Chapter 16: Hindi Kumpleto Ang Storya Pag Walang Kontrabida

38 4 0
                                    

Chapter 16: Hindi Kumpleto Ang Storya Pag Walang Kontrabida

Camille's POV

KINABUKASAN

Nakakainis! Magkaklase na naman kami. I f*ck**g hate her! Lagi nalang siyang bida sa klase! Lagi nalang siyang nasasama sa mga estudyanteng pinupuri ng mga professors namin. Like hello? Wala na bang iba? Hindi ba nila ako napapansin? I can compete with her naman ah? D**! Matagal na akong nagtitimpi sa kanya, ngayon hindi ko na kaya! Papabagsakin ko siya!

***
Nang matapos na ang klase, sinadya ko talagang magpahuli. Hinintay ko muna siya na dumaan. Nakaupo lang ako malapit sa pintuan, pagdaan niya pinatid ko siya dahilan ng kanyang pagkadapa!

*Evil laugh in my mind*

"Ay tanga! Bitch kasi!"

"Yats, okay ka lang?"

Tanong sa kanya ni Mcqualay habang tinutulungan siyang makatayo.

"Anong sabi mo? Tanga? Bitch?"

Umepal naman 'tong si Kris! Pagbuhulin ko kaya silang dalawa? Leche!

"Ha? I mean ang tanga nang mga paa niya at sabi ko wag ka mag swimming dyan kasi wala ka naman sa beach."

Kunwari bait-baitan ako. Pwe!

"Talaga lang ha? Hindi kaya sinadya mo ang pagkapatid kay Sofia???"

Oo. Sinasadya ko! Sarap sabihin pero kailangan ko munang magbait-baitan sa ngayon.

"Ha? Makapagbintang ka naman. Okay sige sabihin nalang natin na napatid ko siya. Magso-sorry nalang ako para wala ng gulo."

Galing ko talaga umarte.

"No. You don't have to say sorry. Okay lang naman ako, hindi naman ako nasaktan e. Nothing to worry about."

Sos! Bait baitan ka rin e. If I know gusto mo ng gumanti, kung wala lang siguro si Mcqualay malamang sinabunutan mo na ako!

"Ah sige, I have to go. Bye."

Sabay labas ng room. Pakitang tao ka lang e, pwe! Nako nako nako talaga! Sarap niyang ibaon ng buhay! Nakakainis yung ugali niyang bait baitan na akala mo anghel pag nandyan si Mcqualay! Sige, e-enjoy mo muna ang mga araw na makakasama mo pa siya Sofia, kasi pag nalaman na niya ang totoo? Goodbye bestfriend, goodbye Mcqualay! At pag nangyari yun? Syempre madi-destruct ka na sa pag-aaral mo! Bababa grades mo at matatanggalan ka na ng scholarship! Tapos tuluyan ka ng babagsak Sofia! At ako na ang mapapansin lagi ng mga professors. Sa akin na ang atensyon ng buong klase! *Evil laugh*

Kris's POV

Break time

Nasa canteen kaming tatlo ni Sofia at Mcqualay. Kakain muna kami. May one and a half hour break pa naman kami e. Naiwan lang kami ni Sofia sa upuan, si Mcqualay na kasi ang o-order at magdadala pagkain para sa amin.

"Alam mo duda talaga ako sa Camille ma yun! If I know sinadya niya talaga yun e para madapa ka at mapahiya!"

"Sssh ano ka ba, sinabi na nga niya na hindi diba? Saka hayaan mo na hindi naman ako nasaktan e."

"Okay, palalagpasin ko muna yung ginawa niya sayo ngayon. Pero next time pag may ginawa na naman siya, I'm sure sinasadya na niya talaga yun at pag nangyari yun kakalbuhin ko na talaga siya! Hindi pa naman din siya kagandahan hahaha."

"Uy Kris sobra ka. Hindi lang talaga siya biniyayaan haha ooopss!"

"Haha kita mo, ikaw din nakapuna! Hahahaha totoo naman kasi. Hindi siya kagandahan kaya wag siyang magmaldita! Hahahaha."

Love Over FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon