Chapter 7: You're Drivin' Me Crazy

71 11 0
                                    

Wag naman puro lungkot nu? Tawa naman tayo. Life is too short to be unhappy. Ito para sa inyo. Sana kabagan kayo kakatawa! :D

Chapter 7: You're Drivin' Me Crazy

Third Person's POV

Pagkatapos ng asarang tagpo nila Sofia at Mikko kagabi, ito sila ngayon magkasama. Nasa bahay sila ngayon nila Mikko. Bonding ng mag bestfriends. Pareho silang walang pasok ngayon kaya naisipan nilang mag food trip pero sila ang gagawa ng food nila. Wala silang kasama sa bahay dahil nasa trabaho ang parents ni Mikko at nasa school naman ang bunsong kapatid niyang si Mikaela.

Sofia's POV

Nasa bahay kami nila Mikko ngayon. Walang ibang tao dito kundi kaming dalawa lang kaya solong solo ko siya ngayon. I can do whatever I want to do to him hahahahaha joke!

Ito nagluluto ako ng favorite namin, ang buttered chicken. Siya naman sa lava cake. Gagawa din kami mamaya ng macaroni salad. Hindi po kami mga patay gutom, trip lang talaga namin kumain ngayon haha.

Buti nga medyo okay na siya at pumayag siyang magbonding kami ngayon. Siguro na-realized din niya na di niya kailangan magmukmok, that life must go on. Halata naman diba? Inaasar na nga niya ako kagabi e. Pero okay lang, may kiss naman e hahaha. Landi!

"Hhmmm bango nyan yats ah."

Lumapit siya sakin habang nagluluto ako.

"Kasing bango ko?"

"Oo. Amoy butter at garlic ka na nga e. Ligo ka pagkatapos niyan ah? Nakakasuka e hahahaha."

"Ah ganun? Pasuin kaya kita dyan!"

"Hahaha pikon talaga to."

Bully talaga nu? Sarap niyang prituhin!

"Hahaha di na mabiro. Pero yats seryoso, para kang dessert."

Ano daw? Nabingi ako e. Ulitin niyo nga.

"At kailan pa ako naging pagkain?"

Makapambara lang e para di mahalatang kinilig kunti hahaha.

"Lakas mo din mambasag e nu?"

Hahaha barado siya!

"Hahaha seryoso pala yun? Oh sige. Bakit? Kasi sweet ako at masarap kasama?"

Di naman ako assuming nu? Hahahahaha

"Mali. Para kang dessert kasi they can imitate you but they can't duplicate you."

Shit! Kinilig ako dun ah. Hahaha napasmile tuloy ako ng wagas! Feeling ko nga namumula ako e. Yung parang bagong lutong hipon hahaha. Oops kakulay lang ng hipon, hindi kamuka hahaha.

"Weeh? What do you mean?"

"Teka, kanta ba yan? Nak-nak who's there? Hahahah."

Aba! Gumaganti.

"Sira! Okay na sana e. Binasag mo pa!"

"Gumaganti lang hahaha."

"Ah ganun?"

"Joke lang e haha. Syempre they can't duplicate you kasi you're unique. You one could ever replace you as my bestfriend."

Aray ko beh! Bestfriend lang pala, saklap. Joke haha.

"Naks. Ang sweet. Keneleg nemen eke den."

Nyahahaha oxygen please!

"Kinilig ka naman?"

Love Over FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon