Chapter: 25

31 0 0
                                    

Sabi nila, pag mahal ka babalikan ka. Pero pag hindi, alam na!

- Lai Villarosa

Chapter 25: May Magbabalik

Kris's POV

Nagtataka na talaga ako kay Drew. Madalas ko siya makita na nanggagaling sa clinic. Tapos lagi siyang namumutla. At isang beses nakita ko siyang galing sa C.R. ng mga boys, nagpupunas siya sa bibig niya na may dugo! I have to know what's going on. May mali na talaga e, alam ko.

"Hoy!"

"Ay anak ng kambing!"

Nagulat ako ng biglang sumulpot si Fia.

"Nakakagulat ka naman e!"

"Nakakunot kasi noo mo at parang napakalalim ng iniisip mo. Anong meron?"

"Wa-wala. Inaantok lang ako. Tara coffee saglit. Treat ko!"

"Ha? Inaantok pero tulala? Ano yun?"

Napakamot nalang siya sa ulo niya. Ano ba naman kasing connect ng sinabi ko diba? Haha makalusot lang e.

***
@Bee's Coffee

"Fia, tanong ko lang. Ano ng score niyo ni Drew?"

"Score? Hmmm from 1-10, nasa 4? Parang ganun."

"Ha?? 4 pa lang?? Wala bang spark??"

"Parang. Ewan."

"Kasi di mo talaga soya kayang magustuhan??"

"Ganun na nga. Pag sinabing ideal guy, nasa kanya na lahat. Pero wala talaga akong maramdaman e. Pinipilit ko naman siyang mahalin, pero hindi ko talaga kayang turuan yung puso ko e."

"Sira ka talaga e! Kung tutuusin para ka ng naka-jackpot sa lotto."

"Oo nga Kris, alam ko naman yun. Nagi-guilty na nga ako e. Kasi yung mga ginagawa niya sakin di ko man lang masuklian. Hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kung ibigay sa kanya."

*sigh*

"Kawawa naman si Drew. Eh kung ako nalang sana diba? Ibibigay ko sa kanya lahat wag lang siyang mawala sakin."

"Sabihin ko?"

"Uy joke lang. Grabe ka."

Napapailing nalang siya. Ang hirap naman kasi. Kung ako naman siguro ang nasa posisyon, baka mabaliw na ako.

"Ay wait. Diba nabanggit mo na dati na mahal na mahal ni Drew yung ex niya? Ano nga bang pangalan nun?"

"Si Zulia. Oo. Yun sabi niya. Saka yun daw ang nakapagpabago sa kanya. From a total jerk to a good man. Galing nu? Lahat talaga ng tao may pag-asang magbago."

"Teka, medyo naguguluhan ako. Kung mahal pa niya, e bakit nanliligaw siya sayo? Hindi ba dapat makipagbalikan nalang siya dun? Kasi may kasabihan na pag mahal mo, babalikan mo."

"Baka hindi na. Hindi naman siguro manliligaw yun kung mahal pa niya. Saka hindi na rin niya nababanggit sakin e. Baka naka'move on na."

"Baka lang? Fia, natatakot ako ha."

"Bakit?"

"Baka kasi ginagawa ka lang niyang rebound. Baka ginagamit ka lang niya para maka'move on siya."

"Hindi naman siguro. Mukhang mabait naman siya e."

"Tsk. Paalala ko lang sayo, di mo pa siya ganun kakilala. Mag-ingat ka. Baka kung kailan matutunan mo na siyang mahalin, saka ka naman masaktan."

Love Over FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon