Chapter 8: I Thought Everything Was Fine

51 12 0
                                    

Minsan akala mo okay na ang lahat, yun pala hindi pa. Minsan akala mo totoo na, yun pala mali lang ang yung akala.

- Lai Villarosa

Chapter 8: I Thought Everything was Fine

Mikko's POV

Nasa canteen kami ngayon ni Nemiel. Break time kasi namin kaya kumain muna kami ng lunch. Di namin kasama si Fia dahil di naman namin siya kaklase ngayong araw pero may pasok siya. Hindi ko lang alam kung nasaan siya ngayon.

"Pre ano? Dota tayo after class?"

Tanong sakin ng mukong.

"Haha wala ka namang binatbat sakin e."

"Yabang mo ah. Talo ka nga sakin last time e haha."

"Haha baka ikaw. Loser!"

"Oh? Ako talaga? Kung may loser man dito pre, ikaw yun haha. Eh diba nga iniwan ka ni May hindi ka pa nga sinasagot nun e, hindi pa kayo pero heartbroken ka na."

"Tsss. Manahimik ka nga. Parang ikaw di ka loser ah? Binasted ka nga ni Lea diba? Kasi bakla ka daw! Hahaha."

"Ulol pre, hindi ako bakla. Masyado lang talagang strict ang parents niya."

"Haha sos. Wala bang bago?"

"Maghahanap pa haha. Oh ikaw? Nakita ko photos niyo ni Sofia kagabi ah. Magkasama pala kayo kahapon. Di man lang kayo nagyaya."

"Haha mahihiya yun pre pag nandun ka, type ka nun e."

"Gag*! Ikaw type nun pre, hindi ako. Di mo ba nahahalata? Hindi na isang normal na best friend ang turing niya sayo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pre, yung pag-aalala niya sayo sa tuwing may sakit ka, sa tuwing absent ka, sa tuwing may naiinggit sayo at sinisiraan ka, iba e. Iba yung dating pag pinagtatanggol ka niya e. At lalo na pag tinitingnan ka niya. Talagang hindi lang kaibigan ang turing sayo. Pre, more than. Alam mo yun?"

"Pre impossible yang sinasabi mo. Saka natural lang naman na mag-alala siya o ipagtanggol niya ako. Since high school ganun na siya."

"Eh pano kung tama ako?"

"Eh di bahala siya. Alam naman niya na hindi ko siya gusto. Alam niya yung #1 rule. Alam niyang bawal pero hinayaan niyang mangyari ang hindi dapat. Hindi ko siya type at never ko siyang magugustuhan."

"Talaga lang ha? Pano kung bigla nalang siyang umalis? Pano kung naririnig niya tayo ngayon? Hahabulin mo ba?"

"Kung ang dahilan ng paglabag niya sa #1 rule, hindi! Hindi ko siya hahabulin. Hahayaan ko siyang umalis. Hindi siya kawalan pre dahil in the first place, hindi ko siya girlfriend."

"Sabagay. Pero ito sasabihin ko na sayo, she's not good for you. Ang dami pang babae sa paligid, mas maganda at mas worth it mahalin."

"Tama pre, tama."

Sofia's POV

Ang daming tao ngayon sa canteen, lunch time na kasi. Ang haba ng pila. Sa labas nalang sana ako kakain kaso gutom na talaga ako e. Pag lumabas pa ako maglalakad pa ako ng medyo malayo. Titiisin ko nalang 'to.

Habang nakapila, lumingon lingon ako sa paligid. Tinitingnan ko kung saan ako pwedeng umupo kapag tapos na ako mag-order ng pagkain ko. Paglingon ko sa likuran ko nag-uusap saktong nag-uusap si Mikko at Nemiel. Kakalabitin ko sana kaso bigla. Kong narinig ang pangalan ko.

"Nakita ko photos niyo ni Sofia kagabi ah. Magkasama pala kayo kahapon. Di man lang kayo nagyaya."

Sabi ni Nemiel kay Mikko. Palihim lang akong nakikinig sa kanila.

"Haha mahihiya yun pre pag nandun ka, type ka nun e."

Yuck! Si Nemiel type ko? Eww!

"Gag*! Ikaw type nun pre, hindi ako. Di mo ba nahahalata? Hindi na isang normal na best friend ang turing niya sayo."

What?? Pano niya nalaman?? Manghuhula ba 'tong mokong na 'to?? O sadyang lang nakakahalatatalaga?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pre, yung pag-aalala niya sayo sa tuwing may sakit ka, sa tuwing absent ka, sa tuwing may naiinggit sayo at sinisiraan ka, iba e. Iba yung dating ng pagtatanggol niya sayo. At lalo na pag tinitingnan ka niya. Talagang hindi lang kaibigan ang turing sayo. Pre, more than. Alam mo yun?"

Langya! Gusto ko na talaga lapitan si Nemiel at hampasin ng tray!

"Pre impossible yang sinasabi mo. Saka natural lang naman na mag-alala siya o ipagtanggol niya ako. Since high school ganun na siya."

Tama. Ganyan nga, wag kang maniwala. Hindi mo pwedeng malaman ang totoo.

"Eh pano kung tama ako?"

"Eh di bahala siya. Alam naman niya na hindi ko siya gusto. Alam niya yung #1 rule. Alam niyang bawal pero hinayaan niyang mangyari ang hindi dapat. Hindi ko siya type at never ko siyang magugustuhan."

Tama ka Chubs, kasalanan ko 'to. Ginusto kong mahalin ka. Wag kang mag-alala, I won't blame you.

"Talaga lang ha? Pano kung bigla nalang siyang umalis? Paano kung naririnig niya tayo ngayon? Hahabulin mo ba?"

"Kung ang dahilan ng paglabag niya sa #1 rule, hindi! Hindi ko siya hahabulin. Hahayaan ko siyang umalis. Hindi siya kawalan pre dahil in the first place, hindi ko siya girlfriend."

Ouch! Ang sakit! Tagos na tagos! Pero totoo naman e. Hindi niya ako girlfriend. Pero ang sakit lang na sabihin niyang hindi ako kawalan. Parang tinapon niya lang yung pagkakaibigan na nabuo ilang taon na ang nakakaraan.

"Sabagay. Pero ito sasabihin ko na sayo, she's not good for you. Ang dami pang babae sa paligid, mas maganda at mas worth it mahalin."

"Tama pre, tama."

Ang sarap manapak ngayon promise! Hindi ko lang alam kung sino uunahin ko sa dalawa! Lumabas nalang ako ng canteen, di ko rin alam kung maiiyak ako, o ano. Basta ang alam ko galit ako at nasasaktan ako. Di niyo naman ako masisisi e. Masakit makarinig ng ganoong salita, lalo na sa bestfriend ko pa talaga galing. Sa sinabi niya parang yung paggiging mag bestfriend namin e wala lang sa kanya. Big deal sakin yun kasi mahalaga sakin ang friendship namin lalong lalo na ang mga pinagsamahan namin.

Nawalan na akong gana kumain. Pumunta nalang ako muna ako school garden at nagpahangin. Gusto ko munang mapag-isa. I just want to spend time with myself.

Umupo ako sa damuhan at napaisip ako. For so many years, I really can't imagine na ganun nalang talaga ang tingin sakin ni Mikko, ang hindi kawalan. Masakit, kasi he used to be my hero way back in high school. Lagi kasi akong binubully ng mga classmates namin dahil nga payatot ako at pikon. He used to stay by my side para ipagtanggol ako. Pero ngayon, wala na. Akala ko talaga special na ako sa kanya. Kahit special friend nalang sana matutuwa na ako nun.

Totoo nga, that things will never gonna be the same year by year lalo na pag opposite sex kayo ng bestfriend mo. Lalo na pag di ka niya gusto kasi darating talaga yung time na maghahanap siya ng taong mas makakapagpasaya sa kanya. At pag nangyari yun, kawawa ka. Parang ako, kawawa. Haaay can I just delete my feelings for him? Para di na ako masaktan. Kung meron lang talagang gamot para makalimot, bibili talaga ako mga sampung banig!

***
Maya-maya pa nag bell na. Pumasok na ako sa next class ko at nagfocus sa pakikinig sa discussion. Mamaya ko nalang isipin yung ibang bagay pag nasa bahay na ako. Aral muna, maya na emote!

***

End of Chapter 8

Love Over FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon