Chapter 15: Secret Revealed

63 10 0
                                    

Chapter 15: Secret Revealed

Sofia's POV

4pm na, hayst kapagod pag may,pasok buong araw gumagana ang utak at katawan. 3 weeks nalang finals na. Kaya yung mga prof namin todo remind na magpasa na kami ng mga projects namin bago pa ang deadline. Oh nga pala, yung thesis ko hindi ko pa naipapasa. May 30 minutes break pa  bago ang nang class ko kaya lumabas muna ako para magpa-print at magpapa-book bind na din.

Pagdating ko ng internet café...

"Ate, pa-print po ako nito."

Binigay ko sa babaeng nagbabantay yung usb ko.

"Sofia?"

Napalingon ako. Shit! Si Drew na naman.

"Drew! Anong ginagawa mo dito?"

Infairness ang gwapo niya ha. Naka-uniform na talaga siya ngayon. First time ko siyang nakita na nakasuot ng uniform. Blue long sleeve polo, dark blue slacks and neck tie na kakulay ng slacks niya at naka-black shoes siya. Hmmm formal na formal ha. Gwapo! Pag nakita siya ni Kris laglag na naman panga nun! Haha

"Uhm kukunin ko yung pina-print ko."

"Thesis din ba yan?"

"Oo. Bakit mo alam?"

"Meron din kasi ako e. Ito nga hinihintay ko kasi magpapa-book bind ako."

"Ah ganun ba. Eh di sabay nalang tayo. May alam ako na mabilis lang. 2 hours makukuha na agad natin."

"Ah eh may pasok pa kasi ako. Sumaglit lang ako dito, wala kasi akong ginagawa."

"Okay. Gusto mo dalhin ko nalang? Ako na magpapa-bind nyan, tapos bigay ko nalang sayo bukas."

"Nako wag na! Nakakahiya naman."

"Wag ka na mahiya saka don't worry hindi ko sisirain ang thesis mo, iingatan ko yan. Tulad ng pag-iingat ko sayo."

"Ha?"

Ano daw guys? Medyo nabingi ako e.

"Ah wala sabi ko mag-ingat ka mamaya pag-uwi mo."

"Ahh o-okay. Ikaw din."

"Miss, okay na."

Sabi sakin ng babae na nagprint. Magbabayad na sana ako kaso...

"Ate, ako na po magbabayad. Pati yung akin."

"Drew, wag na. Ako na."

"No. I insist. Wag ka na magpumilit. Let me pay for this."

"Nakakahiya naman. Pero thank you."

"Your welcome."

Tapos biglang nag-ring ang phone ko. Kinuha ko sa bulsa ko at sinagot.

"Kris! Bakit?"

"Anong bakit? Gaga, asan ka na? Malapit na magstart ang klase."

"Oh my! Nagpapa-print pa kasi ako e. Wait, wag mo ibaba."

Hinarap ko si Drew.

"Drew, mauna na ako ha? Ay ito nga pala yung details, yung ilalagay sa cover nakasulat na sa papel."

Binigay ko sa kanya ng papel. Tinanggap naman niya ito.

"Sure. Ako na bahala sa thesis mo. Kita nalang tayo bukas. Take care."

Lumabas na ako at kinausap ulit si Kris sa kabilang linya.

"Hello Kris, nasa room ka na ba?"

"Oo bruha ka! Bakit magkasama kayo ni Drew? Halika na dito at kakalbuhin pa kita!"

Love Over FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon