Chapter 17: Permission

45 3 0
                                    

Chapter 17: Permission

Mikko's POV

Culinary Arts Class

Pinapa-review kami ng prof namin dahil may long quiz daw kami mamaya. Kaso tinatamad ako e, wala na naman kasi ako sa mood. Maglalaro nalang muna ako ng COC, nasa labas pa naman si sir e.

"Chubs, busy ka dyan ah. Di ka ba magre-review?"

Tanong sakin ni payatot na may hawak pang notebook.

"Hindi. Wala ako sa mood magbukas ng libro o kwaderno."

"Naks, lalim ng kwaderno mo ah haha."

Haha loko to ah.

"Haha bakit ba? Inaano ka ng kwaderno ko?"

"Wala! Pero ikaw nasa harapan mo na oh, kulang nalang kalabitin ka para buksan mo siya."

"Eh kahit buksan ko yan wala naman akong mababasa dyan. Diba nga hindi naman ako nagsusulat."

"Ay oh nga nu."

"Alam niyo ang ingay niyong dalawa! Pwede ba kung magdadaldalan kayo doon kayo sa labas?"

Sabi sa amin ni Kris na nakakunot na naman ang noo. Di aabot ng 25 'to kulubot na talaga noo nito hahaha.

"Muka mo Kris, wag kami haha."

Sabat naman ni Fia haha.

"Hey? You guys are so annoying! Diba pina-review tayo ni sir diba? Can't you see everyone's busy reviewing here?"

Arte talaga ng Camille na 'to! Kung di lang 'to babae matatamaan na sakin 'to e.

"Sorry ha? Kakahiya sayo. Sige tatahimik na kami. Galingan mo mamaya sa long quiz ha? Sana ma-perfect mo."

Tsss. At inirapan pa niya ako. Epal!

"Chubs, wag mo nalang patulan."

"Mahinang sabi sakin ni Fia."

Di ko nalang pinansin. Ayokong magsayang ng oras sa babaeng papansin. Nakakabakla!

Kris's POV

Pinapa-review kami ng prof namin, magbibigay kasi siya ng long quiz. Dahil mabait ako syempre nagre-review ako. Kaso itong si Sofia at Mcqualay ang ingay! Sarap nila pag untugin! Palibhasa parehong matatalino. Eh kamusta naman ako diba? Kailangan pa talaga mag-aral ng mabuti para pumasa.

"Alam niyo ang ingay niyong dalawa! Pwede ba kung magdadaldalan kayo doon kayo sa labas?"

Sabi ko sa dalawa habang nakakunot ang noo ko. Galit galitan kuno hahaha.

"Muka mo Kris, wag kami haha."

Sabat naman nitong si Fia. Aba aba!

"Hey? You guys are so annoying! Diba pina-review tayo ni sir diba? Can't you see everyone's busy reviewing here?"

Oh isa pa 'to! Ang pinakaepal sa buong university. Wow teh? Hiyang hiya kami sayo! Kala mo naman naaabsorb talaga ng utak mo yang binabasa mo nu? Don't us! Iba nalang please!

"Sorry ha? Kakahiya sayo. Sige tatahimik na kami. Galingan mo mamaya sa long quiz ha? Sana ma-perfect mo."

Buti nga sayo! Go Mcqualay! Tingnan natin yang kaartehan mo mamaya Camille!

"Chubs, wag mo nalang patulan."

Sabi naman ni Sofia sa kanya sa mahinang boses. Ito talaga pinakamabait sa klase e. Pinatid na nga siya nung nakaraan, aba wala lang sa kanya!

Love Over FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon