#58//: The Engage Couple

327 5 0
                                    

So this chapter is for the big break of our very own chanak este sarah hohoho *0* buong chapter sayo ito kaya galingan mo ang pov mo!

#58//: The Engage Couple

...Sarah POV...

*snob ang comment ni author -_- ayaw ko masira momment ko*

Sabi nga nila kahit anong gawin mo.. player will always remain player *hoh*

Umupo nalang ako sa bench malapit sa tennis ground then sinimulan ko na naman ang bago kong habbit~~ ang saksakin ng ballpen ang hawak kong karton na may mukha ni Red....

"Malandi ka talaga! Ayan ba ang sinasabi mong hindi babaero huh?!!" impit na tili ko habang gigil na gigil sa pagsaksak ng mukha ni CASSANOVA EVER EVER EVER MONSTER RED MIN HO!

"Sarah??"

Napatigil ako sa ginagawa ko sabay angat ng tingin....

"Cris... ah hehehe heyow sayow..." ako na biglang tago ng karton sa may gilid ko

"Kamusta na? Di na kita madalas makita ahh" Aniya na inayos ang suot niyang eye glass at tumabi saken pero dahil si Cris iyan abahh sobrang laki ng distansya niya saken... war type ba kumbaga.

"Hetow cute parin este DYOSA ever pa rin. " Nakangiti kong sabi.

Ngumiti lang siya... wala pa rin pinagbago ohh.

"Di mo yata kasama si Clara..." tanong ko

"Nauna na siya ehh... may tinapos pa kasi ako kaya pinauna ko na..." Siya sabay wagayway ng hawak niyang folder.

"Haha sipag talaga mag-aral. Ikaw na!"

Pipisilin ko sana yung pisnge niya ng biglang may humawak sa kamay ko... napatingin naman ako dun sa humawak saken. Nawala ngiti ko at napalitan ng pagnguso.

"Kanina pa kita hinihintay ahhh... Andito ka lang pala .." Si Red na nakatayo sa likod ng bench na inuupuan namin ni Cris.

"Hinihintay?!! Talaga lang huh!!" bulyaw ko sabay super pout.

"Kanina pa ako sa tennis ground ikaw itong ang tagal dumating kasi inuna mo pa iyang ~~~" Siya na binitin pa ang sinabi at tumingin saglit kay Cris.

"Ah sige maiwan ko na kayo... bye" Paalam ni Cris na tinablahan yata ng titig ng kurimaw.

"Wag mo akong binabaliktad huh! Di ko gawain iyang gawain mo. Tumutupad ako sa truce natin unlike you... tse!" Tinalikuran ko na siya at nauna nang maglakad.

Kaka-stress! Siya itong may kalandian kanina kaya di na muna ako nagpakita kasi nakakahiya naman sa kanila kung maistorbo ko pa sila di ba? -3-

"Hoy ano to?" Siya na humarang sa daan ko at binandera sa mukha ko iyong hawak kong karton kanina.

"Karton ano pa ba sa tingin mo?!" ako

"Tsk! bakit tadtad ng tusok ang picture ko dito?! Ang gwapo ko pa naman dito.." Nakakunot na noo sabi niya.

"Pwede magpasalamat ka nalang at hindi iyong mukha mo talaga ang tinadtad ko ng tusok..." Ako with mega pout!

"Ayaw pa kasing aminin na gwapong gwapo ka saken." Nag smirk siya at nauna na maglakad.

At syempre dahil Gwapo siya este mabango-- I MEAN HALIMAW siya kaya sumunod na rin ako sa kanya... OHA!!! para libre sakay na rin ako di ba?! Pagdating sa parking ay huminto siya kaya huminto rin ako.

"Tssskkk.." Tinignan ako nito.

"Oh ano naman problema?" Nagtatanong ako.

Nilingon niya ako at tumingin sa suot kong damit. Obaka naman sinusukat ng baliw na ito ang vital stat ko?! Makatitig akala mo hinuhubaran ako!

Silent Queen Book2: Dark WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon