Chapter 11: Feb-Ibig Month (Kilig Is In The Air - Part 1)

68 11 0
                                    

A/N: Sorry medyo late na itong Valentine's part na ito. Naisip ko kasi para hindi naman boring yung flow ng story pag walang mga event. Gets niyo? Basta yun na yun haha. Di pa naman tapos ang February e, kaya pwede pa humabol.

Chapter 11: Feb-ibig Month (Kilig Is In The Air- Part 1)

After a month

Nemiel's POV

February na naman. Naglilipana na ang mga jejemon couples sa tabi-tabi haha. Pati mga flowers, chocolates at stuffed toys kahit saan ako lumningon, meron! Pak*u uy. Di uso sakin ang ganyan. Matutulog nalang ako buong araw sa Valentine's day. Ang korni kasi ng araw na yun.

Papasok na ako sa classroom. Nakita si Mikko at Sofia magkasabay. Hmmm don't tell me sila na? Di pwede! Di talaga sila bagay! Hindi ko alam kung bakit e, di ko ma-explain. Basta ayoko sa babaeng yan. Sinalubong ko sila bago pumasok.

"Uy pre, kayo na?"

"Gag* hindi! Loko ka talaga e nu? Pumasok na nga lang tayo."

Nauna ng pumasok si Sofia. Di niya ako pinapansin. Dati naman binabati niya ako e.

"Kinaklaro ko lang."

"Ewan ko sayo, bahala ka nga dyan."

Pumasok na rin si Mikko at sumunod na ako. Pansin kong hindi tumabi si Sofia kay Mikko, lumipat siya sa ibang upuan. May tampuhan ba sila? Eh bakit sila magkasama pumasok? Gulo ng dalawang 'to.

Umupo nalang ako sa upuan ko. Nilapitan naman ni Mikko si Sofia.

"Yats, ba't nandyan ka?"

"Ah eh dito lang muna ako."

"Bakit nga? Ayaw mo ba tumabi sakin?"

Tapos tumingin sakin si Sofia.

"Mas comfortable ako dito. Sige na dun ka na umupo sa likod, okay lang ako dito."

"Sure ka ha?"

Tumango lang siya sabay bukas ng libro niya at nagbasa. Anyare sa babaeng yun? Nakakahalata na ba siya na ayoko sa kanya para kay Mikko? Sana. Para layuan na niya tong kaibigan ko. Tssss.

Mikko's POV

Pagpasok namin ng room hindi tumabi si Fia sakin kaya nilapitan ko siya.

"Yats, ba't nandyan ka?"

"Ah eh dito lang muna ako."

"Bakit nga? Ayaw mo ba tumabi sakin?"

Tapos tumingin siya kay Nemiel.

"Mas comfortable ako dito. Sige na dun ka na umupo sa likod, okay lang ako dito."

Alam ko na kung bakit ayaw tumabi sakin to. Naalala na naman niya yung sinabi ni Nemiel. Hay nako. Naiipit ako sa dalawang to.

"Sure ka ha?"

Tumango lang siya sabay bukas ng libro niya at nagbasa. Umupo nalang din ako sa upuan ko katabi si Nemiel. Bigla namang bumukas ang pinto, sabay pasok ni sir Tamayo.

"Good morning everyone."

"Good morning din sir."

Sabat naming sabi lahat.

"Hindi ako magpapa-exam sa inyo."

Biglang naghiyawan ang lahat.

"Hep hep! Quite please."

Tumahimik kaming lahat.

"May ipapagawa ako sa inyo."

Sabay sabay naman kami nag "haaay" lahat.

"Since love month na, magkakaroon tayo ng event sa buong school. Since isa ako sa mga organizer, I need your help. Hindi ko naman kasi kaya lahat pag sabay sabayin ang mga gawain ko, dahil iisa lang utak ko guys. Tao lang din ako. At dahil lalaki ako, di ako magaling sa pagdedecorate, tulungan niyo akong mag-isip ng decorations, mga games o kahit anong pakulo. Pwede?"

Sumigaw si Krismary.

"Sige sir, no problem. Si Sofia po, magaling sa ganyan."

Halata sa mukha ni Fia ang pagkagulat. Nagtinginan sila dalawa. May sinisinsyas si Kris kaya di nalanh umimik si Fia.

"Ah sir, tutulong na ako kay Fia at Kris. Kami na sa mga decorations. Sama na namin si Nemiel."

Magrereact pa sana si Nemiel nang siniko ko siya kaya sumimangot nalang ito.

"Okay, great!"

Tumayo naman si Jake.

"Eh sir kailan po yung event na yan?"

"On Saturday, sa 13."

"Sige sir, kami na po bahala sa music."

"Hay salamat. Oh sino pa magvovolunteer?"

At nagsipag volunteer na ang lahat. Syempre nu, ang saya kaya nun walang exam! Haha

Maya-maya pa binigyan kami ni sir ng budget pambili ng pang decoration. Saktong paglabas namin ng room nag announce din na wala ng pasok dahil may biglaang meeting para daw sa gaganaping love event at intercollegeate cooking contest next week. Eh di ang saya!

Sofia's POV

Magkasama kami nina Mikko, Krismary at  Nemiel ngayon sa flower shop. Namimili kami ng flowers na magandang e-decorate sa gym para sa love event next week. Magpapa-reserve kami para di na kami mahirapan. Medyo nakakailang nga, ayoko kasing kasama si Nemiel. Ayaw niya kasi sakin. Pero no choice, ayaw din kasi silang mapaghiwalay dalawa ni Mikko! Parang kumbal tuko kapag may task.

"Sofia, halika."

Lumapit ako kay Krismary.

"May napili ka na?"

"Eh kung red and white roses na lang kaya ang gamitun natin? Since yun naman ang kulay ng Valentine's. Tapos mag dagdag nalang tayo ng mga green plants. Okay ba yun sayo?"

"Okay din naman."

"Oo tapos magpakat din tayo ng mga red roses sa carpet mula entrance hanggang sa loob."

Sabi naman ni Mikko na nasa likuran ko pala. Binigay niya sakin ang hawak niyang red rose. Tinanggap ko naman ito syempre haha.

"Ahem ang sweet ha. Sa Sunday pa ang mismong Valentine's guys, di pa ngayon."

Tumawa si Mikko. At umiinit naman ang mukha ko. Waaaa sana hindi ako nagbublush!

"Alam niyo nagdududa na ako sa inyong dalawa."

"Bakit?"

Tanong ni Mikko.

"Sabi niyo mag bestfriends lang kayo. Maniniwala na sana ako e, kaso you guys act like you're in a relationship. Hindi kayo mukang magkaibigan lang."

Nagreact na ako.

"Napakaano mo talaga Kris. Dami mong alam!"

Natatawa na naiinis ako kay Kris. Ang daldal talaga ng babaeng 'to.

"Hahaha madami talaga akong alam, nabasa ko kaya yung nasa notes mo sa phone! Hahaha."

Sabay alis.

"Hoy anong--"

"Yats, may tinatago ka ba sakin?"

Napaharap naman ako kay Mikko.

"Ha? Wala ah."

"Weee? Patingin nga ng notes mo sa phone."

Kukunin niya sana yung phone ko na hawak ko pero iniwas ko ito. Tinalikuran ko siya at itinaas ko ang kamay ko para di niya makuha ang phone ko. Pilit niya pa din kinukuha sakin, ayoko talaga dahil mabubuking niya ako. Waaaaa patay talaga ako at mapapatay ko din si Kris!

"Akin na kasi para matapos na tayo."

"Ayoko! Wala naman kasi e. Niloloko ka lang ni Kris. Baliw kaya yun."

"Anong wala? Meron! Kasi kung wala ibibigay mo sakin ang phone mo. Dali na!"

"Ayokoooo ngaaa kasiiiii."

"Ah ganun?"

Kiniliti niya ako ng kiniliti na para na akong mamamatay.

"Chubs haha tama na hahahaha please ano ba hahaha waaaa parang awa mo na hahahaha."

"Haha ayoko nga. Ibigay mo muna kasi sakin ang phone mo."

"Hahaha ayokoo waaa tulong!"

Biglang dumating si Kris.

"Hoy! Tigilan niyo na yan. Nilalanggam na kayo oh. Umalis na tayo dahil bibili pa tayo ng mga materials. Si Nemiel nalanta na sa labas kakahintay sa atin."

Haaay salamat at dumating tong baliw na to at tinigilan na rin ako ni Mikko kakakiliti! Saved by Kris! Hindi ko na siya  mapapatay hahahahaha. Pero infairness kinikikig ako haha. Yung feeling na para kaming magsyota na naghaharutan. Aww haha ayeeeeh.

Inakbayan ako ni Mikko palabas ng flower shop. Pero inalis ko ang kamay niya kasi andyan ang kontrabidong si Nemiel. Hay nako! Panira ng moment!

***
Nag taxi kami papunta sa isang store na puro school supplies ang tinda. Mamimili kami ng ibang materials. Kami ni Mikko nakatuka sa mga styro na gagawing mga hearts at mga pintura. Sila Nemiel at Krismary naman sa mga cartolina, glitters, glue, etc.

"Chubs, paabot naman nung styro please."

Ang taas kasi ng kinalalagyan, e hindi naman ako biniyayaan ng masyadong mataas na height.

"Hindi ko rin abot e. Wala ding patungan.  Kargahin nalang kita, tapos ikaw nalang kumuha."

"Okay sige."

Hinawakan niya ako sa bewang tapos inangat. Inabot ko naman ang mga styro.

"Kunting angat pa chubs maaabot ko na."

Nung naabot ko na, bigla namang sumulpot si Krismary.

"Hoy! Ano naman ang ginagawa niyo?!"

Pareho kaming nagulat kaya nabitawan ako ni Mikko at nahulog ako ng wala sa oras!

"Aray ko! Ang sakit ng pwet ko!"

"Sorry yats, di ko sinasadya. Ikaw kasi Kris! Para kang kabote biglang sumusulpot!"

"Hahaha sorry. Peace guys!"

Tinulungan ako ni Mikko na tumayo.

"Kakalbuhin talaga kita Kris!"

"Haha sorry na kasi. Ito na kasi si kuya oh, siya nalang kukuha ng mga styro."

Lumapit sakin si kuyang may dala ng hagdan. Siya na kumuha ng mga styro oara sa amin. Nag thank you kami saka nagbayad sa cashier at umalis na.

***
Matapos ang 8 hours na pamimili para na kaming mga lantang gulay dahil sa oagod at gutom. Ginabi na nga kami e. Pero atleast nabili na namin lahat ng mga kailangan. Hinatid muna namin sa stick room ng gym ang mga materials at kukunin nalang namin yun pag nag decorate na kami.

Dahil gutom na gutom na kami, dumaan muna kami ng Shakey's para kumain. Nag order kami ng dalawang box ng pizza, apat na carbonara at buttered chicken. Kukuha na sana ako ng pizza pero pinigilan ako ni Mikko.

"Ako na kukuha. Chill ka lang dyan."

Luh? Para kukuha lang e, abot ko naman.

"Ehem."

Si Nemiel yun, ang kontrabido. Tapos siniko siya ni Kris.

"Bakit?"

"Ay ang sungit. Sorry, di ko sinasadya."

Haha mukang nakahanap ng katapat si Nemiel. I love na talaga Kris wahaha. Push mo yan.

Tahimik lang kaming apat habang kumakain. Syempre gutom na gutom na e haha. May sarili kaming mga mundo pag pagkain na kaharap namin.

***
Nang matapos na kaming kumain, hinatid na nila ako sa sakayan. Ihahatid pa sana ako ni Mikko kaso sabi ko wag nalang kasi pareho naman kaming pagod. Naawa din naman ako sa kanya.

"Di naman masakit butt mo?"

Tanong sakin ni Mikko.

"Hindi na."

"Good. Sige na sumakay ka na, aalis na din kami."

Bago siya umalis, he kissed me on the forehead.

"Bye, ingat!"

Tapos naiwan ako dun na nakanganga! Totoo ba yun? Kurutin niyo nga ako, dali! Waaaa kinikilig ako hahaha enebeyen. Parang nawala lahat ng pagod ko haha.  Bakit ang sweet niya sakin? Kanina ko pang umaga napapansin! Anong sunod nito? Liligawan na ba niya ako? Wahaha assuming! Okay oa na. Makauwi na nga  lang. Kung ano-anu na pumapasok sa isip ko e.

***
End of Chapter 11
***

Love Over FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon