Chapter 2: Your Happiness Is My Pain

125 15 0
                                    

Chapter 2: Your Happiness Is My Pain

Author's Note: Readers, I don't own the photos. I just got it from Google and from the photo albums of my friends on Facebook, and I edited the others yung nakikita niyo sa mga cover ng bawat chapter. Baka kasi ma-plagiarized ako HAHA

Yung kahit nasasaktan ka na sige ka pa rin para lang sa happiness ng taong mahal mo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Yung kahit nasasaktan ka na sige ka pa rin para lang sa happiness ng taong mahal mo. Kahit durog na durog ka na pilit mo pa ring binubuo ang mag basag na mga parte ng puso mo.

Ang hirap nu? Minsan tuloy naiisip mong unfair ang mundo. Kasi yung taong mahal mo may mahal na iba. Minsan tuloy natatanong mo sa sarili mo kung "wala na ba akong karapatang sumaya?" tapos mapapamukmok ka nalang sa isang tabi ang mapapabuntong hininga.

- Lai Villarosa

Sofia's POV

It's Saturday, no class! Haaay sarap buhay. Nakahilata pa rin ako sa kama ko kahit pasado 9 na ng umaga. Naisipan ko manood ng movie sa phone ko kaya kinuha ko ang headset ko sa ilalim ng unan. Hinanap ko ang Insidious 3, since hindi pa siya available dahil kakapalabas lang niya last 2 months pinanood ko nalang ang trailer. Seryoso akong nanonood nang biglang may dumagan sakin. Nagulat at napasigaw tuloy ako!

"Aaaaahhhhhh!!!"

"Aray ko yats! Sakit talaga sa tenga ang boses mo."

Leche! Si Mikko lang pala to! Aaaarrrggghhh!

"Ano ba??? Ang bigat mo! Umalis ka na nga dyan! Baboooooy!"

Daganan ba naman ako? Gago talaga to e. Kung di ko lang talaga to mahal. Nakooo talaga naman!

"Hahahaha beastmode ka na naman, relax."

"Eh bakit ka ba kasi nandito?"

"Bakit? Ayaw mo?"

Gusto! Gustong gusto. Yan sana ang gusto kong isagot. Kaso alam niyo na, hindi pwede. Sigh.

"Ewan ko sayo! Sabay walk-out."

"Hoy. Di ba pwedeng namiss lang kita?"

Juskooo ayokong kiligin pero di ko mapigilan.

"Sos! Kinilig ka naman? Joke lang uy hahahahahaha."

"Pakyu ka! Umuwi ka na nga. Sinisira mo araw ko e. Hello? Rest day ko kaya ngayon tapos andito ka nanggugulo."

"Eh namimiss kasi kita."

Love Over FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon