Chapter 12 : Kilig Is In The Air - Part 2

71 9 0
                                    

A/N: Hi sorry natagalan mag update. Sobrang haba kasi nito. Hinabaan ko talaga para sulit ang paghihintay niyo hihi. I need your feedback guys after niyong basahin to. Please? Haha oh sya, enjoy!

Chapter 12: Kilig Is In The Air - Part 2

Friday Night

Drew's POV

Hindi ko na naman nakikita si Sofia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko na naman nakikita si Sofia. Siguro ang dami na naman niyang ginagawa. Wala tuloy akong makausap. Siya lang kasi ang matino kong nakakausap. I'm a silent type of person. Bihira nalang ako makipag-usap sa iba ngayon. Naging loner  simula nung nawala sakin ang dating  girlfriend ko, si Zulia. Parang dun ko na-realized na mag lie low sa paggiging babaero, sa paggiging breezy, sa mga gawain kong hindi maganda. Kasabay nun nawalan ako ng mga kaibigan dahil nagbago na daw ako. Ginusto kong magbago dahil sising-sisi ako sa mga ginawa ko noon, lalo na kay Zulia.

Ayoko ng bumalik sa dating ako kasi ayoko ng makasakit pa. Pati pamilya ko halos sumuko na din dahil sakin. At gusto ko, pag nagmahal ako yung totoo na. Gusto ko wala ng lokohan, yung seryoso na. I want relationship not relationshit!

2nd year pa lang ako, taking up BSBA. 20 years old. Transferee ako. Kaka transfer ko lang dito last sem. Dapat graduating na ako this sem kaso yun nga winaldas ko lang ang binibigay sakin ng mga magulang ko pampaaral. Wala talaga akong interes sa pag-aaral. Hanggang sa binago ni Zulia ang lahat, pagkatapos niya akong iwan. Pero kahit na ano pang gawin ko, hinding-hindi na siya babalik.

Kung pwede ko lang talaga ibalik ang panahon, gagawin ko. Gusto kong itama lahat ng pagkakamali na ginawa ko. Kaso hindi na. Pero pwede pa akong gumawa ng tama ngayon at sa hinaharap.

***
Pumunta nalang ako ng gym. Lumingon lingon ako sa loob. Naglibot libot, hanggang sa may bumangga sakin at sa di inaasahang kamalasan, natapunan ako ng kulay pula na pintura. Nako po!

"Oh my gosh! I'm so sorry. Hindi ko sinasadya."

"Okay lang."

Buti nalang sa polo ko lang ang may madaming pintura na natapon. At buti nalang din may sando akong suot sa ilalim kaya pwede kong hubarin ang polo ko.

"Sure ka? Sorry talaga. Hindi kasi kita napansin e. Nagmamadali kasi ako."

"Oo, okay lang talaga. No worries. Pintura lang 'to."

Biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Kris, anong nangyari?"

Paglingon ko si Sofia pala may kasamang lalaki. Boyfriend niya ba 'to? Sana lang hindi.

"Ah eh natapunan ko siya ng pintura, nagmamadali kasi ako e. Hindi ko siya napansin kaya ayun."

"Uy Drew. Ikaw pala yan. Okay ka lang ba? "

"Okay lang ako. It's just a paint, harmless."

"Sure ka ha?"

"Yup. So magkakilala kayo?"

Love Over FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon