Chapter 23: Struggles

54 1 0
                                    

Chapter 23: Struggles

Sometimes even though you're in a very complicated situation and you're struggling too much, you still want to be with that someone who made your day because you know it's still worth it and it's better than staying away from her or him without saying anything that will made her or him worried about you.

- LaiVillarosa

Sofia's POV

Ang bilis ng araw. Tapos na ang maliligayang araw ko, tapos na ang summer huhu iyak na! Sleepless nights ayan na naman. Pero sige lang, tiis-tiis para sa ekonomiya. 2 years nalang at makaka-graduate na ako.

First day of school

As usual, magkaklase pa rin kaming tatlo ni Kris at Mikko. Aay may pang apat pa pala, si Nemiel na laging panira ng araw ko. Kung papipiliin ako, mas gusto ko pang maging kaklase si Drew kesa sa Nemiel na to. Ughhh.

***Phone Ringing***

Speaking of Drew, ayan na nga siya. Tumatawag na. Since wala pa ang prof namin, sinagot ko ito.

"Hello Drew. Napatawag ka?"

"Namiss kita e. It's been a while na hindi tayo nagkita."

Hala siya oh!

"Haha eh bakit kasi di ka na nagpaparamdam?"

Ooopss baka ma-misinterpret niya yung tanong ko. Baka isipin niya namiss ko rin siya. Oh no!

"Uhm pasensya ka na. Medyo busy lang."

"Naks naman, may pinagkakabusy-han ka na ngayon ha."

"Haha no, it's not what you think. Family time, that's it."

"Ah. That's good. Uhm wala ka bang pasok?"

"Meron. Actually dumaan lang ako sa room niyo."

"Room namin? Wee? Nasa labas ka?"

"Yup. Pwede ka ba lumabas muna?"

"Ha? Ah sure. Wait."

Dali-dali akong tumayo sa kinauupuan ko. Tinawag ako ni Kris pero di ko pinansin.

Pagkalabas ko nakita ko agad si Drew nakangiti. Binaba ko na yung phone ko tapos lumapit siya sakin at niyakap ako.

"I missed you. Sobra!"

Hindi ako nakaimik. Kakaiba yung yakap niya. Sobrang higpit. Yung yakap na parang sign of goodbye. Napayakap na rin ako.

"Ang higpit naman makayakap. Baka may biglang manabunot sakin dito ha? Hehe."

Pabiro kong sabi sa kanya.

"Wala ah. Sobrang namiss lang talaga kita. I'm loyal to you."

Tapos kumalas na siya. He looked at me straight into my eyes. Yung mga mata niya parang nangungusap. Looks like may gustong sabihin pero hindi masabi.

"Are you okay?"

Iba kasi talaga ang aura niya ngayon. He looks so happy na nakita niya ako pero parang may nakatagong lungkot.

"Yes I'm okay. Don't worry. Uhm hintayin kita mamaya sa gate after class ha?"

"Sige. 5pm out ko."

"Good. Sige, gotta go. Pasok ka na ulit."

Tapos bumulong siya sakin ng...

"I love you and I always do."

Sabay kiss sa left chick ko tapos tumakbo palayo.

Love Over FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon