla kayo ng tea dun"-Sabi ko, natawa naman sila.

Tsaka ako umakyat, at naligo, pagkatapos natulog na ulit ako ayoko kasing pumasok lalo't masakit yung balakang ko pero bukas papasok naman ako.

𝙼𝚢 𝙱𝚘𝚜𝚜 𝚒𝚜 𝙼𝚢 𝙴𝚡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon