Chapter 26

22 1 0
                                    

Mikko's POV

Pauwi na ako, hinatid ko lang si Fia sa kanila. Hindi naman kami napagalitan kasi nagpaalam naman ako kanina bago ko inaya gumala si Fia. Biglang tumawag sakin si Mikae.

"Kuya san ka na???"

Boses niya parang nag-aalala.

"Pauwi na. Bakit? Anong nangyari??"

"Kuya bilisan mo!"

"Ha? Ano ba talagang nangyari??"

Bigla niya akong binabaan. Takte!

"Manong pakibilisan nalang po ng kunti. Parang may emergency po sa bahay e."

Sabi ko sa taxi driver. Binilisan naman niya ang pagmamaneho kaya nakarating agad ako ng bahay. Dali-dali akong pumasok.

Nakita ko si mama na may kausap niya ang isang babae. Nakatalikod siya. Pero kahit ganun, kilalang kilala ko siya. Mixed emotions ang nararamdaman ko. Masaya na kinakabahan na ewan.

"Kuya!"

Lumingon siya. Sabay takbo sa kinaroroonan ko at niyakap ako.

"I miss you so much."

Speechless ako sa nakita ko. Hindi ko alam anong gagawin ko. Parang kailan lang pinapangarap kong umuwi siya dahil miss na miss ko na siya tapos ngayon nandito na siya, yakap ako kaya napayakap na din ako sa kanya ng sobrang higpit.

"May..."

*hugsss*

"Mikko... Andito na ako. Di na kita iiwan."

Parang mahuhulog ang puso ko sa narinig ko. Ang saya ko sobra! Nakatingin lang sila mama at Mikae sa amin pero umalis din sila agad.

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at nagkatinginan kami.

"Hindi ka ba masaya na nandito na ako? Kanina lang ako dumating at dumiretso na ako dito para makita ka."

Malungkot siya habang sinasabi niya ang linyang yun.

"Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayong nagbalik ka na. Sobrang miss na miss na kita. Akala ko matagal ka pang babalik. Malapit na akong mawalan ng pag-asa kakahintay sayo. Sorry."

Hinalikan ko siya sa noo.

"No, it's okay. Ako dapat ang magsorry sayo kasi masyado kitang pinaghintay. Pero ang importante andito na ulit ako. Di na ako aalis."

"Pero paano ang daddy mo?"

"Okay lang sa kanya, nagkausap na kami."

Speechless ulit ako. Niyakap ko nalang ulit siya para iparamdam ko sa kanya na gustong gusto ko siyang makasama. Yakap na parang ayoko ng matapos ang gabing 'to.

"Alam mo maganda ang gabi ngayon, tara sa garden niyo. Dali!"

Lumabas kami ng bahay at tumambay sa garden. Umupo kami sa mga damuhan at tumingin sa kalangitan.

"Ang ganda ng buwan niyo? Bilog na bilog. Buong buo siya."

"Parang puso ko. Buong buo na siya kasi nandito ka na."

Niyakap ko siya mula sa likuran. At naghawak kami ng mga kamay.

"Sana ganito nalang tayo lagi."

"Edi gawin natin lagi. Tambay tayo minsan sa rooftop ng bahay namin. Magdadala ng pagkain at inumin. Sabay nating titingnan ang kagandahan ng mga bituin at buwan."

"Sige ba. Namiss kitang kasama. Namiss kitang kausap ng ganito."

"Ako din naman. Sobrang namiss din kita."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Over FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon