Chapter 6: Pag Ayaw, Wag Pilitin.

89 12 2
                                    

Pag ayaw wag na wag mong pipilitin, masasaktan ka lang.

Chapter 6: Pag Ayaw, Wag Pilitin.

Mikko's POV

Wala ako sa mood ngayong araw na 'to. Mula pa kanina pag gising ko. And I feel so vulnerable right now. Napahilamos nalang ako sa mukha ng kamay ko!

Nag-absent ako ngayon kahit may quiz kami sa Culinary Arts class. Useless naman din kung papasok pa ako, e wala din namang laman ang utak ko ngayon. Saka isa pa baka masungitan ko lang lahat ng makita ko doon sa school.

Nasa terrace ako ng kwarto ko nagkakape. Ayokong lumabas. Gusto ko lang magmukmok dito at wala akong gustong kausapin. Galit ako sa mundo! Life is really really unfair! Lahat nalang ng importante sakin nilalayo sakin. Why life is so rude? What the h***!

I checked my phone. 40 missed calls and 50 text messages. Lahat galing kay Fia. Ang kulit niya! Binato ko ang phone ko sa kama. Ayoko siyang replyan. She's not my girlfriend anyway. Wag niya muna ako kukulitin ngayon, iba ako pag bad trip ako at alam niya yun!

Maya-maya pa may kumatok.

"Anak, baba ka na. Kumain ka na. Nagluto ako ng paborito mong buttered chicken."

Si mama pala.

"Busog pa ako ma."

"Kagabi ka pa hindi kumakain. Magkakasakit ka nyan."

"Ma naman. Di ka pa nasanay sakin."

"Pwede ba akong pumasok?"

Lumapit ako sa pintuan at binuksan ito. Emotionless ako sa harapan ni mama. Ayokong ipakita sa kanya ang totoo kung nararamdaman. I always hide everything to my family. Pero minsan nalalaman at nalalaman pa din nila. Lalo na si mama.

She stepped in my room. Bumalik ako sa terrace at sinundan ako.

"May problema ka? You can open up. I'm still your mom and you're still my son kahit na madalas tayong hindi magkasundo."

She's right. Pero nahihiya kasi ako. Hindi ako sanay sa ganito. Pero hindi ko rin napigilan, nagsalita na ako.

"Ma, ni minsan ba naranasan mo din iwan ng taong pinakamamahal mo? I mean si papa, naghiwalay na ba kayo bago kayo ikasal?"

"Oo, dati na rin akong naiwan, nadapa at syempre bumangon. At si papa mo ang naging sandalan ko noong mga panahong wala akong makakapitan. He's too good to be true. He taught me how to be strong and live life to the fullest. Tinuruan niya akong mahalin ang sarili ko sa kabila nang pag iwan sakin ng dating taong minahal ko."

"So ibig niyo po sabihin may one great love ka pala bago si papa? Eh ano pong nangyari?"

"Oo. Sobrang minahal ko yung taong yun. Pero iniwan niya ako. Sinabi niya isang araw pag gising niya, na-realized niya hindi na daw niya ako mahal. Iyak ako ng iyak noon. Pumunta ako sa tabing dagat. Doon ko binuhos lahat ng sama ng loob ko. I was so vulnerable that time, at doon ko nakilala ang papa mo. He was strolling there, nilapitan niya ako at binigyan ng panyo. Tapos doon na nagsimula ang lahat."

"Wow! Di ko akalain yun ma na may ganyan ka din palang pinagdaanan dati. But seriously, napahanga ako sa love story niyo. Papa is such a good and a loving person huh. God gave us him at nagpapasalamat ako na siya ang papa ko at ikaw ang mama ko. Thank you ma, thank you sa inyo ni papa."

"Walang ano man anak. Study hard. Yung hindi natin pagkakaintidihan, wag mong intindihin yun. I just want you to be a better person someday."

Niyakap ko si mama. I'm so  speechless!

Love Over FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon